CHAPTER 2
"SA SOBRANG kakulangan mo sa dilig, hayan, nababaliw ka na," kantiyaw ng kaibigan at business partner na rin ni Sabrina na si Lila nang ikuwento niya rito ang tungkol sa nangyari sa kanya kagabi. Nasa Charms and Spells sila noon, nag-aayos ng mga bagong stocks.
Hindi lang iyong nakita - at naging participant pa nga siya - na mainit na eksena sa repleksiyon ng salamin ang ikinuwento niya kung hindi pati iyong malaking anino na bigla ay nasa tabi niya. Nang magkaroon na ulit ng liwanag sa kuwarto ni Sabrina pagdaan ng ulap na tumakip sa buwan ay inasahan niya na isang halimaw ang makikita niya sa tabi niya. Imbes ay si Salem ang tumambad sa kanya. Nakakiling pa ang ulo ng pusa niya, parang nagtataka kung bakit sumigaw siya.
"Salem?" tawag ni Sabrina sa alaga niya. Nag-alangan pa talaga siya, inisip na baka halimaw ito na nagpapanggap na pusa. Iyon ang napapala niya sa hilig din niyang panoorin na mga horror flicks.
Lumapit sa kanya si Salem, kumiskis-kiskis sa kanya. Ano pa ba ang puwede niyang isipin kung hindi namalikmata lang siya?
Ngayon eh pinagtatawanan pa siya ng bruhang kaibigan niya.
"Nagsalita ang nadidiligan," ganti niya.
"Keri pa ng powers ng mga ito." Itinaas ni Lila ang mga daliri nito.
Alam agad ni Sabrina ang tinutukoy ng kaibigan. Maraming beses na rin niyang ginamit ang mga daliri para paligayahin ang sarili. It's not half as satisfying as the real thing but beggars can't be choosers, right? Saktong pantawid-gutom na rin iyon kaya papatulan na muna niya.
"Pero di kailangang magtiis sa ten little indians lang." Pinagalaw-galaw na naman ni Lila ang mga daliri. "May nahanap akong site." Nagdudutdut ito sa hawak na phone. "Iyan o. Feast your eyes on those goodies, bebe." Isinalpak nito sa mukha niya ang screen ng telepono pagkatapos ng ilang sandali.
Iba't ibang laki at kulay ng putotoy ang tumambad kay Sabrina. Fake putotoys, that is. Itinulak ng daliri ni Lila ang screen at ang sumunod na nakita niya ay iba pang sex toys. Mga penis rings, vibrators, at kung ano pang ni hindi niya malaman kung paano ginagamit.
"Sabi sa site na 'yan, coming soon na iyong isang fucking doll for women. Hindi ko alam kung paano siya gumagana pero sure ball na susubukan ko iyon. Para naman habang hinihintay ko si Mr. Right ay hindi ako nagdurusa," excited na pagkukuwento ng kaibigan niya.
"A male fucking doll?" Hindi ma-imagine ni Sabrina kung paano gagamitin iyon. Parang asiwa rin siya.
"O bakit? An orgasm is an orgasm. Ang importante lang eh masarapan ako. Kaya susubukan ko lahat ng mga produktong ibinebenta diyan sa site. Try mo rin para hindi ka nagha-hallucinate diyan. Nga pala, may kailangan ka pa ba para sa Halloween party mo?" tanong ng kaibigan. "Puwede akong umarkila ng macho dancers kung gusto mo."
"Halloween party iyon hindi bridal shower, ano ka ba?"
"Sa bridal shower lang puwedeng magkaroon ng macho dancer?" ganti ni Lila. "Bakit nga ba hindi? Para sure lang na hindi ka tigang. Sige, sige, i-try natin."
"Tumigil ka."
"Naman eh. Ang saya kaya. Imagine mo, dadating silang naka-costume. Puwedeng superhero. Pagsabi mo na bahala na si Batman, hayun si Batman. O puwedeng si Buttman. You know, isang hunk na may magandang butt. Igigiling niya iyon at puwede mo siyang panoorin mula sa likod para kitang-kita mo ang view."
Ang lakas ng tawa ni Sabrina. Tawang naputol nang mapatingin siya sa glass door ng shop. Isang babae ang natanaw niya. Long-sleeved black shirt ang suot nito. Maluwag na black pants ang pang-ilalim. Nakatayo ito malapit sa pila ng tricycle. Sa unang tingin ay iisipin na puwedeng naghihintay ito ng masasakyan o kaya ay ng kasama nito na puwedeng nasa loob ng ibang shops sa lugar na iyon. Pero may iba sa ekspresyon nito, pati na rin siguro sa mismong aura nito.
BINABASA MO ANG
A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature Content
RomanceWhat happens when a spell backfires? Elisha had been having the hots for Wayne. Pero hanggang doon lang siya. In-lust only, never in love. Hindi niya hahayaan na ma-in-love siya. But a spell had been cast without her knowledge and it turned her sex...