Third POV
"Olarte! Nakatulala ka na naman diyan! Naknang gusto mo bang magpa-contest ako, staring contest! Ano you want?" pambabasag nang kaniyang kaibigan sa pagninilay-nilay niya, sa pangatlong pagkakataon napabuntong hininga na lamang si Prim dahil sa kaabnoyan ng kaniyang kaibigan.
Wala kasing professor na dumating sa mga oras na 'yon imbes na lumabas tulad nang kagustuhan ng kaibigan ay mas pinili na lamang niyang magpaiwan, ngunit ang abnoy niyang kaibigan ay nagdrama pa at kung ano-ano ang prinotesta, hindi na siya umangal pa sa suhestiyon nitong bumaba para bumili ng kanilang makakain at kalauna'y bumalik din upang magsabay sila tulad ng kagustuhang nito.
"Tumawag sa'kin si Tita pawii, ang sabi madalas daw ang labas mo nitong mga nakaraang araw at gabi na kung umuwi, magtapat ka nga sa'kin..." lumingon siya sa kaibigan nang hindi na nito itinuloy ang dapat na sasabihin sa kaniya, inarko niya ang kaniyang kilay senyales na magpatuloy ito sa sasabihin ngunit ang kaibigan ay umiling-iling lamang, na para bang sobra ang pagkadismaya nito.
"Nag aadik ka ba!" bigla nitong pagpapatuloy sa kalagitnaan ng kaniyang pag-nguya sanhi upang maibuga ng hindi sadya ang laman ng kaniyang bibig, nang mahimasmasan ay napapailing na napatampal na lamang si Prim sa kaniyang noo. Sanay naman na siya sa kabaliwan ng kaibigan ngunit hindi niya naisip na pagbibintangan siya nitong nag aadik!
Matatalim ang mga matang tinignan niya ito, "abnoy ka talaga! Kung sa ating dalawa mas ikaw ang mukhang nag aadik! Umuwi lang ng gabi adik na, pa'no na lang kung hindi mo ko nakita nang ilang araw? Baka pagbintangan mo na 'kong rapist!" kastigo nito sa paratang ng kaibigan, totoong madalas siya kung umuwi na nang gabi at napapadalas rin ang pag alis niya palagi sa kanilang bahay ngunit hindi iyon nangangahulugang adik na siya. Alam niyang nag aalala lang ang kaniyang ina kaya inalam nito sa kaibigan ang mga ginagawa niya, ngunit ang loko nakaisip agad nang abnormal na konklusyon sa mga ikwinento ng sariling ina.
"Bakit ba? Ano bang masama sa sinabi ko! Concern lang ako no!" giit pa nito sa kaniya, napahilot na lamang siya sa kaniyang sentido. Imbes na kausapin pa ang kaibigan ay mas pinili na lamang nitong magpatuloy sa naudlot na pagkain. At hinayaang ang sariling lamunin na naman nang malalim na pag iisip, nitong mga nakaraang araw madalas siya kung makipagtalo sa sarili.
Palagi niyang nirerendahan ang isip na huwag dumako sa pag iisip na baka may kung anong espesyal na siyang nararamdaman sa babaeng sanhi nang madalas niyang pag alis at paggabi nang kaniyang pag uwi. Simula kasi nang araw na humingi ito ng tawad sa hindi pagpapaalam nang mawala ito ay naging ganito na siya, laging namamalayan ang sarili na nakatulala habang may tipid na ngiti sa labi sa tuwing naiisip ang dalaga.
Madalas silang magkasama nitong mga nakalipas na araw, tuwing sasapit ang pagkatapos niya sa klase lagi niyang naabutan ito sa labas nang kaniyang iskwelahan. Hinihintay siya, sa katunayan ay napuntahan na nila halos lahat ng alam niyang lugar, upang doon magpalipas ng oras at hayaang makatulog ito dahil sa mga kwento't biro niya. Sa ganoong paraan umikot ang buong mga araw niya, papasok sa iskwela, hahayang matuto ang sarili at pagkatapos ng mga ito ay magmamadaling lumabas ng unibersidad dahil sa kasabikang nararamdamang sa kaalamang naghihintay ang babaeng gumugulo sa kaniya sistema para sa kaniya.
"Nguyain mo naman 'yang pagkain, maawa ka naman na-stuck sa bunganga mo!" untag ng kaibigan sa kaniya, mali yatang hinayaan niya itong sumama sa pagtambay niya dito. Hindi niya ito pinansin at itinuloy na lamang ang pagkain. Pero hindi yata marunong tumahimik ang kaibigan dahil nagtanong na naman ito, "pero seryoso Olarte, ano bang pinagkakaabalahan mo?"
YOU ARE READING
Sleep Tight, Stranger
Ficção Adolescente"And they live happily ever after-- --separately?" -stranger.