"M-MILO?" Ah, mukhang nagha-hallucinate na yata siya. Paano namang nandoon pa ang lalaki gayong kagabi dapat ay naging pusa na ulit ito?
"Missed me?" tanong nito.
"I-ikaw ba 'yan?" Dinutdot pa niya dibdib nito. Solid na solid iyon.
"May iba ka pa bang kilala na kasing yummy ko?" ganti nito.
"Ikaw nga siguro 'yan. Wala akong ibang kilalang singkapal mo ang mukha eh," naisagot ni Sabrina. Pagkatapos ay napailing siya. "H-hindi ko maintindihan. Di ba dapat kagabi ay..."
"Naging pusa na 'ko?" sabad ni Milo.
"Meooow..."
Napatingin sila pareho sa tunog. Ilang metro ang layo sa gate, sa lilim ng kung anong halaman, ay nandoon ang pusang nakita kanina ni Sabrina.
"Hindi ikaw iyon?" Bumalik ang tingin niya kay Milo.
"Excuse me. Mukha ba 'kong pusa?" sagot nito, napapangiti.
"I don't get it." Litong-lito si Sabrina. Ni ayaw nga niyang paniwalaan ang nakikita niya. Mahirap ang umasa.
"Ako rin nga eh. Kagabi eh hinihintay ko na lang na maging pusa ulit ako. Iniisip ko pa nga, ang saklap na pagkakataon niyon para mag-revert ako sa pagiging pusa dahil ang lakas ng ulan. Ni hindi ko alam kung kapag kinuha na ulit ako ng sumpa eh nandito pa rin ako sa lugar na ito. The last time it happened, I just found myself in a place I don't recognize. So, hayun, nakaupo lang ako sa patio, pinapanood ang ulan at...nami-miss ang isang tao."
HABANG nagkukuwento siya ay luminaw sa diwa ni Milo ang mga nangyari kagabi...
He feels so miserable as he watched the rain fall. Naisip nga niya, sana tamaan na lang siya ng kidlat para matapos na ang lahat. Hindi lang ang pag-revert niya sa pagiging pusa ang dahilan kung bakit ang sagwa ng pakiramdam niya. It is more because of the thought that most likely, he would never see Sabrina again. O kung makita man niya ito ay pusa na ulit siya. Hindi na niya ito mayayakap. Hindi na mahahalikan. Hindi na maaangkin.
Okay, sex is really important to him. Sex addict nga siya, di ba? Pero hindi na lang iyong physical satisfaction ang habol niya. Sex had become a means to an end for him. Without him realizing it, it had become a way for him to express his feelings for Sabrina.
I love her. Iyon nga lang, kahit sabihin niya iyon sa dalaga ay malabong paniwalaan siya nito. She now thinks the worst of him.
I love her. Pinaikot-ikot ni Milo ang ideyang iyon sa isip niya. Pinakiramdaman niya. Ibang klase pala talaga ang pag-ibig. It is really a very powerful emotion. Ngayon lang niya na-realize kung gaano kalakas iyon dahil ngayon lang din siya na-in-love.
I love her. Inulit iyon ni Milo sa sarili. He likes saying the words even if the idea that she would never hear them makes him sad.
Tumayo siya, tumingin sa nag-aalimpuyong langit.
"I love her," sigaw niya.
And then there was this particularly sharp sliver of light that came down from the sky. Kasabay ang malakas na dagundong ay may sumalpok kay Milo.
Shit, tinamaan ako ng kidlat. Iyon ang huling naisip niya bago siya nag-black out.
Nang magkamalay siya ay maliwanag na ang paligid. Mukhang umaga na. Mabilis siyang bumangon, kinapa ang sarili, tinignan iyon. He expected to see furry limbs, claw and paws so he was surprised at the sight of his two hands.
BINABASA MO ANG
A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature Content
RomanceWhat happens when a spell backfires? Elisha had been having the hots for Wayne. Pero hanggang doon lang siya. In-lust only, never in love. Hindi niya hahayaan na ma-in-love siya. But a spell had been cast without her knowledge and it turned her sex...