RD 47

109K 3.5K 1K
                                    

Phase 47

Sixth day, I went to the hospital early. Emosyonal pa ako dahil sasakyan na ni Primiel ang gamit ko sa pagpunta. I feel so alone the whole time without him, mabuti na lang at kausap ko si Mama sa Skype buong magdamag hanggang sa makatulog. Nakapag-usap na kami ni Saint, tinawagan pala siya ni Mama na ingatan ako at bantayan dito. Hindi kasi puwedeng iwanan si Sim sa Australia kung sakaling pupunta siya rito, gusto ko namang pagbigyan si Mama pero mas lamang sa akin ang kagustuhang manatili habang wala pang malay si Primiel.

To be honest, nahihirapan ako at natatakot sa kalagayan ko ngayon dahil alam kong tama si Mama na baka balikan ako ng mga Vargaz. Hindi man si Weston, iyong iba. Natatakot ako para sa dinadala kong inosenteng anghel, ayaw kong dumating ang oras na pagsisisihan ko sa huli ang hindi ko pakikinig. Hihintayin ko lang talagang maging maayos si Primiel, gusto kong sabihin sa kanya lahat ng takot ko at gusto kong bumalik ng Australia para hindi na mapahamak pa rito dahil sa nangyari. Vargaz are always seeking for revenge, it's not impossible for them to catch me one of these days. Baka ngayon nga, nagpaplano na sila.

Bumati sa akin ang ilang nurse na nakasalubong ko sa pasilyo, nakita ko pa silang nagbulungan pagkalampas kaya namuo ang kaba sa dibdib ko kaya mabilis kong nilakad ang kahabaan patungo sa silid ni Primiel na kinalalagyan. Ang alam ko ay ililipat na siya sa private room dahil maayos na raw ang vitals ayon kay Saint, napanatag ako roon dahil alam kong gigising na rin siya anytime.

Nanliit ang mga mata ko nang makita ang dalawang pulis sa labas, nag-uusap lang naman at mukhang normal. Suminghap ako nang makita ko si Suelly Vargaz sa loob ng silid, she's wiping her tears while parting her lips to talk. Pagkapunas niya ng panibagong luha ay napatingin siya sa akin, nag-init ang dugo ko at matalim siyang tiningnan. Nakacast ang kanyang kaliwang balikat at ngayon ko lang siya naabutan dito, gusto kong tumakbo sa loob at hilahin siya palabas. Iyon sana ang gagawin ko pero humakbang na siya palabas, tiningnan niya ang dalawang pulis pagkalabas pa lang ng pintuan at nagtanguan iyon saka lumayo sa pasilyo.

Mabilis ko siyang hinakbang at hinila sa kabilang braso, galit ang namuo sa akin. "Anong ginagawa mo rito, ha? May balak ka na namang masama!"

She flinched and pulled her arm from me, I glared more and pointed a finger on her.

"Wala kang karapatang pumunta rito at mag iyak-iyakan gayong pamilya mo ang may gawa ng lahat! Una si Mrs. Villareal, hindi pa ba sapat? You already hurt their family and now you're adding more!" I hissed, I can't contain the anger unleashing out of me. Gusto ko lang siyang pagsalitaan pero mabilis siyang umiling habang lumuluha.

"Wala kang alam, kailan ka lang ba bumalik dito para sa kanya?" sarkastiko niyang tanong. "Last month? Sa tatlong taong wala kayong kumunikasyong dalawa, wala kang alam sa lahat kaya huwag kang magsalita."

Natawa ako sa galit at sumamang sama ng loob dahil doon, ang kapal ng mukha niyang isumbat sa akin ang tatlong taong wala kaming dalawa ni Primiel! Alam ko pero hindi iyon ang usapan dito, ang usapan ay ang kawalanghiyaan nila!

"Wala akong alam kundi ang kademonyohan niyo, sapat na iyong kaalaman para kamuhian kayo. Ano pa bang kailangan kong malaman, huh? Na nagsisisi ka? Huwag kang magpatawa rito, Vargaz. Kahit wala akong alam sa loob ng tatlong taon, alam ko kung kanino at saan ako magagalit kaya huwag mong pakealaman ang sasabihin ko tungkol sayo dahil totoo iyon!"

Nagtagis ang bagang niya.

"Iyan lang ang alam mo? Wala ka man lang parte sa lahat? Huwag kang magmalinis! Isa ka sa dahilan kung bakit niya nararanasan ang lahat! I was helping him out for three years and you did nothing for him! Nasaan ka noong mga araw na nahihirapan siyang makawala sa mga Vargaz? Wala, diba? Isa ka rin kasi sa problemang pinoprotektahan niya! Well, I don't care about you but I care for him." she hissed angrily.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon