Mystery Voice.
"Circulatory System is the system that circulates blood and lymph through the body, consisting of the heart, blood vessels, blood, lymps, and the lymphatic vessels, and also glands."
Science ngayon ang klase namin nakatitig lang ako kay Mrs.Ramos habang nag-didiscuss about sa circulatory system,pero kahit na nakatingin ako kay Mrs.Ramos walang pumapasok sa tenga't utak ko na itinuturo niya, kasi hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa kanya dahil hanggang ngayon iniisip ko parin yung scandal picture ko with that stupid neird na nakapaskil ngayon sa bulletin board ng school.
Jusko! Ano ng gagawin ko!? Paniguradong nakita na yun ng buong estudyante dito sa Montessori Academy!
Bwisit! Kung sino man ang nagpaskil niyon dun..isinusumpa ko kapag nalaman ko lang kung sino ka kakalbuhin ko yung buhok mo..up and down! I swear!
Grabe! Bakit ba sunod sunod na kahihiyan ang nangyayari sa akin ngayong araw?
Una: Na late ako dahil sa kakaisip sa Bwisit na Matthew Laurence na yan at sa hinayupak na Lance the neird na yun.
Pangalawa: Akala ko buenas na dahil nagkabangaan kami ni Matthew Laurence kanina. Okay lang sa akin kahit ma-late ako o kahit hindi na ako pumasok sa mga klase ko maghapon basta ba kausapin lang ako ng ultimate crush ko. Pero hindi eh..sa halip na tulungan akong tumayo at humingi ng sorry dahil kahit ako ang may kasalanan eh nabangga niya parin ako at nasaktan ako sa pagkasalpok ko sa matigas niyang katawan. Pero anong ginawa niya!? Nilait niya ako!? SINABIHAN NIYA AKONG STUPID!! Napaka-yabang niya! Argh! Stop na Shane! Move on na!
At pangatlo: Yung bwisit na picture na nakapaskil sa bulletin board. Shoks! Hiyang hiya na talaga ako sa sarili ko. Wala na akong mukhang ihaharap! Huhuhu!
"Ms.Yuan."
Nawala ako sa pagmumuni-muni ng marinig kong banggitin ni Mrs.Ramos ang epilyedo ko. Kaya pati mga kaklase ko nasa akin na ngayon ang atensyon. "Y-yes m-maam?" Nauutal kong tanong. Syete! Nakalimutan ko palang nagtuturo si Mrs.Ramos. Sabi ko sa inyo eh..lutang talaga itong utak ko.
"Are you with us? Kanina pa kita napapansin na tulala dyan? Do you have a problem?" Tanong sa akin ni Mrs.Ramos.
Naku maam! Marami! Marami akong problema.
"N-none maam." Tipid kong sagot. Bigla tuloy uminit ang pakiramdam ko dahil sa pagkabigla.
"Are you listen to my discussion?" Tanong niya ulit sa akin. Aish! Bakit ba ganyan sila makatingin?
"Y-yes m-maam. I l-listening." I lied.
"So,if you are listening give the example of circulatory system." She said that cause shaking of my hand.
Paktay! D-dapat pala sinabi ko na lang hindi eh! Pero nakakahiya parin pag-sinabi kong hindi ako nakikinig. Parang wala naman akong choice eh magsinungaling man ako o magsabi ng totoo,parehas nakakahiya!
Well,dahil mas pinili kong magsinungaling. Panindigan ko ito. Take a consequence shane!
Whoo! Bahala na si batman!
"Good luck girl." Narinig kong bulong ni stella at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. At naririnig ko naman si maureen na humahagikgik.
Mga hinayupak itong mga ito. Naturingan ko pa naman ding mga kaibigan. Tsh!
Dahan-dahan akong tumayo at huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita. Buti na lang may kunti akong idea about Circulatory System dahil napag-aralan ko na ito last year sa SJP.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...