RD 9

109K 4.4K 3.6K
                                    

Phase 9

Tuwing tanghali ay maaga akong umuuwi ng bahay para lang makausap si Kiel, madalas siyang tumawag sa akin kapag oras ng uwian. Pang-umaga ako kaya sa tanghali ang uwian, iyon lang ay hindi siya tumatawag sa akin pag kasama ko ang mga kaibigan ko sa apartment na pinaglilipasan ko ng oras minsan dahil ayaw daw niyang makaistorbo sa oras na iyon at siya rin naman ay may pasok.

I'm always imagining him without a face pero kinikilig ako tuwing maiisip na nakaputi siyang uniform at mukhang malinis sa lahat. Naisip ko rin na hindi talaga mata ang nagsasabi kung kanino ka magkakagusto, katulad sa akin. Hindi ko siya kailanman nakita pero kakaiba na ang epekto niya.

Nagtext ako sa kanya ng magandang tanghali, hindi ko na hinintay ang kanyang reply dahil naglalakad na ako sa labas ng school. Mabilis kong  binulsa ang maliit kong cellphone sa palda, nakita ko ang grupo ng lalaking madadaanan. Nakatambay sila sa isang pick-up na tila may inaabangan, niyakap ko ang libro sa aking mga braso at tinaas ang bahagyang nahuhulog kong salamin habang niyuyuko ang ulo para mabilis silang malampasan. Simula noong gabi sa hideout ng fraternity ay kabado na ako tuwing nakakakita ng grupo ng mga lalaki rito sa labas ng school lalo na kapag iba ang uniporme nila.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalampas na ako sa pick up na iyon, malakas ang tawanan nila sa pinag-uusapan.

"Loraes Gallardo."

Napatalon ako sa gulat nang akbayan ako ng isang matangkad na lalaki, nang lingunin ko ay hindi ko makilala. Suminghap ako at agad piniglas ang sarili mula sa kanya, hinila niya ako patungo sa harapan ng mga kaibigan. Puro malalaking tao sila at mukhang mayayaman, nakilala ko ang pamilyar na uniporme ng Brentdale.

"U-Uh, nagkakamali lang kayo." natatakot kong sambit.

Hinawakan ako sa panga ng lalaking may akbay sa akin at tinitigan ang bawat parte ng mukha ko sabay humalakhak. The tone of my fear doubled like someone just maxed the volume, suminghap ako.

"Sinong niloko mo?" paasik niyang singhal sa akin, ang galit sa mga mata niya ay hindi lang para sa isang dahilan at hindi ko mabasa kung para saan pa ang iba.

Namilog ang mga mata ko nang makilala ang boses na iyon, sa kanilang lahat ay siya ang naiibang boses dahil malalim na sobrang buo sa pandinig pati ang galit sa boses noon ay naalala ko. My heart wrenched horribly, mabilis akong umatras mula sa grupo pero muli lang akong hinila sa aking uniporme.

"Akala mo siguro makakatakas ka sa amin, 'no?"

"Sabi sayo, dude. Dito natin mahahanap, e." sambit ng isa na tumalon mula sa pick-up para harapin din ako.

Umiling ako at nangatog ang mga tuhod, namuo agad ang luha sa mga mata ko dahil sa takot. This is the change of my foolishness, my fault. All I need to do is to be brave, at least. To escape this. Tinanguan ng isang lalaki iyong lumapit sa akin, kinuha agad ang libro at bag ko. Napatulala ako at nanlumo.

"Please, ayoko na. Lubayan niyo na ako." sambit ko, luminga ako at napansin kong takot ding tumingin ang mga kaeskwela ko sa gawi ng grupong ito na tila bawal silang lapatan ng tingin.

Marahas akong inakbayan ng lalaking matangkad, pinalupot ang kanyang braso sa aking leeg. Nasa lima sila roong puro may malademonyong ngisi. Tinanggal niya ang salamin ko at mapaglarong ngumisi nang makita ang mukha ko.

"Ang ganda mo talaga," aniya at pinasadahan ng tingin ang dibdib ko pababa. "Sigurado 'to, pre. Panibagong lasa."

Tahimik akong naluha dahil doon, tinakpan ng lalaki ang bibig ko at malagkit na inamoy ang aking buhok.

"Maswerte ka lang dahil dumating 'yong epal, hindi naman kasali sa samahan 'yon, e. Ewan ko ba kung bakit nakikisawsaw pa sayo." bulong niya.

I shivered and started bolting from his hold, bumugso ang luha ko nang buksan ng isang lalaki ang pinto ng pick-up para sa akin. Nanginginig ang tuhod ko at halos mangudngod pa nang itulak ako ng may hawak sa akin para papasukin doon.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon