CHAPTER 6
MADALING araw na siguro nang makatulog si Sabrina. She hated it that she couldn't help being so disappointed by Milo's disappearance. Iba kasi ang inasahan niya. Handa na siya, excited na, para sa all-night sex. Tapos ay bigla itong nagpaalam.
Clingy agad? Doon pa siya mas lalong nainis. Hindi niya gusto ang ganoong pakiramdam. She vowed never to be the kind of woman that would crave a man's presence. Sa opinyon niya, men could come and go and she couldn't - shouldn't - care less. She would never be like her her mother, she promised. Kaya ngayon ay bakit nagkakaganoon siya?
As she shifted in bed, she felt a gush of wetness between her thighs. Iyon ang isa pang dahilan kung bakit hirap siyang matulog. Handa na kasi ang katawan niya sa umaatikabong aksiyon kanina. Iniisip pa lang niya ang pagsasaluhan nila ni Milo sa buong magdamag ay nag-iinit na siya. Kaya ngayon na hindi nangyari ang inaasahan niya ay bitin na bitin siya.
Shit! Gigil siyang bumangon at nagpunta sa banyo. A cold shower might help to douse the heat inside her, if not her disappointment.
Sa wakas ay nakatulog din si Sabrina pagkatapos maligo. Hindi nga lang niya naisara ang mga kurtina kaya sa pagtama ng liwanag sa mukha niya ay napadilat siya. Her head throbbed when she got up to close the curtains. Plano niyang bumalik sa pagtulog. Antok na antok pa kasi siya. After lunch na lang siguro siya magbubukas ng shop. Pero agad tumalsik ang antok niya nang matanaw niya mula sa bintana ang isang pigurang nakatayo sa labas ng gate. Iyong babaeng pinaghihinalaan niyang nag-iwan ng libro sa shop. Nakatingala ito, nakatingin sa kanya. Stalker ba niya ito at sa bahay naman siya nito sinundan?
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Sabrina. Nagmadali na siya sa pagbaba. She expected the woman to be gone by the time she opened the door, just like the previous times she ran after her. Nagulat pa siya nang makitang nandoon pa rin ito.
"May mahalaga akong sasabihin sa iyo," anito nang makalapit na siya rito.
"Wait lang ah, let me get this straight," bulalas ni Sabrina nang matapos sa pagsasalita ang babae. Pinatuloy niya ito pero hanggang sa patio lang. Sa garden set na nandoon niya ito kinausap. At nang marinig nga ang importanteng pakay daw nito sa kanya ay nagpasalamat siya na hindi niya ito pinapasok sa loob ng bahay niya dahil hula niya ay may sayad ito. "You're telling me na galing ako sa angkan ng mga witch. Na tutoong may dugong mangkukulam na nananalaytay sa 'kin?" paniniyak niya.
"Ganoon na nga. Dahil doon kaya ko iniwan sa iyo iyong aklat ng karunungan na ilang henerasyon nang nagpapalipat-lipat sa lahi niyo," anito.
Tinitigan niya ang babae, na nagpakilalang si Salma. Kung joker ito o tutoong may sayad, hindi pa niya matiyak. But one thing is sure. The woman made a mistake. She got the wrong person.
"Pasensiya na, miss pero mukhang nagkamali ka ng taong pinuntahan. Nasa shop iyong libro, balak ko talagang ibalik iyon sa iyo sa sandaling makita ulit kita. Hintayin mo lang ako rito. Magbibihis lang ako at..."
"Hindi ako puwedeng magkamali," giit ng babae na pumigil sa akmang pagtayo na sana ni Sabrina. "Bukod sa alam ko naman eksakto kung sino ang taong pag-iiwanan ng aklat ay matagal na rin kitang sinusubaybayan. Noong isang araw, sa pagkakatugma-tugma ng mga kakaibang pangyayari sa kalikasan, ay nakumpirma ko nang tuluyan ang pagkatao mo. Naramdaman ko ang enerhiyang nagmula sa paggising ng kapangyarihang matagal mo nang taglay at naghihintay lang ng tamang panahon para umahon sa iyong pagkatao. Nang gabing maganap ang pambihirang pangyayari sa buwan ay naging napakalakas ng puwersa ng mahika. Hinimok niyon, binulabog sa pagkakahimbing, ang kapangyarihang hindi pa nakikilala ng mga kagaya mo."
"Okaaay..." Nagtatalo pa rin ang opinyon ni Sabrina kung joker ba o may tililing ang kausap niya.
"Ginising ng unang orasyong hinango mo mula sa aklat ang kakayahang taglay ng inyong angkan at naramdaman ko ang enerhiyang dala niyon," patuloy ni Salma.
"Unang orasyon?"
"Iyong orasyong tuawag sa lalaking magpapaligaya sa iyo. Sa paggamit mo ng mahika ay pinadaloy mo na nang tuluyan sa pagkatao mo ang kapangyarihang namana mo sa angkan ng iyong ina."
"Si mommy?" Hindi ma-imagine ni Sabrina na galing ito sa angkan ng mangkukulam. Sino ang maniniwala na ang laging poised at sopistikadang si Mrs. Angel Alvarez may ganoong pinagmulan? Angel pa man din ang pangalan nito. How ironic.
Tumingin ng diretso sa mga mata niya ang babae.
"Ang iyong...tunay na ina."
"What?" bulalas ni Sabrina nang matukoy kung ano ang implikasyon ng sinabi nto. Matatanggap pa niya na may lahi siyang mangkukulam. Pero ang madiskubre na iba ang ina niya, doon siya parang dinagukan. Napatayo siya. This woman must surely be lying.
"Please get out," sabi niya sa babae.
Parang inasahan naman na Salma ang reaksiyon niya. Kalmado itong tumayo na.
"Babalik na lang ako kapag handa ka na," anito. "May dapat ka pang matutunan. May kasama rin ang aklat na ibinigay ko sa iyo pero dapat ay tanggap mo na ang sarili mo, at ang kakayahan mo, bago iyon mapasakamay mo."
"Don't bother," anas dito ni Sabrina. "Hindi ako maniniwala na hindi si mommy ang tunay kong ina at walang makakapilit sa akin."
"Hindi sapilitan ang pagpapaunawa sa iyo. Hanggang sa muli."
Biglang umihip ang malakas na hangin. Nagliparan ang mga dahon at alikabok. Napapikit si Sabrina nang mapuwing sa kung ano. Pagdilat niya ay wala na ang kausap niya.
KANINA pa nakausap ni Sabrina ang mommy niya via Skype. It is a conversation that is best done in person but since she couldn't wait for her mom to feel the urge to come home from gallivanting around the world so she did what she had to do. Naglalaro pa sa isip niya ang pangyayari.
Inasahan niya na mainit nitong itatanggi ang ang sinabi ni Salma sa kanya, na hindi ito ang tunay niyang ina. Handa na nga siyang mag-sorry rito at aluin ito sa pag-uusisa niya ng ganoong bagay. But instead of her mom's vehement protest, she was met by silence. Iyon ay matapos sandaling bumakas sa mukha ng ina ang matinding pagkagulat.
"'My, say something," udyok niya rito. "It's not true, is it?"
Tumingin sa kanya ang mommy niya. "S-sorry pero...pero..."
"No!" bulalas niya.
"H-hindi ko gustong itago sa iyo. But your dad wanted to keep it a secret."
"Si daddy? But...why?" pagtataka ni Sabrina.
Again, her mother seem to hesitate. "He...he has his reasons."
"What reasons? Tell me," giit niya nang parang mag-atubili na naman ang kausap niya.
"It has s-something to do with who your biological mother." Sa boses nito ay halatang napipilitan lang ang mommy niya.
"So, sino ang tutoong ina ko?"
Parang hirap magsalita ang mommy niya. "Isa...isa sa mga nakarelasyon ng daddy mo."
"What?" Lalo nang parang sinapak si Sabrina sa narinig niya.
"She...she died while giving birth to you. She is estranged from her family. Ni hindi alam ng daddy mo kung nasaan na ang mga kapamilya niya dahil matagal na raw nabubuhay mag-isa iyong...iyong babae. Anyway, I...I couldn't give him a child. May fertility problem ako at kahit anong tulong ng siyensia ay hindi ako mabuntis-buntis. Your dad asked if we could keep you. Pumayag ako and that's that." Kita sa mukha ng mommy niya na hindi ito kumportable sa pinag-uusapan nila...
BINABASA MO ANG
A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature Content
RomanceWhat happens when a spell backfires? Elisha had been having the hots for Wayne. Pero hanggang doon lang siya. In-lust only, never in love. Hindi niya hahayaan na ma-in-love siya. But a spell had been cast without her knowledge and it turned her sex...