RD 16

99.2K 3.7K 1.1K
                                    

Phase 16


After that day, I gave him my present. Pagkahatid niya sa akin, hindi na ako nahiyang ibigay iyon kahit walang-wala pa sa binigay niya sa akin ang simpleng guhit ng kanyang imahe. I know he'd appreciate it, noong binigay ko nga sa kanya ay nilagay ko pa sa isang folder at envelope para hindi niya makita agad at sa bahay na nila iyon buksan dahil nahihiya ako. I also put a short letter for him, saying how good he is and my congratulations message.

Dumaan ang mga araw na purong siya ang kasama ko, tuwing susunduin ako ay kung saan-saan lang kami nagpupunta kahit walang usapang lugar. Tama nga iyong kung ano pa ang hindi planado ay siyang natutuloy at mas magandang kinalalabasan, masaya.

Kinagat ko ang labi at marahang nagtipa ng mensahe para kay Mama.

Ako: Mama, plano ko po sanang magbakasyon diyan ngayong wala na kaming klase. Kahit isa hanggang dalawang linggo lang po. I miss you, Ma. Take care.

I sent it. Madalas matagal magreply si Mama, abala siguro sa gawain. Sumisikip ang dibdib ko tuwing maiisip na nagpapatuloy siyang mag waitress sa isang club, I'm not even sure if she's really a waitress who serves customers or... she's the serve. Gustong-gusto ko nang makapagtrabaho upang mabuhay ko siya sa araw-araw na mula naman sa pinaghirapan ko, kaso mahirap pa ngayon. Magpapangatlong taon pa lang ako sa susunod na pasukan, I'm not capable enough to work for a living continuously while studying my program.

Kung sabagay, dalawang taon na lang naman at magkakaroon na ako ng diplomasya at planado ko nang maghanap ng trabaho agad para makatulong, ganoon na rin kay Lola Irma. Matanda na rin kasi siya at sana manatili na lang sa iisang bahay na wala siyang gawain. I have so many plans in mind for us, for Mama and Lola Irma. Sana nga bumilis na ang mga araw, linggo, buwan at taon kung saan magiging matiwasay na ang buhay namin.

Huminga ako ng malalim, pang-ilang tingin ko na sa cellphone kung may reply si Mama pero wala pa rin. Isang tunog noon nagmadali akong buksan para basahin ang mensaheng bagong dating.

Primiel: I'm going to take NMAT next week.

Kanina ko pa siya katext pero late din magreply, naiintindihan ko naman na hindi niya priority ang pagtetext nang mabilis sa akin dahil may iba siyang gawain. Ngayong nasabi niya iyon, baka nagrereview nga siya para sa NMAT o abala sa kanilang bakasyong buong pamilya.

Napangiti ako at nagreply.

Ako: Good luck, Mr. Primo. Kayang-kaya mo 'yan, Summa Cum Laude ka, 'di ba? :p

Primiel: You think? Baka hindi ko kaya. :(

Kumunot ang noo ko.

Ako: Bakit? Mahirap ba 'yon, sobra?

Hindi ko alam kung tatawa ako dahil sa sad emoticon niya o malulungkot din dahil baka hassle para sa kanya ang exam sa susunod na linggo, hindi man lang kasi siya kumuha ng bakasyon. Kakagraduate niya lang naman kaya hindi masama kung magbabakasyon mula sa pag-aaral kahit dalawang linggo lang din, masyado niya naman kasing kinareer ang pagpasok agad sa Medical school.

Primiel: I'll be taking the exam in Manila, it means no Sovereign for me. Isn't it sad, baby?

Ngumuso ako at bahagyang napahagikgik, wala namang nakakakita sa akin dito sa kuwarto kaya bakit ako mahihiya. Napaisip din ako sa sinabi niya, now we haven't met again yet in a row of the week because he's with their whole clan in Aklan for a vacation. Dalawang araw na at naiisip ko rin parati iyong exam niya para sa Medical School.

Hindi na kasi saklaw ng Brentdale iyon kaya ang choice niya ay Maynila o kaya ibang bansa para sa mas magandang eskuwelehang pang medisina. Well, as from as what I've heard, Primiel's only choice is US. Narinig ko iyon kila Horace nang tawagan ako ni Girabaud kahapon para kumustahin, hindi malinaw pero iyon ang sinabi, na pupunta si Primiel ng US para sa examination kaya ngayong sinabi niyang sa Manila, medyo nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin hindi niya pinili ang US para sa medical school.

Villareal #5: Rayless DaybreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon