She
"Yu! Bangon na may klase tayo! Kain ka na lang, nakahanda na 'yung pagkain sa mesa ikaw na lang ang kulang!"
Nakangiwing kinamot ko ang gilid ng aking panga sa sobrang pagkaaburido, sabog ang buhok na bumangon ako at nagpapadyak dahil sa sobrang pagkayamot.
Kaninang alastres lang nang umaga ako nakatulog at alasingco palang nang umaga ngayon, kulang na naman ang tulog ko.
"Urghh!" nabubuwisit na daing ko. Dumampot ako ng isang unan at naiinis na tinapon iyon sa kung saan, muli ako kumuha ng isa pa at handa na sanang ibato ulit ngunit hindi nangyari nang bigla na lang bumukas ang pintuan ko.
Sumungaw ang ulo ni Sabb sa konting awang ng pinto ko, nilibot nito ang paningin sa kabuuan ng aking silid.
"Grabe naman coz! Anong nangyari sa kuwarto mo? May bagyo bang nagla-land fall lang sa kuwarto? Binagyo ka ng hindi ko alam---
Bago pa nito matapos ang sasabihin ay agad ko na itong binato nang hawak kong unan na dapat ibabato ko kanina, malas lang at mabilis ang reflexes ng bruha kaya hindi siya tinamaan.
Nakasimangot na nagtungo ako sa aking banyo at sinimulan na ang karaniwang gawain bago ipagpatuloy ang panibagong araw.
Nang matapos ay lumabas na ako sa kuwarto at dumiretso sa kusina, tahimik na kumain lamang ako. Matapos kumain, ako na ang nagligpit ng pinagkainan ni Sabb na iniwan lang nito sa lababo.
"Finish ka na coz? Gora na tayo.. para hindi natin masalubong si prenny trapiko." sabi nito sabay labas ng bahay namin.
Mahigit isang linggo na rin simula ng palaging nagagawi si Yael at ang nanay namin dito sa apartment. Sa mga araw na nakakasama ko ang nanay namin ay nakasanayan ko na lang ang presenya at pangangalaga nito, siguro nga'y gusto talaga nitong makabawi sa lahat ng nagawa nito sa akin. Maluwag ko namang tinanggap lahat nang iyon pero madalas hindi ko mapigilang mayamot sa mga ginagawa nito, iyong bang sa sobrang laki ng nagawa nito noon kaya hindi ko siya makuhang mapagkatiwalaan ng buo.
Sa loob din ng mga araw na 'yon palagi silang nandito at kung minsan ay dito na sila natutulog ni Yael. Isang gabi nga'y bigla na lang umatake ang pagka-isip bata ng kapatid ko at natripang makisiksik sa kama ko kahit naman may kuwarto naman sila dito. Talagang nakisiksik ito, kaya ang nangyari tatlo kami sa kama, si Yael sa kanang bahagi, si Mama sa kaliwa at ako ang napagigitnaan.
Sa mga panahong ding iyon ay malimit kaming magkita ni Primitivo madalas ay sa telepono lamang ang komonikasyon naming dalawa. Text, tawag, at facetime ang lagi naming uganayan. Aminin ko man O hindi ramdam kong may especial na kaming nararamdaman sa isa't isa, pero palagi ko lamang isinasa-walang bahala ang mga motibo nito. I can read between the lines and I'm not that stupid not to notice his simple gesture, mga galawang hindi normal na gawain ng isang kaibigan. Too sweet. And well since then I proclaim him as my friend. Madalas din kung tuksuhin kami ng kaibigan nito si Sid, pero binabalewala ko lamang iyon. Sa tingin ko kasi hindi pa 'ko handa hanggat may kulang pa sa akin.
"Earth to Yuriel!"
Kumurap-kurap ako ng marinig na magsalita si Sabb, tinaasan ko ito ng kilay saka ipinalibot ang tingin sa paligid. Napatampal ako sa sariling noo nang mamalayang nasa parking lot na pala kami ng unibersidad.

YOU ARE READING
Sleep Tight, Stranger
Teen Fiction"And they live happily ever after-- --separately?" -stranger.