Kabanata 2

2.3K 100 0
                                    

Hindi magkanda-ugaga si Almira sa pagmamaneho. Tatlumpong minuto na lamang at magsisimula na ang interview nila. Apat pa man din silang napili at kung sino ang makakapasa sa interview ang siyang magiging bagong secretary ni Kurt Santillan.

Nang makarating sa kompanyang pagtatrabahuhan ay kaagad siyang naghanap ng vacant parking space. Aabante na sana siya para makaparada nang biglang isang itim na sasakyan ang mabilis na kumuha ng espasyong para sa kanya.

Kahit sobrang inis ay hindi na lamang niya pinansin iyon at nagtuloy sa pagpark sa katabi nito.

Pagkababa ay narinig pa niya ang malakas na pagsarado ng pinto sa katabing kotse at pagmura ng isang lalaki.

"Fuck that interview! " Tiningnan niya lamang ang lalaki habang nagsusuot ng sombrero. Sa tingin niya ay gwapo ito, dahil kahit nakatalikod ay malakas ang dating nito sa kanya.

Napapitlag siya nang muling tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad siyang pumasok sa building ng masagot ang tawag ng tumatayong secretary ng kanyang magiging boss.

"Aray! Ano ba yan, hindi ka ba tumitingin sa dinara—" naputol ang sasabihin niya nang lagpasan lamang siya ng lalaking nakabangga sa kanya.

"Antipatiko." inis na sabi ni Almira bago sumunod rito. Aba! Hindi yata niya gusto ang inasal nito. Dapat magsorry sa kanya ang lalaki.

Napansin niyang sa ibang elevator pumasok ang lalaki. Wala na siyang pakialam kung para ba sa mga VIP ang elevator na iyon. Ang mahalaga sa kanya ay magsorry ang damuhong binata.

"Hoy, lalaking mukhang may binabalak na masama, hindi ka man lang ba magsosorry?" mataray na sabi niya rito. Mukha kasi itong goon sa suot nito. Nakasombrerong itim at nakahoodie.

Binabawi niya na ang sapantaha niya rito kanina. Hindi ito gwapo, napakawalang-modo kasi nito.

"Out." hindi siya nagpatinag sa malamig nitong boses. Duh?! Si Almira Louise Castro yata siya.

"Out mo mukha mo! Ikaw ba may-ari nito?! Napakayabang mo ah. Magsorry ka na muna!" inis na sabi niya rito.

Hindi ito nagsalita kaya lalo siyang nainis.

"Akala mo kung sino ka! Eh para ka namang tambay!" sabi niya pero lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil mukha namang may sinasabi sa buhay ang lalaking kaharap.

"Hoy Mr. Goon, mag sorry ka! Masakit kaya yung pagkakabangga mo sa akin! Dalian mo bago pa ako magtawag ng security guard." sabi pa niya rito habang dinuduro ito.

Sobrang inis na ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Sino bang hindi maiinis, napakayabang nito. Ni hindi pa siya makuhang tingnan sa mukha eh hindi naman siya pangit!

"Oh shit, late na ako! Kasalanan mo to eh! Paano kung hindi ako matanggap?!" naiiyak na sabi niya rito nang mapadako ang tingin niya sa kanyang relo.

Kaagad siyang lumabas ng bumukas ang elevator. Mabuti na lamang at parehas sila ng floor na pupuntahan.

"I'm sorry Sir Red, I'm late." hinging paumanhin niya sa pansamatalang secretary ng kanyang magiging boss.

"It's okay Miss Castro, kakarating lang rin ni Sir Kurt." nakangiting sabi nito sa kanya.

Napahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito.

Inayos niya na ang sarili nang pumasok si Red sa opisina ni Sir Kurt. Ilang ulit din siyang tumingin sa salaming dala niya, baka kasi may mali sa itsura niya.

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at lumabas doon si Red.

"I'm sorry, pero makakaalis na kayo. Except to you Miss—" sabi nito na ikinainis niya.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon