She
"Yu! What the?, where na you?!" tanong ng pinsan ko sa kabilang linya kaya napabuntong hininga na lang ako dahil kanina pa sya dada ng dada, kala mo naman hindi ako makakarating sa bagong magiging pansamantalang tahanan ko. Tapos tirik na tirik pa ang araw, shite! Ang init.
"I'm on my way." tanging sagot ko, sabay baba ng phone baka kung ano pang ihirit nun magkikita rin naman kami. Palinga-linga ako sa mga bus dito sa bus terminal, kanina ko pa hinahanap yung sakayan papuntang syudad.
"Ineng, aba't kanina pa kita pinagmamasdan ano ba't palinga-linga ka riyan?" tanong nung ale nawiwirduhan na siguro sakin.
"Ahm... nay nasan na ba yung byaheng patungong syudad?" naiinip na tugon ko sa sinabi niya.
"Aba't byaheng pa-syudad ba ka mo?, hala'y ayun papaalis na! Huling byahe na yun at bukas pa ng umaga ang bagong byahe patungo dun!" sabi niya sabay turo sa ibang bus na umarangkada na."Salamat ale!" Pasigaw kong sabi, nagsimula na kong tumakbo hindi alintana kung gaano katirik ang araw daig ko pang sumali sa marathon nito! Kung di lang sira ang baby ko nun kang magcommute ako, Puto!
"Hintay! Sandali lang!" walang humpay na sigaw ko, para tuloy akong nasa isang pelikula na naghahabol sa prince charming nya!
Naknang!!"Takte hintay!" walang pagkamayaw kong sigaw na worth it naman dahil huminto rin yung bus. Nakahawak ako sa makabilang tuhod ko habang habol ang sariling hininga dahil sa kapaguran. "Ano ba 'yon bata? sasakay ka ba?, aba't bilis!" sabi ni manong kondoktor. Agad ko namang inihakbang ang paa ko para simulang makaakyat sa bus. "Sa dulo may bakante," nang tuluyang makapasok mabilisan kong hinagilap yung sinabi ni manong kondoktor na bakanteng upuan, nakakailang hakbang pa lamang ako ng walang pasubaling umandar ang bus dahilan para ma-out of balance ako at lumagapak sa tilang yerong sahig.
"Naknang ipis naman oh!" Pagminamalas ka nga naman. Dahan dahan akong tumayo, at humarap sa mga taong tinawanan lang ako imbes magpakita ng pagkabahala. Mga tao talaga uunahin pang pagtawanan ka kesa tulungan!
"I haven't reached my sit yet!, respesto naman" pag usal ko kasabay ng pagtalim ng aking mga mata, may mga nag iwas ng tingin akala mo walang nangyari, mayroon namang nagkanda-ubo para lang mapigilan ang pagbunghalit ng tawa. Tsk!
Napapailing na nagtuloy ako sa paglalakad patungong likuran, nang makaupo katabi ng--di ko kilala siyempre. Nagsimula na namang lumipad ang isip ko, mariin kong ipinikit ang aking mata kasabay ng pagpakawala ng malalim na butong-hininga.
"Lalim nun ah." napalingon ako sa nagsalita, yung katabi ko pala. Hindi ko sinagot, hindi naman sya mukhang nagtatanong more likely statement niya yun. Ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko at sumandig sa kinauupuan,
trying...trying to get some sleep. Pero wala yatang balak na patulugin ako ng katabi ko, "Hi!...umh I'm Sid nga pala" maligalig na turan niya, hindi ko siya pinansin kaya tuluyan na siyang humarap sakin. Kaya ang ayos niya nakataas ang isang binti sa upuan para makaharap ng hindi nahihirapan sa kinalulugaran ko, "ahm..I'm Sid" pag uulit niya. "I know" monotone kong tugon."Ha?, h-how did you know?" aniya. Really? magtatanong siya kung paano ko nalaman name niya e dalawang beses kaya niya 'yung binanggit. "Sid, right?" hindi parin lumilingong sabi ko, "hehe yes! ako 'yun." Nagkibit balikat lang ako at tumahimik ulit.

YOU ARE READING
Sleep Tight, Stranger
Teen Fiction"And they live happily ever after-- --separately?" -stranger.