Kabanata Lima

9 4 0
                                    

She


"Yu! Ano ba naman yan, bilisan mo! Inaantay na tayo sa stage!"

Napailing na lang ako at napabuntong hininga, kanina pagkatapos na pagkatapos kong maligo pinakain lang ako ni Sabb at may gig raw kami ngayon. Ang sabi sa kaniya ni Yael yung may ari nung Bar na pinagtratrabahuan namin, kailangan muna naming mag-rehearse Kaya kahit alastres pa lang ng hapon ay nandito na kami.

Small time lang namin ni Sabb ang pagkanta, hindi naman kami raketera kung tawagin ng iba. Tama lang na kumakanta kami sa isang lugar para kahit papano'y may income kami sa mga basic needs namin. Hobby lang kung baga, na pinagkakitaan.

"Bakit ba ang tagal mo!" singhal nito, na sinagot ko lamang ng simpleng pagtango na dahilan para mamula ang ilong nito sa inis. "Kahit kailan talaga Yu, napaka mo!" bulong nito sa sarili na malinaw ko rin namang narinig, ganyan lang naman ang pinsan ko pero alam kong maasahan siya pag kailangan ko siya. Imbes na dagdagan pa ang pagkainis nito nagtuloy na lang ako papuntang stage dahil magsisimula na kami at ibang costume na naman ang suot namin.

Napabuntong hininga na lamang ako pagkaakyat ko sa entablado, tiyak na maghihiyawan na naman ang mga tao, hindi lang dahil sa ganda ng pagkanta namin kundi dahil din sa mga kakaibang kasuotan namin tuwing magpe-perform. Hindi ko alam kung bakit pumayag si Sabb sa kondisyones ng may ari ng bar, at mas lalong hindi ko maintindihan kung anong takbo ng isip ng isang Yael Salazar, bawat pagtatangahal namin ay may iba't ibang costume. Tulad halimbawa ng pangrakista kung suot nang magkita kami sa pangalawang pagkakataon ng taong 'yon. At nakagawian ng inaabangan ng mga kostumer nitong bar ang mga pagtatanghal namin plus ang kasuotan.

At ngayon, mukhang nahilig naman siya sa anime costume. Dahil iyon ang suot namin. Well, ang buong grupo ay wala namang tutol sa kondisyon ni Yael kaya lang kasi palala na ng palala ang mga ipinasusuot niya sa grupo, baka bukas makalawa roleplay na ang itanghal namin at hindi ang pagkanta. Sabi ni Sabb oa lang daw ako masyado, at dapat daw wag na 'kong magreklamo dahil sa totoo lang malaki naman talaga ang bayad niya sa'min kaya wala dapat problema.

Pumunta na sa kaniya-kaniyang pwesto ang bawat ka-grupo ko, si Sabb pumunta kung nasaan ang drum set, iyon kase ang forte nito. At ako pumuwesto sa harap ng mikropono, obviously ako ang lead vocalist. Naka-dim pa ang lights sa lugar namin kaya may laya pa kaming umayos, ipinikit ko na aking mga mata at nakiramdam na lang sa paligid. Ilang sandali lang nakarinig na 'ko ng mga hiyawan hudyat na natatanaw na kami ng mga audience.

The drum started to make a sound that later on will be a melody song, guitars started it's part as the piano calm my ears. It's mine now.

Kasabay ng pagmulat ng aking mata ay ang pagkanta ko sa musika..

'Can't count the years on one hand

That we've been together

I need the other one to hold you

Make you feel, make you feel better'

Kinanta ko ang paunang liriko, mga salitang maihahalintulad sa mga naranasan ko. Lihim iyon at taon na ang ibibilang kung tatanungin kung pa'no nagsimula. Malungkot akong ngumiti sa gitna ng nagsasayawan, naghihiyawan, at masiglang tugtugin. Pumikit akong muli at ninamnam ang nakatagong mensahe sa kanta. Ang lungkot na maaari palang magkubli sa saya.

'It's not a walk in the park

To love each other

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now