RD 4

122K 4.3K 1.5K
                                    

Phase 4


"Hindi mo sinabi na magaling ka pala sa crafting."

"Sakto lang, mas magaling at matiyaga si Loraes."

Dinig kong usapan ng mga kaklase ko habang nililigpit ko ang mga kagamitan. Natahimik si Carly dahil hindi nagustuhan ang sinabi ni Iris, bumulong-bulong na lang si Carly at umismid sa akin.

I sighed inwardly.

"Ayusin na natin ang materials. Hindi na tutulong si Loraes dahil siya na ang tatapos ng pintura."

Nagsitanguan ang ilan sa kaklase ko, kampante na paglilinis na lang ang gagawin sa araw na ito. Binukas-sara ko ang nangangalay na mga kamay at saka inunat ang leeg pakanan.

Puro dumi na ang kamay ko dahil sa pagpipinta namin sa pader ng classroom at ako lang ang halos kumilos doon dahil disenyo ko ang pinili ng officers, ewan ko kung bakit heto ang pinili samantalang hindi ko naman sinali ito para sa pagpipilian sa classroom. Pinasa ko lang ito para sa portfolio, secretary kasi ang humahawak noon at nagbibigay sa professor.

Tahimik akong lumabas ng classroom na walang tinitingnan sa mga kaklase kahit na alam kong pinagtatawanan ako ng iba. Ang dungis ko kasi, wala lang akong oras manalamin pa dahil minamadali ko ang lunch break para hindi malipasan ng gutom gaya ng paalala ni Lola. Iyon na lang ang masusunod ko sa mga paalala niya dahil matigas ang ulo ko sa ibang bagay na ayaw niyang gawain ko kaya gagawin ko. Ilang araw na akong puro pagtatago tuwing lalabas ng classroom at Brentdale.

"Sovie, sabay tayo ulit." habol ni Seymour, isa sa kaklase kong lalaki pero naiiba dahil sa kanyang get up kaya hindi rin kinakaibigan ng mga kaklaseng lalaki.

Kumurap-kurap ako, hindi na ako nagsalita at tumango na lang. Seymour is a nice man, or boy? Not sure how to call him but he looks like a puppy for me, he's somehow cute because of uniqueness. Katulad ko ay hindi rin niya pinapansin ang mga taong nagsasalita sa kanya. Although, some of my classmates are admiring him because of his cute nerdy look and he's intelligent in all subjects while I am hated by many.

Sinulyapan ko siya sa gilid. He's now looking at the manga book he's reading since early this morning. Napatingin ako sa kanyang kabuuan, his hair is just in a soft down free style, covering his forehead and half of the eye. He was tall and slim for a man I usually see on Primiel's circle, eyes were downturned that made him look like a very tamed puppy and thin cerise lips. May makapal na salamin sa mata at braces sa ngipin na hindi bago sa henerasyon ngayon kaya kung titingnan ay para lang siyang normal, iyon lang ay masyadong weirdo dahil kahit saan ay puro pagbabasa ang ginagawa at hindi nakikisalamuha sa iba. He rather group with himself only than talk to a group of people.

Nagmadali akong lumakad sa counter kasama si Seymour pagkababa ng cafeteria, parati kong nakikita si Primiel simula noong gabing natalo niya ako sa karera at advantage kong siya ang una kong napapansin kesa sa ako ang mapapansin niya dahil mabilis akong nakakatakas at nakakapagtago. I know this is unfair because we had a deal and I lost the bet, kung tutuusin ay pandaraya ito pero ayaw ko talaga sa kagustuhan niya kaya kailangan kong gawin ito.

Nagyuko ako ng ulo nang kunin ni Seymour sa akin ang tray na hawak ko at nilapag ulit iyon sa counter, nagkatinginan kami. He slowly scanned the cafeteria and turned to me.

"Just give me your order, and find a seat where you are comfortable on. Mukhang nagtatago ka, e." he chuckled.

Nakangiwi akong napangiti, peke pa. Sinabi ko ang order sa kanya at parang si Flash akong naghanap ng upuan sa bandang dulo at gilid para maging tago mula sa madalas na puwesto ng mga kaibigan ni Primiel. Primiel doesn't really care about the area he's in, uupo lang siya sa mga kaibigan niya at walang nililingong tahimik na kumakain tuwing lunch break kaya hindi ako mapapansin kung sakali man. I'm crossing my fingers.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon