CHAPTER 4
"ANO'NG nangyari sa iyo?" Si Lila ang unang nakasalubong ni Elisha pag-alis niya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Wayne.
"H-ha?" lutang pa siya. Nakakatulala pala ang malunod sa sarap. Hanggang sa mga sandaling iyon ay sensitibo pa ang ubod na nasa pagitan ng hita niya. Sa bawat hakbang nga niya, kapag nakikiskis iyon, ay natatakam siya na ulitin ang pinagsaluhan nila ni Wayne.
"Okay ka lang?" Tinitigan siya ni Lila. "Para kasing may kakaiba sa itsura mo. Blooming ka." Napasinghap ito. "Don't tell me. May...may nangyari sa inyo ni Wayne?" Tumili ito.
"Lakasan mo pa. Baka hindi narinig nung nasa kabilang barangay," inis niyang bulyaw dito.
"So meron nga?" pangungulit ng kaibigan.
"Wala."
"Weh!"
"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba kumuha ng balabal? Sa Tawi-tawi?"
"Sorry. Na-distract lang." Base sa ngisi nito ay nagkaroon ng ideya si Elisha kung ano ang distraction na tinukoy nito.
"Inuna mo pa talaga ang pakikipaglandian, ganoon? Mangatog na lang ako sa ginaw basta makatikim ka ng grasya at..."
"Mukhang hindi ka naman nangatog sa ginaw. Para ngang nainitan ka pa ng husto," sabad ni Lila. "At saka paano ko ba maiiabot sa iyo iyong balabal na nahiram ko kay Sabrina kung nakita kong may kayakap ka? Mang-iistorbo pa ba 'ko? You ha!" Sinundot siya nito sa tagiliran. "Kuwento naman diyan."
"Wala akong ikukuwento. Masakit ang ulo ko. Uuwi na 'ko." Nilagpasan na ni Elisha ang kaibigan.
"Ulo mo o iyong..."
Hinarap niya ito bigla. Tinignan ng masama.
"Kaninong ulo ang masakit?"
Nanigas sa kinatatayuan niya si Elisha nang marinig ang pamilyar na boses. Ang usapan nila ni Wayne, ipinagpilitan niya rito, actually, ay maghintay ito ng ilang minuto bago lumabas ng kuwartong pinanggalingan nila. Ayaw kasi niya na may makakita sa kanila na lalabas ng sabay dahil tiyak na kung ano ang iisipin na ginawa nila sa loob. Tutoo naman iyon pero naiilang siya na ipangalandakan pa iyon. Na-delay nga lang ang paglayo niya sa scene of the crime dahil naharang siya ni Lila.
"Sa kanya." Ngumuso sa direksiyon niya ang kaibigan. "Uuwi na raw siya at sa palagay ko eh mas maganda kung may kasabay siya kasi masama ang pakiramdam niya. Ihatid mo na kaya." Nakakaloko ang ngiti nito.
"No need," mabilis na kontra ni Elisha. Malamang din naman na tatanggi ang lalaki. Tandang-tanda pa niya ang pag-uusap nila kanina...
Napaupo sa sahig si Elisha, hindi kinaya ng tuhod niya ang sarap na sumambulat sa matris niya. Mabilis ang hinga niya at nang tapunan niya ng tingin si Wayne ay nakita niyang parang ito man ay nanghihina. Nakasandal ito sa pader, panay din ang hingal. Pero pagdaan ng ilang sandali, matapos nitong linisin ang sarili gamit ang tissue na hinugot nito mula sa kahon na nasa mesa, ay agad siya nitong nilapitan. Inilahad nito ang kamay sa kanya at nang hindi iyon magawang abutin agad ni Elisha ay tumalungko ito, sinapo siya sa magkabilang balikat saka siya itinayo.
"Okay ka lang ba?" tanong nito.
Tumango lang siya, hindi na muna sinubukang magsalita. Tuyong-tuyo rin kasi ang lalamunan niya.
"That was awesome for me," anang lalaki. "Sana ay para sa iyo rin."
Hindi ba halata? Sa loob-loob ni Elisha.
Hinagod nito ang mukha niya, inayos ang buhok niya na malamang ay sabog-sabog na. Nakatingin ito sa kanya pero iniwasan iyon ni Elisha. Natatakot siya sa makikita niya sa mga mata nito. Nag-aalala na kagaya ng sa ibang lalaking nakasalo niya sa kamunduhan ang ekspresyong maaaninag sa mga iyon. A blank look that clearly shows that he is already distancing himself from her or maybe even thinking of a way to tell her that what happened between them doesn't mean anything whatsoever.
"It doesn't mean anything." Inunahan na ito ni Elisha. Mas magaan sa ego niya kung sa kanya iyon manggagaling. "Sana lang ay hindi mo iniisip na may...may something tayo."
"O-oh, of course not. I mean, a-ako pa ang mag-iisip ng ganoon." Natahimik sandali si Wayne. "I'm not looking for a serious commitment, truth be told. I'm not the kind of guy who is into that."
"Halata naman," nasabi ni Elisha. Iyon mismo ang impresyong nakuha niya rito dahil sa iba-ibang babaeng nakikita niyang dinadala ng lalaki sa bahay nito. Iyon din ang rason kaya iniiwasan niya ito. Hindi naman sa naghahanap siya ng makaka-forever. Matagal nang nawala ang paniniwala niya na may ganoon. Ayaw lang niyang magkaroon ng kahit katiting pang posibilidad na mahibang na naman siya sa isang lalaking walang interes sa kanya. "At okay din lang sa 'kin. Sobrang okay pa nga. Dahil ako ay ganoon din. I'm not into relationships. I hate getting romantically entangled with anyone."
"Good." Mukhang natuwa ang lalaki. "Then...m-maybe we can keep doing this. Having sex, I mean."
"Ha?" Nagulat siya na gusto pang ulitin ni Wayne ang pinagsaluhan nila.
"Nag-enjoy tayo pareho. Pareho rin ang pananaw natin. I say we'd be good together."
Hindi alam ni Elisha ang isasagot. Hindi pa gumagana ng matino ang utak niya nang mga sandaling iyon.
"Pag-iisipan ko," sabi na lang niya at matapos ngang bilinan ang lalaki na huwag susunod agad sa paglabas ay iniwan na niya ito...
Hanggang sa physical level lang ang inialok nitong relasyon sa kanya. Hindi siya tanga para umasa ng kung ano pa galing dito. Kaya malabong pumayag ito na ihatid siya.
"Good idea."
"Ha? Ano?" Hindi niya inasahan ang isinagot nito kaya parang hindi niya iyon naintindihan.
"Ihahatid ka raw niya, gaga! At pag tumanggi ka eh kukurutin kita sa singit, promise," bulong ni Lila sa kanya.
May naisip naman agad na dahilan si Elisha kung bakit pumayag agad si Wayne sa suggestion ng kaibigan niya. He would probably try to seduce her again. Nag-climax man sila pareho ay puwedeng bitin ito.
Bitin din ako. Dahil doon ay hindi na siya nagpakiyeme. Habang papunta nga sila sa bahay ay patindi na nang patindi ang pananabik niya. Ini-imagine niya kung paanong magdamag silang magtatampisaw sa ligaya ng lalaki.
"Good night and sweet dreams."
Tulala si Elisha nang matapos siyang ihatid ni Wayne sa pinto ay hinalikan lang siya nito sa pisngi. Asa lang pala siya na may malaswa itong balak sa kanya. Siya ang dirty-minded, hindi ito. Medyo gusto niya itong batukan, sa tutoo lang.
"I'll...see you tomorrow, puwede ba?" tanong nito bigla, hindi muna itinuloy ang akmang pagtalikod sa kanya.
"Uh, t-t-tignan natin. Tatawagan kita. I-ibigay mo number mo."
BINABASA MO ANG
A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature Content
RomanceWhat happens when a spell backfires? Elisha had been having the hots for Wayne. Pero hanggang doon lang siya. In-lust only, never in love. Hindi niya hahayaan na ma-in-love siya. But a spell had been cast without her knowledge and it turned her sex...