Third POV
Nanghihinang napahawak ang munting batang babae sa kaniyang tiyan, kanina pa ito umiiyak sa sobrang pagkagutom. Hindi na naman kasi ito pinakain ng sariling ina, nagalit na naman ito sa hindi mawaring dahilan. At ito ang isa sa mga parusa nito sa kaniya pag may nagagawa siyang bagay na hindi nagustuhan ng ina.
"Bakit ba palaging galit sa'kin si mama?" pagkausap nito sa sarili, ito ang laging tagpo sa tuwing napaparusahan siya. Kakausapin ang sarili upang hindi maramdaman ang sobrang lungkot na hindi dapat maranasan ng isang batang katulad niya. Palagi nitong tatanungin ang sarili at palagi rin nitong sasagutin iyon, kukumbinsihin ang kalooban na mahalaga siya sa ina, na may nagawa lang siyang ayaw nito at maluwag niya yung aakuhin kahit hindi naman talaga nito alam ang dahilan kung bakit siya palagi kung parusahan nito.
Mas lalong sumama ang itsura nito, hindi na niya kayang tiisin ang pagkauhaw at pagkagutom. Madalas naman na ito ang parusa sa kaniya pero hindi pa rin ito sanay na indahin ang gutom at uhaw, idagdag pang nasa madilim na lumang kuwarto ito, ikinulong siya ng ina roon. Walang ilaw, tanging liwanag na nagmumula sa buwan ang nagsisilbi nito pang-tanglaw sa loob ng blangkong silid. Patuloy lamang ito sa paghikbi at pinipilit na iwaglit sa isipan ang lungkot na sumusubok na lumukob sa kaniyang damdamin. Sa bawat pasakit ng kaniyang ina ang tanging sandalan lamang niya ay ang sarili, gusto man nitong humingi ng tulong sa iba ay mas pinili nitong manahimik dahil alam niyag kayang idamay ng ina niya ang sino mang hingan niya ng tulong.
"Papa God, alam ko pong naririnig nyo ko. Masama po ba kong bata kaya po ganto ako parusahan ni mama," himihikbi ito habang nakatingala, kinakausap ang nasa taas. Sa murang edad na katulad nito nagawa nitong kwestyunin ang mga nangyayari sa kaniya, gusto lamang maintindihan nito ang dahilan.
"Psst! Yuri!" sisit ng kung sino man sa bintana, tumayo siya at sinikap na sumilip sa bintana. "Anong ginagawa mo dito Yael?" nalilitong tanong nito sa nakababatang kapatid na lalaki, ilang taon ang agwat nila ngunit kahit ganoon magkasundong-
magkasundo ang dalawa. Pitong taon pa lamang siya at ito naman ay limang taon na kaya bahagyang may pagkabulol pa."Oh, n-narinig ko si mama eh. Ang sabi sigurado daw na nagugutom ka na, hinanap kita sa r-room mo pero wala ka doon, kaya tinanong ko si mang b-berting," sabi nito sa kapatid at sabay abot ng isang lunch box
"Pagkain 'yan, kinuha ko sa ref. Wala naman s-sgurong magagalit diba y-yuri?" sabi pa nito, naiiyak na tinanggap niya ang binigay ng kapatid. At tumango, nakita ng batang Yuri kung paano nalukot ang mukha nito,"ang b-baho mo n-naman Yuri, bat hindi ka n-naligo bago ka n-agpunta d-dyan!" reklamo ng kapatid sa amoy niya, tumawa siya at binigyan ng ngiti ang kapatid na si Yael. Isa ito kung bakit ayaw niyang malungkot kasi gusto niyang mapasaya ito dahil sa sariling kasiyahang nararamdaman. "Mahal mo naman si Yuri kaya walang problema kung mabaho ako," giit niya dito, dahil ito ang palaging sinasabi ng kapatid sa kaniya sa tuwing nahuhuli siya nitong malungkot at puno ng luha ang mga mata.
Umingos ito,"Oo naman, mawawalan ako ng k-kalaro pag hindi kita m-minahal, b-baka maghanap ka ng ibang k-kalaro. Kaya m-mamahalin ka ni Yael at ipagtatanggol ka niya Y-yuri. Kain ka na, ang pangit mo!" nauutal mang usal nito ay tuluyang naging panatag ang at binalot ng saya ang puso ni Yuri sa mga sinabi ng kapatid. "Mahal ka din ni ate, Yael."
*****
He
Napabuntong hininga ako sa pangatlong pagkakataon, "Olarte kanina ka pa nagbubuntong hininga. Makabuga ka ng hangin kala mo lagi kang nagtu-toothbrush!" pangbwi-bwisit ni Sid sa'kin. Nasa classroom kami ngayon walang professor, pareho kami ng kurso kaya 'yan malaya siyang sirain ang araw ko lalo pa't hindi namin kasama si Yael. Ewan ko ba kahit ako naiinis na sa sarili dahil wala talaga ako sa kondisyon, palagi akong iritable, nabwi-bwisit ako palagi ng hindi ko rin alam ang dahilan.

YOU ARE READING
Sleep Tight, Stranger
Teen Fiction"And they live happily ever after-- --separately?" -stranger.