Kabanata 4

1.8K 90 1
                                    

"Ay Maam, umalis po si Sir, pero binilin niya po na kunin ko 'yung ibibigay niyo po sa kanya." nakangiting sabi sa kanya ng katulong.

"Ah, ganoon po ba, pwede pong hintayin ko na lang siya?" sabi niya rito. Pagkakataon niya na iyon para makita ng personal si Kurt.

"Naku Maam, hindi po pwede. Magagalit po 'yun." nag-aalalang sabi nito sa kanya.

"Eh kung ganoon naman po pala bakit niya pa ako pinapunta dito? Pwede ko naman itong ipadala sa kanya." mataray na sabi niya sa katulong. Hindi naman sa wala siyang galang sa matanda, hindi niya lang kasi mapigilang magtaray dahil sa kaartehan ng Boss niya.

"Pasensiya na po Maam. Hindi po talaga pwed--" naputol ang sasabihin nito nang may pumasok sa bahay ni Kurt.

"Hi manang!" nakangiting bati ng binata sa kasambahay na kausap niya bago seryosong napatingin sa kanya at sa hawak niyang folder.

"Hijo—."

"Ikaw ba ang boss ko? Ano po bang naisip niyo at nagpapakamisteryoso kayo?! Kung pagalitan niyo ako kanina parang ang laki ng ginawa kong kasalanan. Samantalang tiningnan ko lang naman 'yung picture sa desk niyo." mataray na sabi niya rito. Naalala niya ang picture sa mesa nito kanina. Baka inlove si Kurt kay Veron kaya itinaob nito ang picture frame dahil ibang lalaki ang kasama ng babae roon.

"I'm—" hindi niya ito hinayaang magsalita, naiinis siya rito. Wala na siyang pakialam kung tanggalin man siya nito sa trabaho niya.

"Bakit ayaw mong makita ko yun? Siguro dahil ayaw mong malaman ng mga empleyado mo na ang boss naming si Kurt ay patay na patay sa isang babaeng iba ang mahal." nakataas ang kilay na sabi pa niya rito. Noon niya lubos na naisip kung bakit pinakuha nito ang folder ni Veron. Baka may gawing masama si Kurt.

"Excuse me?" nakakunot noong sabi ng binata.

"Magmamaang-maangan ka pa! Akala mo kung sino ka, di ka naman gwapo! Napakayabang mo pa." inis na sabi niya rito.

Gustong-gusto niya nang sakalin ang kaharap dahil nakangiti lamang ito sa kanya kahit na pinapaulanan niya na ito ng magagaspang na salita. Napansin niya rin ang nag-aalalang mukha ng kasambahay.

"You're--"

"Don't worry, magreresign na ako!" putol niya sa sasabihin nito at malakas na inilapag ang folder sa maliit na mesa.

Muntik niya nang mahambalos ang lalaki nang marinig niya ang mahinang pagtawa nito.

"Walang nakakatawa sa mga sinabi ko!" nanlalaki ang mga matang sabi niya rito. Ang lakas ng loob nitong pagtawanan siya.

"I'm sorry, I just can't help it." nakangising sabi nito. Napairap na lamang siya at naglakad na para lumabas ng bahay ng kanyang boss.

"Miss, I have something to tell you." nakangising sabi ng binata.

"Miss mo mukha mo. Kanina lang kung tawagin mo ako, parang ikaw yung teacher ko nung college!" mataray na sabi niya rito nang maalala ang pagtawag nito sa kanyang buong pangalan kanina.

"I'm not Kurt." sabi nito na nagpatigil sa kanyang paglalakad. Nanlalaki ang mga matang pumihit siya paharap dito.

"W-What?" namumulang tanong niya.

"I'm not your boss. I'm Huedrex, I'm his best friend." napalunok siya nang magpakilala ito.

"Oh?" mahinang sabi niya at ngumiti rito ng pilit sabay karipas ng takbo. Wala na siyang pakialam kung magkandasugat-sugat na ang kanyang mga paa dahil sa suot na heels. Basta ang mahalaga sa kanya ay makalabas ng sinumpaang bahay na iyon.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon