Kabanata 3

1.9K 96 0
                                    

Nakakunot ang noong lumapit siya sa kaniyang lamesa. Meron na kaagad doong isang katerbang folders. Sa tingin niya ay matagal na iyong nabinbin dahil may mga sapot na ng gagamba at alikabok.

"I'm sorry Almira, 'yan ang unang inutos ni Sir Kurt." sabi sa kanya ni Red, meron pa itong inilapag na panibagong folders sa kanyang desk. Halos di niya na makita ang nasa unahan dahil sa dami niyon.

May galit ba sa kaniya si Kurt Santillan?

"It's okay." sabi na lamang niya rito sabay ngiti ng pilit.

Pagkatapos niyang maayos ang kanyang mga gamit ay kaagad niyang binuhat ang patong-patong na folders para ibaba sa sahig. Doon na lamang niya iyon aayusin.

"Hey, Almira right?" napatingin siya sa lalaking nagsalita sa harap niya.

Maaliwalas ang mukha nito. May pilyong ngiti sa labi at nang-aakit na mga mata.

Isa lang pumasok sa isip niya.

Hindi niya gusto ang presensiya nito.

"I'm Ronan, taga kabilang department ako." nakangiting pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay sa kanya.

Tiningnan niya lamang iyon at nagpatuloy na sa pagpupunas ng hawak niyang folder.

"Ahm, si Sir Kurt pala ang pagsisilbihan mo." napatingin na naman siya kay Ronan.

"Bakit ikaw? Hindi ka ba nagsisilbi sa kanya? Lahat naman tayo empleyado niya rito." walang ganang sabi niya kay Ronan.

"Well, you're right, but what I mean is siya 'yung lagi mong makakasama. Lagi mo siyang makikita." napatigil siya sa ginagawa dahil sa sinabi nito.

"Bakit pakiramdam ko may ibig kang sabihin sa mga sinabi mo?" nakataas ang kilay na sabi niya rito. Tumikhim muna si Ronan bago sumagot sa kanya.

"Eh kasi, this past few months, nag-iba si Sir. Dati nakikipagkwentuhan pa siya sa amin, ngayon parang hangin na lang kami sa kanya. Hindi namin alam kung anong nangyari, and minsan na lang siya kung pumunta rito." napataas ang kilay niya sa sinabi ni Ronan.

Tapos? Ano namang mangyayari kung si Sir Kurt ang lagi kong makakasama?

"Lagi pa siyang galit sa lahat ng empleyado rito. Tapos nagulat na lang kami nang tanggalin niya 'yung dating secretary niya. So be careful, you might lose your job in just one snap, without knowing kung anong ginawa mong mali." napatirik ang kanyang mata sa sinabi ni Ronan.

"Kalalaki mong tao, ang tsismoso mo. Why don't you go back to your department and do your job. Ayaw mo naman sigurong matanggalan din ng trabaho?!" napapitlag siya sa boses na narinig. Napatingin siya sa pinto sa kanyang likuran. Tanging likod na lamang ng kanyang boss ang nakita niya bago sumara ang pintuan.

Bakit parang pamilyar sa kanya ang boses nito?

"Alam mo bang Beast ang tawag sa kanya ng lahat ng nagtatrabaho dito? Napakasama na kasi ng ugali. Sige Almira mauuna na ako." paalam sa kanya ni Ronan bago tuluyang umalis.

"Beast?" mahinang tanong niya sa sarili.

"Almira Louise Castro. Ayusin mo ang trabaho mo kung gusto mo pang tumagal dito." napatingin siya sa speaker na nasa gilid niya. Ngali-ngaling suntukin niya iyon sa sobrang inis.

Wala itong pinagkaiba sa lalaking nakasabay niya kanina sa elevator.

"It's okay to punch the speaker. Hindi naman ako ang masasaktan." naibaba niya bigla ang kamay sa narinig. Malakas siyang napaaray ng tumama iyon sa kanyang lamesa.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon