She
Napabalikwas ako ng bangon nang maramadamang may kung anong pumatak sa aking pisngi, napaangat ang aking tingin. Malungkot akong ngumiti, nakatulog pala ako pagkatapos maglabas ng sakit na naranasan. Napalingon ako sa aking kaliwa at napapailing na hinaplos kong muli ang pangalan ng aking kakambal, tumingin ako sa relong pambisig, alas onse na pala ng gabi. Matagal pala kong nakatulog, naghihikab na tumayo ako sa pagkakahiga."Magkikita pa tayo ulit Yumi, aalis muna ko may bibisitahin pa 'ko. Baka magtampo e."
Nauunat ng brasong naglakad ako palayo sa puntod ng aking kakambal. Bibisitahin ko muna ang isa ko pang kapatid, napabuga ako ng hininga. Nagugutom na 'ko. Nang makarating sa puwesto ng aking motor muli kong nilingon ang puntod ni Yumi.
Sumakay na 'ko sa aking motor pagkatapos umusal ng panalangin. Nagmaneho na 'ko palayo sa lugar saka dumiretso sa daang papuntang mansyon.
ILANG oras lang ay nakarating di ako, sa likod ng mansyon ko ipinarada ang aking motorsiklo nang maiayos ito ay saka 'ko hinagod ng tingin ang malaking dingding sa aking harapan, noon ito ang madalas ang daan ko para makatakas. Kahit bata pa lamang ay natutunan kong umakyat ng walang pangamba sa mga mataas na bakod.
Maingat kong iniapak ang kaliwa kong paa sa medyong nakausling semento sa dingding at nagsimula ng akyatin ito. Nang nasa pinakataas na 'ko maingat kong isinampa ang aking isang paa para makatapak sa espasyong mayroon doon, at ganoon din ang aking ginawa sa isa pang paa. Nang tuluyang makaakyat ay walang pag aalinlangang tumalon ako at pinaghandaan ang pagbaba, pagkababa ay tahimik kong tinungo ang pintuan na nagkokonekta sa kuwartong madalas na maging mistulang kulungan ko pag pinarurusahan.
Maingat kong tinanggal ang seradura ng pintuan at dahan-dahang pinihit ang busol ng pinto, nang makapasok ay direkta kong tinungo ang isa pang pintuan na ang mismong bahay na ang makikinita kapag-binuksan.
Nang maingat ko ring pihitin iyon ay suwerteng hindi 'yun ni-lock mula sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ito at sumilip muna sa kaliwa't kanan bago tuluyang ilabas ang kabuuan ko sa kuwarto. Iginala ko ang aking tingin, wala namang ipinagbago, maliban na lang sa kulay ng mga dingding. Mukhang hindi na gusto ng aking Ina ang dating kulay kaya pinapalitan na.
Nagsimula na 'kong maglakad sa marahang paraan, mahirap na si Yael lang ang ipinunta ko dito baka mamaya ay mag-akala na naman ang ilaw ng tahanan na siyang ang dahilan kahit hindi naman.
Napapailing na lamang ako sa naisip, siguro'y dala na rin ng mga nangyari noon na masyadong pagsunod ko sa mga kagustuhan nito kaya naman bumabawi ako sa paraang hindi nito naririnig.
Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng mga yabag kaya dali-dali akong sumiksik sa mga naglalakihang kurtina na tumatabing sa mga bintana na higante rin kung titignan. Hindi ko mapagilang mapahagikgik, ngayon ko na lang muling ginawa ang bagay na 'to. Sa tuwing tatakas kasi ako noon ganito rin ang gawain ko, magkukubli sa mga kurtina hanggang sa makalabas at ganoon din sa pagbalik sa bahay.
Nanahimik ako ng may maramdamang tumapat sa kurtinang kung saan ako naka-kubli.
"Akala ko ba darating 'yang kapatid mo?"

YOU ARE READING
Sleep Tight, Stranger
Teen Fiction"And they live happily ever after-- --separately?" -stranger.