SABRINA
CHAPTER 1
HUMINGA ng malalim si Sabrina. Kasabay ng paglanghap niya ng hangin na humahalimuyak sa bangong nanggagaling sa tatlong rose oil-infused candles na nakasindi sa loob ng kuwarto niya ay tumingin siya ng diretso sa repleksiyon niya sa salamin. Tanging ang mga kandila ang pinagmumulan ng liwanag. No, hindi siya naputulan ng kuryente. Dapat lang kasi ay medyo nadilim ang paligid para sa ginagawa niya.
Sa mukha niya siya nag-focus, pinilit niyang huwag pansinin iyong ibang bagay na nahahagip peripheral vision niya. Iyon kasi ang instruction doon sa spell na nabasa niya sa librong natiyempuhan niya sa isang antique store.
Lover, lover, come to me. Show your face so I can see.
Divine powers, in this gloom of misty gray, give my luscious darling a way
Habang nakatitig sa salamin ay inuulit-ulit usalin ni Sabrina ang spell. Ang pakay niyon ay ang ipakita sa kanya ang mukha ng lalaking magkakaroon ng espesyal na lugar sa buhay niya. In the physical sense, that is.
If he exists. Nag-komento pa ang utak niya.
She blocked out that small nagging voice. Baka makasira sa concentration niya. Once more she peered into the mirror. Pero bukod sa mukha niya ay wala naman siyang ibang makita.
Bakit ba kasi gusto mo pang makita? Ayaw paawat ni nagging voice. At may point naman ito. Bakit nga ba siya naggagaganoon?
Dahil tigang na 'ko! Mainit na sagot ng isa pang bahagi ng kanyang pagkatao, her puchie to be exact. Puchie ang pet name ni Sabrina sa kanyang pukaykay. Nagrereklamo na iyon ng todo. Minamalas yata kasi siya dahil lately, ang mga nakaka-hook-up niya ay hanggang press release lang ang ibinibidang sexual prowess. Kung magsalita ang mga ito, akala mo eh kagagaling. One even told her she won't stop screaming from beginning to end. Tama naman ito. Gusto nga niyang magsisigaw. Ng fake news ka, letse!
She almost didn't have an orgasm with him, that's why. Kinailangan pa niyang maghanap ng tamang anggulo para mabiyayaan man lang si puchie ng konting biyaya. Kung hindi ay uuwi siyang luhaan. O kaya ay baka mabigwasan niya ang lalaki pagkatapos. Nakakainit kaya ng ulo ang mabitin.
Still, it left her barely satisfied. Kung baga sa gutom, nalamnan lang ng konti ang sikmura niya, sapat para matigil sandali ang pagkalam. But just a few days, no, make that a few hours, later, the gnawing ache is back.
She wants a lover. A fantastic one. If he exists, she wants to find him. She wants to see his face. Para kapag nakasalubong niya ay ikakadena na niya ito sa sarili niya. For her puchie's sake.
Iyon nga lang, mukhang kagaya ng mga natitisod niyang lalaki ay ganoon din iyong spell na nahalungkat niya. Walang kuwenta! Nagsasawa na si Sabrina sa kakatitig sa sariling mukha niya kaya tatalikod na dapat siya nang may mahagip ang paningin niya. May nangyayari sa likod niya, sa kama niya, to be exact.
Keep your eyes on the mirror until what you are seeing fades from your sight. Naalala niya ang isa pang instruction na kasama nung spell. Kahit daw ano ang makita niya ay dapat na manatili siyang nakatitig sa salamin. That is your portal to see what is unseen and turning away would sever the connection. Kaya pinilit niyang sa salamin lang nakatingin kahit ang instinctive reaction niya ay ang lumingon.
Ang hubad na likod ng isang lalaki ang unang tumambad sa kanya. Nakatayo ito sa paanan ng kama, nakatingin sa babaeng nakahiga roon. The flickering light coming from the candles gave his skin a golden glow, the shadows playing on his well-defined muscles made her hand itch. She wanted to reach out and touch that delicious-looking bod. When her eyes slid lower, what she saw is a well-formed butt and thighs that looked as sturdy as steel.
BINABASA MO ANG
A Spell of Lust (COMPLETED) R-18 Mature Content
RomanceWhat happens when a spell backfires? Elisha had been having the hots for Wayne. Pero hanggang doon lang siya. In-lust only, never in love. Hindi niya hahayaan na ma-in-love siya. But a spell had been cast without her knowledge and it turned her sex...