Kabanata Sampo

12 3 0
                                    

He

          Nakapikit ang aking mga mata habang nakasindig ang aking likuran sa pader, kanina pang ganito ang aking puwesto. I've been waiting for Yu. Kanina pa dapat nandito 'yon e! Ganito palagi ang usapan namin.

          'Nagiging possessive ka na yata!' Sikma ng aking utak.

          Napabuntong hininga ako, "where are you Yuriel?" bulong na tanong ko sa aking sarili, napaitad ako nang biglang may tumamang nakalukot na tissue sa aking mukha at talagang sakto pa sa aking ilong, matatalim ang matang nilingon ko kung sino mang poncio pilatong may kagagawan noon, ngunit mabilis lumamlam ang aking tingin nang mapagsino ito, at doon nga nakita ang kanina ko pang hinihintay.

          I froze.

          I felt my whole body stiffen at the mere sound of her laugh. Ni hindi ko na kailangang makita pa kung paano bumadha ang kasiyahan sa kaniyang mata, kung paano umawang kaniyang labi sa sobrang pagtawa. Hearing her voice was enough to send my knees into state of woozy.

          I can't believe this! Kakakilala palang namin!

          "Hey, kanina ka pa?" tanong nito nang tuluyan ng makalapit sa akin, umayos ako ng pagkakatayo at pasimpleng iniayos ko ang aking sarili. I just want to look presentable on her eyes, is it bad?

          "Ahm.. yeah, ikaw? I mean kanina ka pa dyan?" sabi ko dito at pasimple umiwas ng tingin. I can't stand her gaze, her eyes are really pretty but I can't look at her that way, baka kung anong sabihin nito at isa pa, hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko. It's just nothing! pamimilit ko sa aking sarili.

          "Not really, tara na?" wika nito, nagsimula na kaming maglakad. Tahimik lamang kami, napatingala ako sa kalangitan. "Papadilim na pala," wala sa sariling bulalas ko.

         "Hmm-mm, where to?" tanong nito, nagbaba ako ng tingin at kunot-noong nag isip, halos lahat ng lugar na alam kong refreshing ay napuntahan na namin. Napalingon ako dito nang marinig itong tumawa.

          "It seems naubusan ka na nang pagdadalhan sa'kin," sabi nito na may munting ngiti sa labi. Simula nang araw na pangalawang beses siyang natulog sa bahay palaging naging ganito na ang routine namin. Minsan pag may permiso ni mama sa amin siya natutulog, at doon din nagsimulang makasundo sila ng kapatid ko at mama ko.

          "How about let's grab some snack first there," sabay turo ko sa isang mini convenient store sa di kalayuan, tumango naman ito at nagpatiuna sa paglalakad.

          Nang malapit na siya sa pintuan ng mini store ay inunahan ko ito, yumukod ako at binuksan ang pintuan. "Ladies first," sabi ko rito sabay kindat. Natawa ako nang kunwari'y maduwal-duwal ito sa aking nagawa, minsan na kasi nitong nabanggit sa akin na bwisit siya sa mga tao---lalaki I mean, na pa-gentledog kung tawagin ng iba.

          Nang makitang hindi ito tuluyang pumasok at nasa bukana lamang ng pintuan ay sumunod na 'ko rito habang may kapilyuhang naisip, katulad kanina diretso ako sa unahan nito at yumukong muli, akala mo'y palabas sa isang fairytale movie, yuyukod upang ipakita ang pag galang sa prinsesa.

         "After you my lady," I said as I smiled at her cheekily. I think I forgot to breathe when I saw how she playfully rolled her eyes and grinned at me. I don't know how we get here, isang araw namalayan ko na lang na may komportableng pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Doon ko rin napansing nagiging close na kami.

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now