chapter 4

1.9K 35 0
                                    


CHAPTER 4

HINDI makapaniwala si Sabrina. Hindi rin niya alam ang sasabihin niya. The man standing before her, he is none other than the one she saw the night before. At kung noong una niya itong makita na mabilisan lang ay sinapol na agad siya ng nakakalulang sexual attraction dito, ngayong nakatayo na ito mismo sa harap niya ay hindi na iyon nakakalula lang, nakakahimatay na. Sa sobrang lakas ng impact nito sa kanya ay ni hindi magawang mag-isip ni Sabrina. Ang tanging kaya niyang gawin ay ang tumitig dito at ngumanga sa pagkamangha.

Bathrobe lang ang suot niya na mabilisan niyang ibinalot sa sarili kanina. She is not wearing any underwear and at the back of her mind she remembered how that is also one of her fantasies, to greet a hunk at the door while wearing almost next to nothing. That would whet his appetite so much he would quickly push her inside and then, without bothering to take off the robe, he would just part the folds and start fondling her sensitive parts. The image is so vivid she nearly moaned at the heat it generated all throughout her body.

"U-uh, h-hello..."

Kung hindi pa nagsalita ang lalaki ay ewan kung saan na napunta ang eksenang nilalaro ni Sabrina sa isipan niya. Napakurap siya. Nahiya rin sa sarili. Ni hindi niya kilala ang lalaki para pagpantasyahan ito ng ganoon. Sa sobrang pagkakulong niya sa pantasya ay ni hindi niya nagawang itanong kung sino ito at ang mas mahalaga, kung ano ang ginagawa nito sa pamamahay niya. Kung mamamatay tao ito ay nasaksak na siya ng walang kahirap-hirap.

Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero nauwi iyon sa pagsinghap nang matukoy niya kung bakit kahit noong unang beses pa lang niyang makita ang lalaki ay parang pamilyar na ito sa kanya. He is the man she saw in the mirror's reflection, the one she shared a very intimate and pussy-wrenching scene. Namimilog ang mga mata na napaatras siya. Rude na kung rude pero balak niyang pagsarhan na lang ito basta ng pinto. She feels as if she'd seen a ghost. A very hot and sexy ghost but a ghost nevertheless.

"Miss, huwag kang matakot. Hindi ako masamang tao." Nahulaan yata ng lalaki ang balak niya, iniharang nito ang malaking katawan sa pinto. "Uh, t-tungkol dito ang ipinunta ko." Itinaas ng lalaki ang telepono nito.

Screenshot ng event na ipi-nost niya sa account ng Charms and Spells ang nakita niya. Friends of friends ang setting ng post kaya posibleng kaibigan ng isa sa mga friends niya sa account na iyon ang lalaki. Her heart raced at the thought that he is planning to attend the party.

"W-what about it?" Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Nakakahiya namang mahalata nito na konting-konti na lang ay dadambahin na niya ito at hihilahin papasok para sila muna ang mag-party bago dumating ang mga bisita.

"Gusto ko sanang um-attend. Bago lang ako rito at wala pang masyadong kilala. Nang makita ko sa NF ko na ilang FB friends ko ay interested na mag-attend sa event eh naisip kong magandang pagkakataon ito para magkaroon ako ng bagong mga kaibigan dito. May costume na nga ako." Ngumiti ito. Ngiting nagpahilab sa puchie niya. "Pero nakakahiya naman yata kung bihis na bihis na akong pupunta rito tapos hindi pala puwedeng pumunta ang kahit sino lang kaya naisip kong magtanong muna."

Warning bells should have been ringing in her mind by now. Malay ba niya kung hindi ito masamang loob na may maitim na balak sa pangge-gate crash sa Halloween party niya. Pero kahit mahinang kulilingling ng kampanilya ay wala siyang narinig. Imbes ay sirena yata ang umaalingawngaw. Sirena ng firetruck na reresponde sa pang-general alarm na apoy na nakaambang sumiklab sa pagkatao niya.

"S-saan ka ba nakatira?" Ang hirap na huwag mabulol habang kausap ang lalaki. Nakakatuyo naman kasi ng lalamunan ang itsura nito, nakakabuhol ng dila.

A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature ContentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon