chapter 10

2.9K 51 0
                                    


CHAPTER 10

"THIS is very new to me and I still can't wrap my head around it," hayag ni Wayne.

Alam ni Elisha ang tinutukoy nito. Nabanggit na rin kasi iyon sa kanya ng lalaki sa maraming pagkakataong magkasama sila. Oo, marami talaga. They are constantly together. Ang dami na nga nilang napuntahan. Iyong listahan niya ng gustong madalaw na mga lugar, ilan na ang nalagas.

They had climbed some mountains. Nagsimula sila sa easy climbs. Noong isang linggo ay nakaakyat na sila sa Mt. Pulag. Wrapped in the magical scenery of the Sea of Clouds, she was unable to deny what she feels for the guy who had his arms around her, making her feel safe and warm. She wants to be with him. Not just for now and not just for the sex. She wants him for keeps.

Nag-scuba diving din sila. Nag-hike sa Masunji Georeserve, umakyat ng lighthouse, pumasok ng kuweba. Nadiskubre ni Elisha na pareho sila ng lalaki na mahilig sa kalikasan.

I like to party as much as the average guy but I enjoy being immersed in nature more, saad pa nito.

Isang side iyon ni Elisha na nakalimutan na niya at bihira na rin niyang ma-indulge, iyong paglalakwatsa sa mga lugar na kailangan ng mahabang lakaran at hindi de aircon. It was a pleasure to rediscover it with a guy she likes.

Nasa tuktok sila noon ng isang ridge. Nag-joy ride lang naman sila pa-Tagaytay at nang makita ni Wayne ang lugar na iyon ay huminto ito at niyaya siyang lumabas. Overlooking iyon sa lawa at sa paglubog ng araw ay nagre-reflect sa tubig ang magagandang kulay ng takipsilim.

Ang bago raw sa lalaki, ang hindi pa nito naranasan sa tanang buhay nito, ay ang hindi mapigilang pagnanais na makasama ang isang babae. Lalo pa kung ang dahilan ay hindi lang iyong may kinalaman sa sex. Nabanggit na iyon sa kanya ni Wayne noong nasa Mt. Pulag sila. Parang nagtampo pa nga ito dahil itinuring niyang biro ang deklarasyon nito.

Hindi na niya balak gawing biro ang pahayag nito ngayon lalo at bakas sa tono at itsura ng lalaki ang sinseridad nito. Isa pa, paano ba siya makakapagbiro kung ganoong ni hindi siya makapagsalita? Para kasing nagbara bigla ang lalamunan niya dahil sa emosyong umahon sa pagkatao niya.

This guy, the lovely scenery, his words, all combined to make her feel as if her very wishes are coming true. Ang hirap nga lang paniwalaan. O mas tama na ayaw niyang paniwalaan. Kasi kapag naniwala siya ay aasa na siya. Ang sakit maging biktima na naman ng maling akala.

Iniharap siya ni Wayne, ikinulong ang mukha niya sa mga kamay nito.

"I think I won't have enough of you no matter how many times I get a taste of you. In fact, each taste just whets my appetite for more," saad nito na nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Ang tibay lang ng sikmura nito o kaya ay ang husay nitong magsinungaling para magawa nito iyon nang hindi naiilang at hindi kumukurap. And she realized that his words and his actions have the power to break through the wall she had erected around her heart, protecting it from once more feeling the emotion that gave her a lot of pain. She felt a tear slid down her cheek. Nasundan iyon ng isa pa at ng isa pa.

"Oh, don't cry, please. I didn't mean to hurt you. Ano ba 'yong nasabi kong mali at babawiin ko?" Parang magpa-panic na si Wayne.

"W-wala." Lalo na tuloy bumilis ang pag-agos ng luha ni Elisha.

"Oh hell!" Kinabig siya nito at mahigpit na niyakap. Gumanti si Elisha. She just loved the way it feels to be trapped in those strong arms. Ang sarap din sa pakiramdam na mapasadlak sa matigas nitong katawan. That hard body that had given her so much pleasure. The thought started to awaken her desire. Napahagikgik siya nang maramdaman ang pamumukol ng harapan ni Wayne.

A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature ContentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon