RD 8

102K 4.3K 2.3K
                                    

Phase 8





That was before I went to a racing game as his plus one, Madelaine didn't even introduce his name to me and now I can't believe that he's the man behind the darkness I was in when I had no idea what's inside the room of fraternity.

Is that really Primiel? I couldn't describe the voice, he wasn't cold as what he is now while talking. He was something else... sweet and very comforting. Bakit ganito ngayon? And how will I confirm that? Tatanungin ko ba siya o hahayaan na lang kasi wala na rin namang saysay!

Pagkababa ko ng sasakyan ay sinilip ko siya sa loob, bahagya akong nagkaway ng kamay kahit na hindi ko alam kung bakit ko ginawa. His hand is on the steering wheel and the other elbow was leaning on the window. Nilingon niya ako, my heart wrenched nervously.

"U-Uh, papasok na ako." mahinhin kong sambit at tinuro sa aking likuran ang mansyon nila Stelios.

Tipid siyang tumango habang nakatingin sa akin, misteryoso ang mga matang blangko sa kalamigan.

"Alright, good morning. Have a good sleep." he said frigidly.

Huminga ako ng malalim at marahang tumango. Hindi naman siguro niya nahahalata na naalala ko na kung saan kami unang nagkausap kahit hindi ko pa siya kilala bilang kaibigan nila Madelaine? O baka nakilala ko na siya noon pero hindi lang talaga pinakilala ni Madelaine ang mga pangalan, ang alam ko kasi ay sa tambayan nilang magkakaibigan ko lang siya unang nakita. Sa malayo.

Is he one of the members of fraternity? Why was he even there that night? Ugh! Questions!

"B-Bye..." nauutal kong sinabi at umatras na.

He nodded like pointing the house behind me, parang robot akong tumalikod at naglakad na patungong gate. Nanginginig pa ang kamay ko habang inaabot sa paso ang susi, muli ko siyang nilingon sa sasakyan. I can't certainly see him because darkness inside his car is invading his place there, I sighed mildly and opened the gate.

Pumasok na ako ng tuluyan at dumiretso sa loob ng mansyon, halos magmadali pa ako sa pag-akyat sa kuwarto para masilip siya mula sa labas, I opened the light. Maliit kong binuksan ang kurtina para makita siya, ilang segundo lang ang tinagal ng sasakyan niya roon ay nilisan na rin ang kahabaan ng village. Napahinga ako ng maluwag habang sapo ang aking dibdib na kabado hanggang ngayon, pabagsak at pagod akong humiga sa kama bago tumulala sa kisame para mag-isip pa ng malalim.

After that night I got a text from the man who let me out of their hideout.

Him: Goodnight, Loraes.

Suminghap ako, kinabukasan ko na iyong nabasa dahil sa sakit ng aking katawan ay mabilis akong nakatulog matapos akong maihatid. Kinagat ko ang aking labi at mabilis nagtipa ng reply.

Me: Are you the same man who got me out?

He replied after minutes.

Him: May iba pa bang kumuha ng numero mo?

I shuddered, I smiled unconsciously as I typed my reply again.

Me: Ah, wala na. Good morning pala, have a good day.

Ngiting-ngiti ako sa sarili, mabilis kong tiningnan ang repleksyon sa salamin. Magmula kagabi ay suot ko pa rin ang jacket na galing sa kanya, sayang lang talaga at hindi ko siya lubusang nakita dahil hindi niya pinatanggal ang blindfold sa akin. Hinatid niya ako sa tapat ng aming gate at iyon ang nagpataka sa akin, pero siguro ay nagtanong siya sa iba kung saan ba ako maihahatid. Tama.

Hinubad ko ang jacket na iyon at maayos na tinupi, wala siguro talaga siyang balak magpakita sa akin. But I'm really curious, how he looks like? His voice is raspy and comforting, calm and quiet. Guwapo kaya siya? Pero kung guwapo siya dapat nga confident siyang magpakita, 'di ba? Ano pa man ang itsura niya ay dapat kong ipagpasalamat na dumating siya at iyong Rai, kung hindi ay baka nagluluksa na ako ngayon dahil sa mangyayari.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon