She
True to his word, pagkatapos na pagkatapos nitong maligo inaya niya na 'kong kumain. Nakaupo na kami ngayon sa isang karinderya dito malapit lang sa university nila, "So, magiging official na tayo," may nakakalokong ngiting sabi nito. Tinitigan ko siya, naloko na may saltik talaga ang isang 'to.
"Bakit, sinasagot na ba kita?," pagsakay ko sa kabaliwan nito, "bakit hindi pa ba?" taas-baba ang kilay nito na may nakakaloko pa ring ngiti sa labi, baliw naiusal ko na lamang sa sarili. Akmang magsasalita pa ito para siguro dagdagan pa ang sinabing kalokohan nang biglang dumating ang serbidora na inihapag sa aming harapan ang aming napiling pagkain. Tumingin ako sa kaniya at nahuling kong nakasimangot ito, akala mo batang hindi nasunod ang gusto.
"Manang naman e, bad timing ka eh!" nakasimangot pa ring sambit nito at ang abnoy parang walang kahihiyan sa katawan dahil sa sinabi nito sa matanda. Napapailing na pasimple kong sinipa ang paa nito sa ibaba ng lamesa at nang humarap ito sa aking gawi ay pinaningkitan ko ito ng mata tanda na tumigil ito dahil para na itong tanga!
Umayos naman ito ng pagkaka upo at yumuko na lang at pinaglaruan ang kutsara't tinidor, lumingon naman ako sa matandang serbidora at tumingin dito na naghihingi ng pasensiya, maliit na ngumit lamang ang matanda at nagpaalam na para umalis. "Kain na." maikling paanyaya ko rito nang makitang hindi pa rin ito nag angat ng tingin kahit kanina pa nakaalis ang matanda, napabuntong hininga na lang ako. Daig ko pa ang may anak na nag aalo para tumigil ito sa pagbubugnot. "Let's eat, patutulugin mo pa 'ko, hindi ba?" sabi ko rito at kung hindi ako nagkakamali nakita kong umangat ng bahagya ang gilid ng labi nito. Kung pagmamasdan para itong nakangisi sa hindi mo malamang dahilan.
"Okaaay," nakangiti na nitong tugon.
Lihim akong nagpakawala ng buntong hininga at nagsimula na ring kumain, "kamusta ang araw mo nang maghiwalay tayo kaninang umaga?" tanong nito habang sumasandok ng ulam. "Ayos lang," maikling turan ko rito. Hindi ako mahilig makipagkwentuhan sa harap ng hapagkainan, hindi ako komportable. "Panong ayos lang?" segunda nito nang malunok nito ang sinubo kanina, "the usual," sagot ko rito. Nag angat ako ng tingin ng manahimik ito, kumunot ang aking noo ng makitang titig na titig ito sa'kin. Tinaasan ko ito ng kilay na ikinaiwas nito ng tingin at bumalik sa pagkain.
Hanggang matapos kaming kumain ay hindi na ulit ito nagsalita, tahimik na lamang kaming kumain hanggang sa maligpit na ng serbidora ang pinagkainan namin. "Wait mo 'ko dito miss eyebags, Bayaran ko lang bill natin." sabi nito
Nilabas ko ang aking pitaka, "here's my share" I said as I took one hundred peso bill in my wallet but I got cut off nang may kamay na pumigil sa gagawin ko,"I insist miss eyebags, ako naman ang nag ayang kumain e." Sabi nito na may bahid ng ngiti sa kaniyang labi, hindi na nito hinintay ang sagot ko at basta na lamang nagtungo sa counter at nagbayad tulad ng gusto nito. Tumayo na 'ko at sinalubong siya at sabay kaming lumabas ng karinderya nang hindi nag iimikan.
Nagsimula kaming maglakad, "where are we going?" tanong ko rito ng ilang minuto na itong hindi nag sasalita at panay lang tingin sa ibaba habang ang mga bato sa sahig ang pinagdiskitahan nito. Napabuga na lang ako ng hininga, akmang magsasalita ako nang magsimula ito humuni ng pamilyar na tono, "to the blue tree," nakakalokong pagkanta nito. Napahinto ako,
"Where are we going? To the blue tree..." pagpapatuloy pa nito sa pagkanta ng travel song ng cartoons ng Dora the explorer. Napaawang naman ang labi ko at nanatili sa kinatatayuan ko. Lumingon ito sa'kin at tumigil sa pag huni nito, "what?" inosenteng tanong nito, I can't believe this! He's really a freak!
Tumatawang lumapit ito sa'kin, "ngangang-nga ka naman," sambit nito, amusement his dancing in his eyes, it seems like he's enjoying my reaction. Napakurap-kurap ako at pinanliitan ito ng mata, "Did I really heard you, singing the theme song of Dora the explorer?" tanong ko rito.

YOU ARE READING
Sleep Tight, Stranger
Teen Fiction"And they live happily ever after-- --separately?" -stranger.