Kabanata Labing-apat

9 1 0
                                    

He

          "Kuya!"

          Napabalikwas ako sa pagkakabangon nang marinig ang matinis na boses ng kapatid ko, naghihikab akong tumayo saka humarap sa kapatid kong prenteng nakasandal sa hamba ng pintuan ko. Napataas ako ng kilay nang makitang may naglalarong kakaibang ngiti sa kaniyang labi.

         "What's with your smile, para kang si Lucifer!" nakangiwing ani ko dito ngunit mas lalo lang lumaki ang pagkakangiti nito. Bigla akong nangilabot, pinasadhan ko ng paghaplos ang magkabilang braso ko.

          "Bakit kuya.. nakita mo na ba ng harapan si Lucifer?" sabi pa nito saka inosenteng ngumiti.

          Tuluyan na akong tumayo saka dahan-dahang lumapit dito, yumukod ako para magkapantay ang mukha namin. Ikinunot ko ang aking noo saka animo'y nalilitong tumingin sa kapatid kong inosente pa rin kung makangiti.

         "Diba.. anak ka ni Lucifer so meaning ampon ka lang at hindi talaga kita kapa---

         "Mama oh! Si kuya! Ampon daw ako!" nakasimangot na sabi nito saka nagtatakbong umalis sa kuwarto ko. Ang pikon talaga, matagal ko na kung ibiro sa kaniya 'yon pero hanggang ngayon naniniwala pa rin.

         "Asar talo ka lang!" balik kong sigaw nang marinig kong kung ano-ano pang sumbong ang idinagdag nito bukod sa sinabi ko. Napapailing na bumalik ako sa loob ng kuwarto ko at sinimulang ligpitin iyong pinaghigaan ko, napatigil ako nang may maalala.

          Nag angat ako ng tingin sa aking kama, tama wala na si Yu. Saan kaya napunta 'yun? Minadali ko na ang pagliligpit saka madaliang naghilamos. Matapos ang lahat ng iyon nagtatakbo ako pababa.

         "Ma? Nakita mo ba si Yu? Wala na siya sa kuwarto---

         "Ikaw talagang bata ka! Diba't sinabi ko na sayong wag mong asarin iyang si Pharoah, at isa pa hindi ba't nasabi ko na rin sayong hindi kayo magtatabi ni Yuriel! Suwail ka talaga!" bungad ni mama sa akin habang hinahampas ako sa braso gamit ng towel niya.

         "Pero Ma---

         "Walang pero-pero! Hala sige kilos pumunta ka na sa dining at mag almusal aayusin pa natin ang nalalapit mong kasal!"

         "Oo na po heto-- anong kasal Ma?" napahinto ako sa dapat na pagsang ayon ng marinig ko ang sinabi nitong kasal, at kasal ko pa.

         "Diba't sabi ko noon hindi kayo magtatabi ni Yu! Pero anong ginawa nyo, ang babata nyo pa pero ang lakas na ng loob nyong bigyan ako ng apo!" sabi nito saka nagpatiuna sa paglakad patungong kusina.

         "Mama.. anong apo? Wala namang nagyari, ayaw ko lang mag isa si Yu kasi may pinagdadaanan siya--

         "Sinasabi mo bang mali ang Mama mo! Ha? Ganon ba Primitivo!"

         Napapailing at napabuntong hininga na lamang ako ng muli nitong putulin ang dapat na paliwanag ko. Akmang magsasalita akong muli nang mahagip ng tingin ko si Yu na masaganang kumakain sa dining kasama ang kapatid kong si Lucifer.

          "Ah basta, whether you like it or you like it magpapakasal kayo ni Yu.. hindi ba Yuriel?" biglang sabi ni Mama.

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now