Kabanata Pito

11 9 0
                                    

He

Tulad ng sinabi ni Mama kumain kaming lahat, tahimik lang ako kasi ang kapatid ko ang nag iingay na naman, panay ang kuwento nito kay miss eyebags patungkol sa'kin. Feeling ko pinagkakanulo ako ng sariling kapatid. Sa tingin ko kwinento na nito lahat, pagdating sa likes and dislikes ko sa pagkain, gamit at kung ano-ano pa.

"So..hija hindi ko pa pala alam ang pangalan mo, mind to tell me son. What's her name?" biglang tanong ni mama sa kalagitnaan ng pagdadal-dal ng kapatid ko, akmang masasalita na 'ko ng bigla kong maalalang hindi ko alam ang pangalan nito, tanging miss eyebags lamang ang tawag ko rito. shite!

Nag aalinlangang tumingin ako kay mama, lumingo naman ako sa harapan ko kung saan nakaupo si miss eyebags, napalunok ako.

"Ahm..Ma---

"Let me introduce myself ma'am, I'm Yuriel San Diego but they use to call me Yu," biglang sambit ni miss--este Yu daw. So, Yuriel ang pangalan nito, nice. Bukod sa remarks niyang eyebags may iba na 'kong alam sa kaniya. Napapailing ako sa aking naisip. At least alam ko na ang pangalan niya, "Primitivo anong iniiling-iling mo dyan!" sikma sa'kin ni mama habang pinanlalakihan na naman ako ng mata, napakamot na lamang ako sa ulo ko at napangiwi ng bigkasin nito ang buong pangalan ko.

Nagpatuloy ang almusal at nagsimula na ring ma-out of place ako, nagkwentuhan sila hanggang sa matapos kami, kapag tinatanong siya ng kung ano-ano ng pamilya ko sinasagot nito ng walang pagdadalawang isip. Ayun nga lang, ako ang pinaglipit at pinaghugas ng mga pinagkainan dahil makikipag-kwentuhan pa raw ang mama ko kaya dapat na ako na ang gumawa nito lalo na daw may kasalanan pa 'ko.

*****

"Ma, hatid ko lang siya!" sigaw ko habang inaakay palabas si Yu. Tahimik lamang kaming dalawa hanggang sa makalabas na kami ng bahay, "ahm.. ano..pasensya na't dinala kita dito. Hindi ko kasi alam ang bahay mo at saka ayaw naman kitang gisingin lalo na sa kalagayan mo," pangbabasag ko sa katahimikan.

"Ayos lang, nag enjoy naman akong ka-kwentuhan ang mama't kapatid mo." sambit nito ng may munting ngiti sa labi. "Dapat ako pa nga ang humingi ng pasensya dahil sobra na ang pang-iistorbo ko sayo," seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko, "wala yun, diba sabi ko, I'll help you. No worries." tanging sagot ko.

Nahinto lang ang patitigan namin ng may humintong kotse sa harapan, kumunot ang aking noo. Anong ginagawa ng isang Yael Salazar sa bahay ko?

"Good morni---

Nabitin ang pagbati nito ng magandang umaga ng mapagawi ang tingin nito kay Yu, hmm..magkakilala ba silang dalawa?, "anong ginagawa mo dito Salazar?" pag agaw ko sa pansin nito, masyado na kasing matagal ang pakikipagtitigan nito kay Yu.

"Sid want's me to pick you up my man. So.. I'm here and I thought Sid already informed you?" nagtatakang sambit nito at tuluyan ng nalipat ang atensyon sa'kin. "And what are you doing here..Yu?" tanong nito sa babaeng katabi ko, nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. They somehow look the same or it's just me and my weird imagination and there's no way that they are related to each other, San diego ang surname ni Yu at Salazar naman ang kay Yael. But to make it sure, why not ask.

"Are the two of you.. are somehow related?" there, I asked my curiosity away.

Hindi ko alam pero kinakabahan din ako bigla sa sariling tanong at sa magiging sagot ng dalawa. Parang biglang nagkaroon ng tensyon sa paligid ng matitigan sila, "No." sagot ni Yu, napalingon naman ako kay Yael at may kakaibang emosyon sa mata nito handa na sana akong magsalita upang itanong kung anong problema nang may maramdaman ako tumapik sa balikat ko, "mauna na 'ko." pagpapaalam ni Yu.

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now