Kabanata 11

1.6K 83 0
                                    

Pagkatapos ni Almira kumain ay kaagad siyang lumabas.

Napakainit ng nararamdaman niya kahit na malakas naman ang air-con sa kwarto ni Aris.

"Tapos ka na?" sabi ni Aris habang nakaupo sa swivel chair nito. Bahagya siyang napatigil nang makita ang mukha ni Aris na nadadaplisan ng sikat ng araw.

Iba ang dating niyon sa kanya. Lalong kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Bakit?

Napalunok ulit siya nang muling maalala ang nangyari sa bahay nito. The way his thing got angry between her legs, it makes her craved for something.

Naipilig niya ang ulo sa kahalayang muntik nang lumunod sa kanya.

"O-Oo." tanging nasabi niya kay Aris. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito.

"Do you want to go home? Ihahatid na kita." sabi nito sabay tayo para buksan ang pinto.

Bakit nito ginagawa iyon? Bakit tinatrato siya nitong espesyal ngayon?

Tumango na lamang siya kay Aris at nauna nang lumabas.

"Ipapahatid ko na lang yung sasakyan mo." napatingin siya kay Aris nang bigla siya nitong hawakan sa bewang habang naglalakad sila.

Ang pagkakadikit niya sa matipuno nitong dibdib ay nagbibigay sa kanya ng malaswang isipin.

Tila nakukuryente siya ng pagkakalapat ng balat nito sa kaniya. What is wrong with her? Bakit niya nararamdaman iyon?

Pagkapasok sa sasakyan nito ay naamoy niyang muli ang pabango nitong hindi nakakasawang amuyin. Napakamanly niyon kumpara sa ibang mga lalaking kilala niyang gumagamit ng mga mamahaling pabango. Siguro dahil nahahaluan iyon ng natural na bango ni Aris.

"Shit." bulong niya nang hindi niya maiayos ang kanyang seatbelt.

"Ako na lang." tila iba ang dating sa kanya ng pagkakasabi niyon ni Aris. Para bang sinasabi nitong ito ang piliin niya at wag ang iba. Pero hindi niya na lamang iyon pinansin at tumitig na lang sa unahan nang lumapit sa kanya si Aris.

Naramdaman niya ang pagtitig nito habang inaayos ang kanyang seatbelt.

"You're blushing." napasinghap siya sa sinabi nito. Bigla niyang iniiwas ang tingin.

Bakit sa dami ng pwede nitong mapansin, iyon pa talaga?

Ramdam niya ang init ng kanyang mukha. Pumikit na lamang siya para hindi niya makita ang nakangising mukha ni Aris.

"Hey, we're here." nagising siya sa mahinang haplos sa kanyang balikat. Nakatulog pala siya. Napatingin siya rito at sa labas ng bintana. Naroon na nga sila.

Hindi na siya nagulat nang ipagbukas siya nito ng pinto ng kotse.

Pagkababa ay nagtaka siya nang makita ang hindi pamilyar na kotse sa tapat ng kanilang bahay. Kanino iyon?

"Let's go?" muli siyang napatingin kay Aris.

"No, umuwi ka na." sabi niya kay Aris na nakakunot ang noo. Hindi ito pwedeng makita ng Daddy niya.

"Hindi naman ako magpapakita sa Daddy mo, ihahatid lang kita hanggang sa pinto. I want to make sure na maayos kang makakapasok sa loob." nakangiting sabi nito sa kanya. Wala na siyang nagawa nang akayin siya nito papunta sa gate.

"Kuya Greg, kanino pong kotse iyon?" tanong niya sa kanilang security guard.

"Ay, Maam, kay Mr. Montero po, yung business partner daw po ng Daddy niyo." sagot nito. Bigla niyang naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Aris sa braso niya.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon