Third POV
Kanina pa nakatayo sa harap ng isang two storey house si Yu, ilang oras na rin itong nakatayo roon. Hindi nito alintana ang mainit na sikat na hatid ng haring araw. Kanina pa siya nakatanaw sa bahay na tinutuluyan ng kaniyang kapatid na si Yael. Sigurado rin itong naroon ang kanilang Ina, binili kasi ito ng kapatid ng magsimulang magtayo ng negosyo sa syudad.
"Tatayo ka na lang ba dyan?"
Kaagad na napalingon si Yu sa boses na nagsalita. At doon nakatayo ang lalaking lagi niyang nakakasama sa lahat ng gagawin niya. Simula ng mapagpasyahan niyang lumayo pansamantala ay ito ang naging kasabuwat sa mga planong nais niyang gawin. Hindi niya akalaing susunod pala ito matapos ng pag uusap nila.
"Do you think welcome ako sa bahay na 'yan?" napapalunok na balik niyang tanong sa lalaki. Gusto niyang itama lahat ng maling nagawa niya sa kapatid lalo na sa Ina.
"Oo naman, kapatid ka niya. At isa pa anak ka ni Tita. Ang lakas ng loob mong ipamigay 'yang---
Naiwan sa hangin ang mga dapat na sasabihin ng lalaki nang tignan siya ni Yu ng mga mata nitong walang buhay.
"Grabe.. hanggang ngayon hindi pa rin mag-sink in sa utak ko na hindi lang pala ang dila ang matabil pati mata. Baka naman mamatay ako nyan." nakakalokong saad nito sa kaniya, imbes na pansinin ay sinimulan na nitong ihakbang ang paa patungo sa gate ng bahay.
"Hihintayin pa ba kita? O mauna na ko sa hospital?" muling tanong ng lalaki bago pa siyang tuluyang makapasok sa bakuran ng bahay.
Kailan ba hindi naging madaldal ang lalaking kasabuwat, palagi itong may mga katanungan na madali lang naman ang sagot, madalas na kung manakit ang tenga ni Yu dahil sa kadaldalan nito. Napapailing na nilingon niya ito saka sinagot ng pagkibit ng balikat. Mawawalan siya ng pasensya pag ang lalaki ang laging kasama.
"Everything will be alright." mahinang bulong ni Yu sa sarili, pagkausap lamang sarili ang magagawa niya upang kahit papaano'y mapalakas niya ang loob, tatapusin na ng dalaga ang kaduwagan niya dito. Magsisimula siyang muli pagkatapos ng lahat ng ito.
"Mama! Huwag mo nga akong tuksuhin sa amazonang 'yan! Baka mawalan ka ng gwapong anak, sige ka." rinig niyang sabi ng kapatid. Mukhang nagkakatuwaan ang mga tao sa loob.
"Puwede ba Yael Venidicto! Hindi pang-sayo 'tong beauty ko. FYI lang ha, ang feeling mo! Kung amazona ako, ano ka pa! Mahinang nilalang!"
Napangisi si Yu ng marinig ang boses ng pinsan na wala pa rin kupas sa pagta-trash talk. Napapailing na nagpatuloy siya papasok sa loob, sobra ang pagkakampante ng kapatid niya para iwang nakabukas ang gate at pinto nito.
Nang tuluyan ng makapasok naabutan niya ang tagpong nakapagpangiti sa kaniya. Ang kapatid at pinsan niya ay walang habas sa pagbatuhan ng mga throw pillow na nasa sala ng kapatid, habang ang Ina ay nakaupo sa pang isahang sofa at tipid na nakangiti sa pangyayaring nagaganap sa harapan nito.
Huminga muna siya ng malalim bago nagdesisyong kumatok sa hamba ng pintuan ng bahay. At tulad ng inaasahan naagaw niya ang atensyon ng mga ito.
Naglakad siya palapit sa mga 'to habang walang emosyong makikinita sa kaniyang mukha, kinakabahan kasi siya sa gagawin. Hindi niya alam kung ngingiti ba O mas tamang ngumiwi nang makitang bumadha ang pagkatakot sa mukhang ng kapatid at pinsan niya habang ang Ina ay napatayo lang nang makita siya at simpleng nakaawang lamang ang labi nito. Pero ang dalawa ay animo'y kakatayin niya.

YOU ARE READING
Sleep Tight, Stranger
Teen Fiction"And they live happily ever after-- --separately?" -stranger.