RD 50

148K 4.3K 2K
                                    

"Just sit down, Sovie." ani Ametrine sa akin nang lumapit ako at umambang tutulong sa paglalabas ng mga iihawing baboy sa backyard.

Nangunot ang noo ko pero nawaglit nang hinila naman ako ni Bistre patungo sa lamesang mahaba, some of the people there are busy talking. Kung hindi lang tinawag ni Bistre ang pansin ng babaeng may pastel pink na buhok ay hindi pa iyon mamamansin, ganoon din ang isa pang kasama roon na abala naman sa paggala ng tingin sa mga batang nagtatakbuhan sa bakuran.

"Ganda ka ba, Embry?" tawag pansin ni Bistre sa babaeng may ibang kulay na buhok.

Lumingon iyon at tinaasan agad ng kilay si Bistre.

"Yes, obviously."

"'Yan ang sagutan, pang Miss U... Miss Unanimous major in feelingera uberlodi kapalmuks." tawa ni Bistre.

Ngayon ko lang nakita ng malapitan iyon, she has a tiny diamond stud earring on the left side of her pointed thin nose, barbie pink thin lips, eyes were in a smokey make up and her beautiful pastel pink hair looks like a dream hair of any girls in this generation. It's long straight hair until her proud hips, she's just wearing a denim fitted shirt dress with a Chinese collar and a white Gucci doll shoes.

"Tseh!" tawa noong Embry.

Humalakhak si Bistre. "Mahiya ka, be. Anyway, heto si Sovereign. Sovie for short. The ruler of the youngest Villareal, oha. Pak na pak! Ganda, diba?"

Uminit ang pisngi ko sa bahagyang hiya sa kanila. Nag-abot ng kamay iyong Embry sa akin.

"Eminence Zobel, hi!" pakilala niya at bati sa akin, tinanggap ko ang kamay niyang malambot at nginitian siya.

"Statice," tipid na pakilala noong isa pang mukhang pormal sa gitna ng kasiyahan.

Tinuro sila ni Bistre sa akin. "Ate ko 'yang mukhang old maiden at masungit kala mo kinaganda niya... tapos iyan ang bunso si feeling barbie, mukha lang namang barbie na nabili sa palengke. Diba, diba?"

Hindi ko alam kung matatawa ako, pero pinili kong ngumiti at pigilan ang tawa dahil baka makabastos pa ako. Mga kapatid pala niya ito, Statice and Embry Zobel. May ilang pagkakahawig sila at hindi maikakaila na magkakapatid sila, iyon lang ay kakaiba talaga ang dating ni Embry dahil sa kanyang buhok at porma. Halos magkaparehas silang pumorma ni Bistre, si Statice naman ang classy sa kahit anong kilos at pananamit ngayon.

Embry rolled her eyes. "Don't be too envious, Inocencia. You're just insecure."

Humalakhak si Bistre.

"Alam mo kung saan ako nainis? Tinawag mo akong Inocencia, kutusan kita diyan, e. Gigil mo 'ko!"

Natawa ako roon. Pinaupo ako ni Bistre doon para makakuwentuhan, sa unang mga minuto ay nakakahiya pa pero kalaunan akong napanatag na kausap sila ni Embry. Statice was just listening to our talk, nakakatawang magsalita si Bistre at Embry dahil halos magkatulad pero hindi nagkakapikunan hanggang sa napunta ang usapan namin sa asawa niya.

"Natatawa ako, naalala ko kasi si Daksi- si Prian pala. Sabi niya si Primiel daw ang nagturo sa kanyang manligaw. Niligawan ka ba ni Primiel? Mukhang well trained, e."

Ngumiti ako at tumango, naalala ko pa na matagal siyang nanligaw at naghintay noon sa sagot ko.

"Ilang buwan naman? O araw? Pucha kung ako niligawan nun, baka nalaglag na panty ko agad. Charot!" halakhak ni Bistre.

Natawa ako. Naalala ko kasi si Cyprian kanina noong inasar niya si Bistre habang nag-aayos ng lamesa, tiningnan lang siya ng masama ay biglang nagsalita ng charot kaya tawang-tawa sila Bistre at ang ibang nakarinig. Kakaiba kasi ang pagsasalita ni Cyprian, slang kaya mas nakakatawang pakinggan. I suddenly remember Primiel's voice saying it awhile back, hindi nakakaturn off dahil matigas at makapal ang boses. Parang nabigla nga lang siyang magsabi noon kanina, nagaya lang yata sa nakapaligid sa kanya kapag nagbibiruan.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon