Kabanata Labing-isa

8 2 1
                                    

He


Nakatitig lamang ako sa maamong mukha nito. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang pinagdaanan nito, ang tanging alam ko hindi ito makutulog dahil sa sakit niya na sa palagay nito ay namana niya sa kaniyang ama, pero base sa mga ikunuwento nito may mas malalim pa  palang dahilan.

Ipinagpatuloy ko lamang ang marahang paghaplos sa buhok nito, para itong bata kung matulog. Parang walang problemang dinadala, walang sakit na naranasan. I can't imagine how she endure all the pain that she'd been through. For all sake! she's just a seven years old kid that time, she suffered big time!

Umayos ako ng pagkakaupo sa tabi nito nang makitang paulit-ulit na bumaling ang ulo nito, ani mo'y nanaginip. Ipinagpatuloy ko ang marahang paghaplos sa buhok nito maging sa kaniyang mukha, "shh.. I'm here, hindi kita iiwan, calm down now.. shh," bulong ko rito, I continued caressing her hair softly and started to hum a soft melody, hopefully it will calms her.

'When you try your best but you don't succeed

When you get what you want, but not what you need,

When you feel so tired but you can't sleep,

  Stuck in reverse.'

Nagpatuloy lamang ako sa paghaplos at pag kanta sa mahinang tinig, hindi ko pa rin lubos isiping magkapatid sila ni Yael. Nang bigla nitong sabihin iyon ay dismayado ko lamang itong tinignan at hindi agad naniwala, ngunit nang makita ko ang larawan nila noong mga bata pa lamang sila ay hindi ko na alam ang sasabihin dito. At doon niya sinimulang ikuwento ang lahat.

Napaitad ako nang bigla na lamang itong bumangon at marahas kung ipilig nito ang kaniyang ulo, hinawakan ko ito sa braso at ginagap sa aking bisig, "shh.. calm down, I'm here. Hindi kita iiwan." mahinang sabi ko rito habang marahang tinatapik ang likuran nito upang mapakalma.

Ilang sandali lamang ay nag angat na ito nang tingin sa akin, wala akong makitang ibang emosyon sa mata nito nang tumitig ito sa akin, lungkot. Umakyat ang aking kamay patungo sa buhok nito, hinaplos ko ang buhok nito at ginamit ang mga daliri upang suklayin iyon.

"Palagi rin akong nananaginip nang masama pero ito ang ginagawa sa akin ni mama palagi, para daw kumalma ako, makatulog ulit at hindi na matakot."

Matiim ang tingin nito sa akin, "Will my nightmares go away?" parang batang sabi nito kalaunan.

Ngumiti ako dito, "Close your eyes and sleep, then we'll see."

Nang hindi ako nito sinunod ay ako na ang maingat na naghiga rito, masuyong hinaplos ko ang mga mata nito upang pumikit saka ko sunod na marahang hinaplos ang pisingi nito pababa sa kaniyang panga.


"Matulog ka na." ani ko dito sa malumanay na boses, "nandito lang ako."

That's how my mama calms me, she always say that to assure me after nightmare. At palagi 'yong gumagana sa akin. Sana kay Yu rin. Napangiti amo nang makita lumalim na ang paghinga nito, masuyo ko lamang ipinagpatuloy ang paghaplos dito. Masaya ako at nagagawa kong mapatulog ito.

Kumanta akong muli gamit pa rin ang mahinang tinig.


'And high up above or down below

When you're too inlove to let it go

Sleep Tight, StrangerWhere stories live. Discover now