Kabanata Tatlo

11 3 0
                                    

He

3 days later


          Naghahabol ng hiningang umupo ako sa sementadong sahig, kakatapos lang ng practice namin para sa nalalapit na labanan ng bawat piling unibersidad na maglalaban-laban sa larangan ng basketball.

          "Dude! Tawag ka ni coach!" agaw pansin sakin ni Sid na isa ring manlalaro ng basketball, tinignan ko siya at tumango. Tumayo na 'ko at hinanap si coach neil, "tanda, hinahanap mo raw ako." turan ko habang naglalakad palapit sa kaniya, "aray ko naman! Para sa'n naman 'yun?!". Naknang! batukan ba naman daw ako. "Magseryoso ka naman! ikaw pa na man ang Captain ng team na 'to," asik niyang sambit. Ngumiwi lamang ako, napaka initin talaga ng ulo, Psh!

         "Anong binubulong-bulong mo jan!" naka-singhal paring sambit niya, "tanda-este coach naman, bakit mo ba 'ko pinatawag?" paglilihis ko ng usapan kahit naman matagal na 'kong player niya hindi maiwasang magalit 'yan sakin lalo na't maloko raw ako.

          Bumuntong hininga siya, kunot noong tinignan ko siya naghihitay na magsalita siya ulit. "May pagbabago sa memo na napag usapan ng bawat Dean ng university, Kinansela ang magaganap na laro niyo." dismayadong ani nito.

          "Ano! pero ilang linggo na tayong nag e-ensayo!" tiim bagang na sabi ko, kinuyom ko ang aking kamao. Nagpakawala ako ng buntong hininga, wala rin naman akong magagawa kung 'yun ang napagkasunduan ng bawat namumuno sa mga paaralan. "Bakit daw? bakit biglang binawi yung pasya nila?" I asked, pero nagkibit balikat lamang siya. Tinitigan ko si coach alam kong naiinis din siya kasi ngayon lang nangyari 'to. Hindi naman sila nagkansela dati.

*****


          Pagkatapos sabihin ni coach sa'kin tinawag din namin ang iba para malaman nila, expected na nagalit sila dahil sinong hindi! Ilang linggo na rin ang ginugol namin sa practice. Sinabi ni coach na mag-focus muna kami sa studies at siya naman makikibalita kung bakit naging ganoon ang pasya ng mga Dean, sa bandang huli nagsi-uwian kaming mga nakakunot ang noo at may inis na nararamdaman.

          Naglalakad ako ngayon sa loob pa rin ng university, nakapaloob ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ko nakayuko at marahang naglalakad habang nag iisip. Hindi ko inalintana ang mga taong nagbubulungan at 'yung ibang nagkumpulan pa.

          People nowadays loves to judge, hobby to question everything that peculiars to their liking's, I said in my inner self. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa malawak na field, soccer ground to be exact. Clear green grass, trees that sorrounds the field, refreshing air. One word to define, peaceful. Though nagiging maingay pag may laro.

          As I continue walking someone suddenly grab me, it makes me froze for a meantime but quickly snap back by a huge teddy bear-like that showed in my view. Oh! it's a human-size panda bear suit, and why the hell he suddenly grab me!

          "I finally found you!" sabi nung taong nasa bear costume. Kunot-noong pinagmasdan ko siya, alam kong bakas pa rin ang pagkalito at pagkagulat sa mukha ko. I was planning to ask away my question, when he--I mean she suddenly removed the head piece of her costume. My jaw literally dropped as I finally seen her face!

         "W-what...how did y-you--

         "It worked! I got to sleep for 16 straight hours! You need to sleep with me again!" buong lakas niyang ani kasabay ng paghawak niya sa magkabilang braso ko, nanlalaking mga matang paatras na lumayo ako sa kaniya. I'm glad that I helped her but the words she used.. It turns out on another meaning and she caught the crowds attention, not to mention that she looks like a crazy girl. Wearing a bear suit and saying that she needs me to slept with her!

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now