chapter 3

2.1K 26 1
                                    


CHAPTER 3

KANINA pa nakatitig si Sabrina sa papel na pinagsulatan niya ng mga talatang kinopya niya galing sa librong iniwan sa kanya. Wishful thinking lang naman iyong naisip niya noon na baka Book of Spells iyong libro pero sa kakabuklat niya sa mga pahina nito at sa pagbasa ng mga nakasulat doon ay halos kumbinsido na siya na tutoo ang unang akala niya.

Napadalas na rin ang pagre-research niya at base sa mga iyon ay kaya na niyang maniwala na mga pangulam nga iyong nasa libro. Hindi naman lahat ng spells ay masama. Sa tingin nga niya ay white magic lang ang pina-practice ng angkang may-ari ng libro. Wala siyang nabasa roon na spell na ang pakay ay makasakit ng iba.

There were all kinds of spells in the book. Halos lahat yata ng bagay ay puwedeng gamitan ng mahika. Still, she was surprised when she found exactly the one she was looking for, a spell that would summon a guy who would be able to fulfill her deepest, darkest desires. Carnal desires, that is. Meron ding desires of the heart pero walang interes doon si Sabrina. Ang hiling ng puchie lang niya ang gusto niyang pagbigyan.

Tanda pa ni Sabrina kung paanong nakahinga siya nang maluwag nang pagbukas niya ng desk drawer niya ay makita niya roon ang libro. Kinabahan kasi siya na kinuha na iyon ng babaeng ewan kung paanong basta na lang naglalaho. Hindi na ulit niya nakita iyong babae mula noon. She just kept the book in the store. Para kasing bagay din lang na nandoon iyon dahil sa mismong tema ng shop niya. Naging habit na niya na kapag mag-isa na lang siya roon ay inilalabas niya iyong libro para pag-aralan ang mga nakasulat doon.

Kahapon ay napamaang siya nang mabasa ang nakasulat sa pahina na nabuksan niya. What made it more surprising is the fact that the book seem to open to that page on its own. Naghahanda pa lang siya na buklatin iyon nang para bang nahipan iyon ng hangin na galing sa aircon vent. The pages started riffling in her hands and then fell flat at a spot that is just past over the middle of the book.

Mystical beings with powers in their hands,

Now that forces have conspired to awaken mine,

Give me my wishes like thine

Bring me a lover who will stroke my inner fires

One who will fulfill all my deepest, darkest, desires

A lover who would want me madly

Then upon the end of his time will leave me gladly

So be it and blessed be

A gust of extra cold air seem to come out of nowhere and raced down her spine when she realized what she had just read. Iyon. Iyon eksakto ang klase ng spell na kailangan niya.

Kagaya ng lahat ng ibang spells na nandoon, nakalagay sa ibaba, hindi lang iyong mga kakailanganing ingredients at kung paano gagawin iyong mismong spell kung hindi pati iyong tamang panahon para isagawa iyon.

On the mystic hour when the day turns over, on the eve when magic is at its greatest.

Mystic hour when the day turns over seem to indicate the stroke of midnight. Iyong on the day when magic is at its greatest ay iyong araw kung saan mangyayari ang Super Blue Blood Moon. Dahil sa dami na ng nabasang pagan folklore materials ni Sabrina ay madali niyang na-interpret ang nakasaad sa aklat.

Kahapon niya nabasa iyon kaya ngayon niya dapat isagawa iyong spell. Kailangan niyang isulat iyon sa papel na gawa sa organic material gamit ang panulat na dapat din ay galing din sa kalikasan. Lapis ang hawak niya. Galing iyon sa kalikasan at hindi ginamitan ng synthetic na kemikal ang mismong pansulat.

A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature ContentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon