RD 14

95K 4K 1.4K
                                    

Phase 14

The breath of present brought me back from a broken dream I've had over the past younger years. Scracthes of everything happened came back stabbing my heart to feel miserable again. I took a deep breath and blinked my eyes while looking in front, thinking about the past I had suffered that still feels fresh and miserable.

Napatulala ako at kahit takot balikan ang batang karanasan noon ay hindi maiwasan. My heart contorted rigidly.

My father died from a car accident month after Lenore's death that I didn't expect verily, kahit na sa bahay ni Mama na ako nakatira matapos ang nangyari kay Lenore ay kinukumusta ko pa rin si Papa. Iyon lang ay pinagtatabuyan niya ako dahil sa galit at sama ng loob, hindi man pisikal ay nasaktan ako roon at pinalipas ang ilang linggo bago muling mangumusta noong pinuntahan ako ni Saint para bisitahin. Doon ko rin nalaman na wala na ang Papa ko dahil sa isang aksidente, he brought me to his funeral and felt bad after seeing Jodi's suffering. Kahit na alam kong gusto niya akong palayasin doon ay hindi niya ginawa dahil sa panlulumo at panghihina sa mga kawalan.

I lost a sister and a father... I know the reason why I lost a father, it was also because of me. Kung hindi nawala si Lenore ay masaya pa sana ang pamilya nila at kumpleto, but the thing happened and they lost their angel. Papa got depressed and hurt to the point he couldn't think straight and right.

My chest tightened real bad, it's twisting in ways of painful things and many regrets right after everything. Napasinghap ako nang tumunog ang cellphone sa tabi, sinulyapan ko iyon bago tingnan ang liwanag ng kaulapan sa labas ng bintana. I took my eyeglasses beside my pillow and wore it as I read the text.

Primiel: Morning.

Huminga ako ng malalim, gustuhin mang mangiti ay hindi naman magawa ng labi ko dahil sa pinanggalingang alaala.

Ako: Morning, Mr. Primo.

Primiel: Why are you always calling me that? It's annoying in the morning.

Ngumuso ako.

Ako: Wala lang, bagay kasi sayo lalo na pag kunot ang noo.

Primiel: Tss, eat breakfast.

Ako: Naghahanda ka na ba para sa graduation mo mamaya?

Primiel: Is it needed to be ready for that event?

I face palmed.

Ako: Ewan ko sayo. Good luck.

Primiel: I'll take you to school, anong oras kang matatapos diyan?

Binaba ko ang mga paa sa sahig at tumayo na, lumakad ako sa tukador para suklayin ang buhok kong mahaba habang nagtitipa ng reply sa isang kamay.

Ako: Our professors cut the classes already, I guess they'll be watching the graduation event of your batch later.

Primiel: Mm-hm, so I'll see you after the event? May pupuntahan ka ba?

Ako: Wala naman, pero hindi yata ako puwede ngayon dahil medyo nagkasagutan kami ni Stelios kaya mananatili ako sa bahay para magpalamig.

Iyon siguro ang tama kong gawin, hindi rin maganda na may iringan kami sa iisang bubong at sila pa naman ang pinagkakautangan namin ng loob sa ilang taon. I felt really insulted but what's new, right? I got insulted years before, this isn't new to my ear. Ang mainam kong gawin ay magpalamig na lang para hindi na niya ako makita palagi sa gawain.

Primiel: Can I call?

Napabungisngis ako, nagpapaalam pa pero mas ayos naman iyon. At least napaghahandaan ko, hindi iyong nanggugulat kadalasan. I just replied a simple smiley and he called instantly, nilapat ko sa tainga ang cellphone.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon