RD 37

112K 3.8K 1.6K
                                    

Shriveled Poison under Veiled Diaries is my next story.

Warning: sabaw muna kayo.

Phase 37

Hindi ko alam kung may alam si Saint tungkol sa amin ni Primo o talaga sila Troilus lang ang sadya niyang bisitahin dito. I should ask him later about this, baka kasi may alam siya rito at ako lang ang bulag sa lahat ng nasa paligid sa nagdaang taon. It's not impossible, though, since Primiel was protecting me privately for years in the help of Horace. Si Horace lang ba talaga? O pati si Saint kasali roon? I don't know, Saint was all normal around.

Kaito texted me.

Kaito: I'm home, Saint mentioned me about your visit to Troilus today. Enjoy, I'll see him on his birthday.

I replied.

Ako: Thank you. Maayos na ba si Jazarah?

Kaito: Yup, Frida and Regine are also here to talk to her.

I just replied a simple okay, hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin ang magiging paliwanag kay Kaito. I want it to be all right, I just need to think and throw words carefully. Matagal na akong iniintindi ni Kaito at heto na ang huli kong pagtanggap sa kabutihan niya, I want us to stay friends but I'll understand if he cannot do that yet. Maghihintay ako ulit na maging maayos at makausad na siya sa lahat, gaya ng matagal ko nang sinasabi noon. Ang pangit lang sa akin ay hinayaan ko siyang mas lalong madikit kaya ngayon baka mahirap na para sa kanyang pakawalan ang lahat.

Primiel was watching me while eating the whole time, nawala tuloy ang gutom sa tiyan ko at napalitan ng kiliti na hindi maintindihan. Huminga ako nang malalim at uminom sa baso ng juice, tumingin ako sa kanya ng pasimple. He took a sip on his chuckie, nang mapansin ang tingin ko ay nagtaas siya ng kilay.

Walang nagbago... iyon ang nasisiguro ko sa pakiramdam ko at kung paano siya sa paningin ko noon hanggang ngayon. The exact harmony of my heart beat just became wilder this time like distance of long years didn't matter at all 'cause I can't even find a little hole deep within my affection, the soul I shrouded for too long escaped without any grudge as our eyes met again after the painful part.

Bumaba ang tingin ko sa pagkain niyang hindi man lang yata nagalaw sa pinggan, he was just sipping on his favorite chuckie and all is well for him. The tiny stubble from his jaw down his chin gave him intimidating look more than how I was intimidated by his old frontage, my heart tumbled as he let go of the little straw he was biting in between his red and wet lips. He licked his bottom lip.

"I missed you..." he said in a throaty whisper.

Uminit ang mukha ko at hindi tumugon sa kanyang saad.

Ayokong maging marupok... pero namiss ko rin talaga siya, hindi ko sasabihin iyon dahil mahirap na at baka isipin niyang easy to get ako sa parteng ito. Tatlong taon iyon, dapat nga mas hard to get ako kesa noon. Pero Loraes, ano ba? Hindi naman porque sinabi niyang miss ka niya ay magbabalikan na kayo! Stop overthinking impossible things!

"Anong lagay n'yo ni Suelly?" paglilihis ko sa topic.

I mean is it okay that he's using her against her family? Hindi ba parang unfair din iyon kay Suelly? Paano pala kung gustong-gusto siya ni Suelly kaya pati pamilya niya ay sinusuway niya para kay Primiel?

He inhaled calmly. "We're friends..."

Kumunot ang noo ko at tiningnan siya, doon ako nafufrustrate ngayon. Alam kong hindi dapat ako umasa sa amin ulit, e. Kasi kung titingnan ang sitwasyon, wala siyang pipiliin kundi ang palayuin pa rin ako para hindi mapahamak dito lalo pa't hindi siya tinitigilan ng mga Vargaz. Oo, tinigilan siya dahil nasa side niya si Suelly pero paano pag wala na? They would go after Primiel's mom! Kaya malabo pa rin kami ngayon.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon