Agree or Disagree?
"What is that?"
Dahan dahan ako napalingon sa likuran ko. At laking gulat ko ng makita ko si Stella na nasa likuran ko habang nakapamewang,at nakataas pa ang isang kilay.
Para siyang mean girl sa itsura niya kaya napalunok ako. Omo! Baka narinig niya yung mga sinabi ko.
"S-stella.." Pagbangit ko sa pangalan niya habang matinding kalabog naman ang nararamdaman ng aking dibdib. "N-nandyan k-ka na pala." Nauutal kong sabi.
"Yeah! I'm here now. So..what did you say na baka marinig ko?" Mataray na tanong sa akin ni Stella. Pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Dahil natatakot ako na baka malaman niya ang sikreto ko tungkol sa Kuya niya.
Shoks! Lord! Katapusan ko na ba!? Di pa tumatagal friend ship namin masisira na kaagad!
"May dapat ba akong malaman?" Tanong niya ulit sa akin,pero hindi ko ito magawang sagutin dahil pinangungunahan ako ng kaba. Wala! Wala kang dapat malaman stella. Nararamdaman ko na ang mainit na pawis na tumutulo mula sa nuo ko.
Shit! Ano na naman bang idadahilan ko!?
"Shane! Maureen! Ano ba!? Sumagot nga kayo! Ano ba yun!?" Inis na sigaw ni Stella. Biglang uminit ang pakiramdam ko dahil sa biglang pagsigaw ni Stella,dahilan para magulat ang mga estudyante na nandirito sa loob ng cafeteria. Kaya lahat ng atensyon nila ay nabaling sa amin.
Argh! Pwede bang mahimatay ngayon lang?
Grabe! Ganito pala magalit si Stella. Masyadong iskandalosa.
"May tinatago ba kayo sa akin?" Malumanay na niyang tanong sa amin pero mapapansin mo dun ang pagiging seryoso niya.
"S-stella..w-wala kaming tinatago sayo." Sa wakas at nagawa ko ring magsalita,pero yung mga pawis ko ay patuloy lang sa pagtagaktak. Jusme!
"Oh talaga? Yun naman pala eh..oh eh bakit ayaw niyo sabihin sa akin kung ano yung pinaguusapan niyo? At ano yung sinabi mo Shane na baka malaman ko? Tell me..if you're really not secreting to me." Mataray na tanong ulit sa akin ni stella,habang nakatayo parin.
Jusme! Paano ko ba ito malulusutan? Nakakahiya na!
Huminga ako ng malalim. Siguro dapat ko ng sabihin kay Stella ang totoo na matagal na akong may matinding paghanga sa Kuya niya. Tutal naman na sa moving on process na ako. At nasa kanya na yun kung iintindihin niya ako o hindi. Kung puputulin niya na yung pagkakaibigan namin o ipagpapatuloy pa ito.
Swerte ko na lang pag nangyari yun. Ayaw pa naman niya sa mga babaeng dikit ng dikit sa kanya para lang makalapit at mapansin ng Kuya niya. At tsaka hindi naman ako ganung klaseng babae eh! NEVER! Oo! Nag-enrolled ako sa school na ito para magkaroon ako ng chance na makita at mapansin ni Matthew Laurence, pero hindi ko naman inisip na gumamit ng ibang tao noh! I'm not a user. Duh!
So,balik na tayo sa iskandalosang si Stella. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Bahala na si batman,kung ano ang magiging reaksyon nito sa sasabihin ko.
"A-ahh..a-ano..b-baka k-kasi-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang itong putulin ni Maureen.
"Baka kasi magalit ka kapag malaman mong hindi mag-aaudition si Shane sa Dance Trope..kasi ang gusto niya talagang salihan ay yung Glee Club." Napatingin ako kay Maureen at napatulala sa kanya. I can't imagine na gagawa siya ng alibi para maisalba ako sa gusot na ito.
"Is it true shane? Yun ba yung ayaw mong ipaalam sa akin?" Tanong niya sa akin,kaya nawala ako sa pagkatulala.
"Y-yeah. Y-yun talaga yung ayaw kong malaman mo. K-kasi i d-dont wanna hurt your feelings..k-kapag nalaman mong a-ayaw kong sumali sa club niyo. H-hindi talaga kasi ako marunong sumayaw eh." Pagdadahilan ko.
BINABASA MO ANG
My Ultimate Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang humanga? Eh..naranasan mo na bang mabaliw dahil sa hinahangaan mo? Sabi nila masarap daw kapag may hinahangaan ka..dahil makakaramdam ka ng kakaibang kilig at saya kapag nasisilayan o nakikita mo ang taong hinahangaan mo. Eh p...