RD 27

86.8K 3.2K 1.7K
                                    

I love the theories and guesses! But don't expect too much, this story is the chillest one since it's the last installment of Villareals. Nothing's special. Walang pasabog nga, actually. Simpleng mga problema sa buhay ng tao at relasyon.


Phase 27

Wala akong magawa, nanatili akong tahimik habang naliligo siya sa banyo. Hindi niya pa nga yata mahihintay ang pagdating ni Mama rito. My heart contorted firmly, palakad-lakad ako sa sala habang nag-iisip ng puwedeng gawin na magpapanatag sa loob ko kaya pumasok ako sa kuwarto. Hinanap ng mga mata ko ang bag niya, I don't know why I suddenly want to see his cellphone. Hindi na kasi gaya noon na nakakalat lang iyon kapag narito siya, ngayon hindi ko na makita dahil parating nasa bulsa niya o kaya naman ay malapit sa kanya.

Kahit na magkarelasyon kami, alam ko ang limitasyon ko sa kanyang privacy kaya hindi ko pinipilit iyon. Hinahayaan ko siyang magtago ng cellphone, hindi ako nagtatanong dahil buo ang tiwala ko sa kanya na wala siyang ibang babae o anuman pero ngayon parang may tumutulak sa akin na sumubok. Nakita ko ang cellphone niya sa bulsa ng bag, nanginginig ang kamay na binuksan ko iyon.

Two names on the screen welcomed my eyes.

Horace: You fucking need to go back now, Manila. Thanks for having me as a watcher, ha.

Suelly: Where are you, Primo?

Lumunok ako at kumunot ang noo, I immediately swiped it to unlock but it required a passcode! Mas lalong nanginig ang kamay ko sa pagkirot ng aking dibdib, mabilis nanlabo ang mga mata ko.

Bakit? Anong mayroon? Primiel? Dito pa lang nasasaktan na ako, e. Ano pa kung mabubuksan ko ito at mababasa ang mga text na nilalaman? Kung mababasa ko ang usapan niyo ng Suelly na 'to? Iyan ba ang tinatago mo?

Tears fell smoothly, I blinked my eyes and put the cellphone back in his bag. Hinahanap na siya ni Suelly kaya kailangan na niyang bumalik ng Maynila at mayroon pa siyang taga masid doon para saan? Para kay Suelly? Nag-aalala ba siya na baka may iba iyon doon habang wala siya?

Sinabunutan ko ang sarili at binaon ang mukha sa unan, I cried in silence. Naguguluhan ako sobra, hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Gusto kong mag-isip ng positibo pero malala ang pagkaaning ko sa nalalaman at nahahalata sa kanya.

Mahal kita, Primiel, sobra. Pero bakit ganito bigla? Bakit nagtatago ka? Noong una naiintindihan kong Mama's boy ka! Pero ano ito? Bakit may Suelly sa Maynila? Sa ilang buwan, parati ko na lang naiisip kung ano ba talagang mayroon kay Suelly, e. Pero wala naman akong mahanap na butas bukod sa isa siyang babaeng kapareha niya ng larangan sa Maynila.

Am I not enough here? Siguro nga awa na lang niya ang pagsuporta sa akin, pakitang tao na ang lahat...

Nagpakita akong maayos kay Primiel pagtapos niyang maligo, he went inside my room quietly while drying his hair with my pink towel. Tanging pantalon lang ang suot at wala pang pang-itaas. Sumandal lang ako sa headboard habang pinapanuod siya, nagsalubong ang tingin namin. Tipid ko siyang nginitian kahit na ang hirap-hirap maging maayos sa kanyang harapan, lumapit siya at sumampa sa kama. His hand reached my waist and pulled me gently, binaon niya ang mukha sa aking leeg bago nagpatak ng maliliit na halik patungo sa aking balikat. Pigil ang hininga ko sa bawat pagtibok ng puso ko na makirot, I did my best to pull off all the emotions running around my head and heart. Umiiyak ang puso ko sa kanyang aksyon kahit puno ng kalambingan, hindi sapat para maibsan ang pait.

Ayaw kong umiyak sa harapan niya, ayaw kong magtanong at ayaw kong masaktan. Ayaw kong maging mahina, kahit sa kanya lang. Mahina na ako sa buhay, ayaw ko nang maging mahina pa pati sa pagmamahal.

Humawak siya sa panga ko at kinapa ang temperatura ng aking leeg. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, bumaba ang kamay niya sa tiyan ko at doon humaplos. Gusto kong magalit sa sarili dahil nawawalan ako ng lakas.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon