Kabanata Apat

10 5 0
                                    

She

           Naiinis na tinabing ko ang kamay ng kung sino man na walang habas sa pagyugyog sa'kin. "Uhmmm--, tanging tugon ko sa nagsasalita.

           "Miss eyebags gumising ka na! Paumaga na!---" paglilintaya ng yumuyugyog sa'kin, marami pa itong sinabi pero pagtabig lamang sa kaniyang kamay ang tanging sagot ko.

          Bakit ba ang aga kung mangbulahaw ng taong 'to, I'm still sleepy. At saka pa'no siya nakapasok sa apartment ko? Kumunot ang aking noo, Kasama ko siya...

          Nagmulat ako ng mata ngunit naipikit ko rin ito ng masilaw sa papaliwanag ng sikat ng araw. Iminulat kong muli ang aking mga mata at hinayaan ang sariling i-adjust ang paningin. Una kong nasilayan ang medyong madilim pa na kalangitan kasabay din noon ang pagsilip ng munting liwanag, iginala ko ang aking paningin at huminto ito sa isang tao.

          "Sa wakas! Nagising din, let's go!" magiliw na sambit nito, kunot noong tinitigan ko lamang siya. Inaanalisa pa ng munti kong utak ang mga pangyayari, paulit-ulit kumurap ang aking mga mata at tumigil lang ng maalala ang nangyari kagabi. Nakatulog ako suot 'tong kabuteng costume! Ang sakit ng katawan ko! Ikaw ba namang matulog sa bleachers! Kantiyaw ng utak ko, nga naman. Napabuntong hininga na lamang ako.

          "Oh, ano pang tinutulala mo dyan! Tara na miss eyebags baka maabutan pa tayo ng mga estudyante," anas nito ng manatiling nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi gumalaw sa kinauupuan ko. Napabuntong hininga na lamang ako at napapangiwing tumayo dahil sa sakit na bumadha ng igalaw ko ang aking katawan, "Anong ginagawa mo dito?, akala ko umalis ka na." ani ko habang sinusundan ito sa paglalakad pababa.

          Lumingon ito sa'kin, "nakatulog din ako." maikling pahayag nito, nagkibit balikat siya at nagpatuloy sa paglakad. Pinalibot ko ang aking paningin, tahimik pa rin ang buong university. Ibinalik ko ang aking tingin sa aming nilalakaran at ipinagpatuloy ang paglalakad kasunod niya.

          Napaitad ako ng makarinig ng mga ingay, ano naman kaya 'yun? Ipagpapatuloy ko na sana ang paglakad ng mapansin kong nakatigil pa rin siya sa kinatatayuan niya, anong problema nito at parang natuod na sa kinaluluguran niya.

          "Para kang tanga, bakit ka ba nakahinto dyan?" nakakunot noong tanong ko rito.

          "Dog l-lover ka ba?" biglang sambit nito.

          Umiling lamang ako kahit hindi ko maintindihan kung bakit niya natanong iyon. "I like cats more," pagsagot ko pa rin sa tanong nito. Tatango-tango ito parang hindi mapakali, nakakapagtaka dahil hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan niya, tanging paggalaw lamang ng ulo nito ang ginawang kilos sa katawan.

         Nang hindi mapakali nilapitan ko ito at sumilip mula sa likuran niya sa kanina ko pang napapansin na tinititigan nito, "we should get going," anito na sinundan ng ilang paglunok. Hinawakan niya ang pulsuan ko at paatras siya kung maglakad na sinabayan ko dahil hawak ako nito. "Ano bang nangyayari sayo?" tanong kong muli ng hindi ko na mapigilan ang pagkataka sa mga ikinikilos niya. Lumingon siya sa'kin at pinakatitigan ako sa mata. Pangamba, iyon ang nasilayan ko sa mga mata niya.

          "Ayaw k-ko sa a-aso," nangangautal na anas nito, "lalo na yung malalaki." pagpapatuloy pa nito. Napailing na lamang ako. "E ano naman ngayon kung ayaw mo sa aso, bakit gusto ka ba nila?" walang buhay na turan ko, masyado siyang pabago-bago. Kung alam ko lang na ito ang magiging resulta ng hindi pagtulog nito sa sariling kama sana hindi na ito nagtagal at sinamahan akong matulog.

          "Look, anong kinalaman ng aso dito? Naglalakad tayo, at medyo weird dahil paatras pero anong kinalaman ng pagkaayaw mo sa aso sa paglalakad natin paatras?" nang uuyam na tanong ko dito, huminto ako dahil baka tuluyan kaming madapa pag nagpatuloy sa paglakad na ginagawa. Nahihintakutang tumingin ito sa'kin, na para bang ang paghinto ko ay siyang kinawasak ng buhay niya. Napabuntong hininga na lamang ako, bakit ko ba naisipang hanapin pa ang lalaking 'to?, naiiling na pagkausap ko sa aking sarili.

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now