Epilogue...

12 1 0
                                    

He

5 years later..

          "Tito Prim!"

          Napaitad ako nang may bigla na lang dumagan sa aking likod, iniangat ko ang ulo ko sa pagkakabaon sa aking unan. Kasalukuyan akong nahihimbing ng bigla na lamang sumulpot ang maliit na bubwit na  'to sa aking likuran at talagan paulit-ulit pa 'kong dinadaganan.

          "Yugi! Bumababa ka nga sa likod ng Tito mo!" rinig kong sigaw ni Sabb.

          "But mommy! How can I wake up Tito if I'm not going to ride in his back. At saka mahirap syang gisingin, he doesn't mind anyway." sagot ng munting bubwit sa aking likuran.

          Natatawang unti-unti kong iniangat ang aking katawan sa kama hanggang sa para na akong nagpu-push up. Nais ko sanang takutin si Yugi, anak ni Sabb. Pero ang makulit kagaya ng tatay nito, hindi man lang natinag at parang mas nag i-enjoy pa sa aking ginawa.

          "Come on kiddo, get up." pamimilit ko dito ng hindi pa rin ito umalis sa pagkakalambitin sa aking likuran.

          Natawa akong muli nang hindi man lang gumalaw si Yugi. Maingat akong bumalikwas nang pagkakahiga para hindi ito mahulog, nang makaharap na ay saka ko pa lamang ito binuhat at sinimulang kilitiin.

          "Haha..Tito, stop! Ayaw ko na!"

          natatawang iniangat ko pataas ang batang bubwit na ito, nagtitili ito habang nagmamakaawang ibaba ko na. Yugi is just a four years old boy, Yael and Sabb child. Mahabang kuwento kung paano sila naging ganito but at least they fight for their love together. Hindi katulad ko, hanggang ngayon wala pa ring love life.

          "Boys.. that's enough. Let's eat breakfast, para bago kami umalis ni Yael napakain ko na si Yugi. Come on, kanina pa naghihitay si Daddy doon." sabi ni Sabb saka iniwan kami ng anak niya sa aking kuwarto.

          Kagabi kasi tumawag sa akin ang mag-asawa, they're asking if it's okay kung alagaan ko muna si Yugi kahit ilang araw lang. They need to attend a business trip, at ang sabi ang mga lolo't lola daw ni Yugi ay mga nasa ibang bansa rin. Wala silang mapag-iiwanan, and besides Tito-ninong naman ako nito at close din kami kaya sa akin na lang iiwan pansamantala. And today is their flight, kaya hindi na 'ko nagtataka bakit ang aga nilang mangbulahaw.

          "Come on kiddo, let's eat." pag aaya ko rito sabay buhat dito ng maayos.

          Nang nasa hamba na kami ng pintuan ay maagap kong tinakpan ang mata ni Yugi, napapailing na inismidan ko ang mga magulang ng batang 'to, if I know after their business trip they we're just going to lovey-dovey. Napatingin sila sa akin, nakangising iniayos ni Yael ang sarili at si Sabb naman ay agad lumayo sa asawa.

          "Tito Prim, what's going on? Why are you covering eyes?" sabi ng batang buhat ko pa rin hanggang ngayon, bago pa ko makasagot na magkaka-baby sister na siya ay pinanlakihan na ako ng mata ni Sabb.

          Napapailing na lamang ako, "Nothing, may insects kasi. Baka mapunta sa mata mo kaya pinatay muna ni Daddy mo." nakakalokong sabi ko sa bata saka ito ibinaba sa isang upuan na katabi ng Mommy nito.

          "Anak magpakabait ka kay Tito mo ha, wag mo syang bibigyan ng sakit sa ulo. At always obey him.. okay?" sabi ni Sabb kay Yugi gamit ang mahinahong boses. And the little young man just nodded to her mother while happily eating his food.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now