Kabanata 9

1.6K 83 0
                                    


F*ck! What the hell is he thinking?! Bakit niya nagawa iyon?

Simula nang lumabas sa bahay niya si Louise ay hindi pa rin nawawala ang galit sa kanyang pagkalalaki.

Bakit ganoon na lamang ang epekto sa kanya ng kanyang sekretarya?

Kaagad siyang pumasok sa banyo sa kanyang kwarto. Kailangan niyang maligo para mawala ang init ng katawan niya.

Habang bumubuhos sa kanyang katawan ang tubig na nagmumula sa shower ay bigla niyang naalala ang mukha ni Louise.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi nang hindi man lamang siya nito tinarayan kanina, habang nasa ibabaw niya ito.

Naalala niya ang labi nitong mapupula, ang mukha nitong walang bahid ng anumang kolorete.

Napakanatural ng hitsura nito. Hindi na siya magtataka kung isang araw madiscover ito bilang isang modelo. Matangkad din kasi si Louise. Mahahaba ang biyas nito, malaki ang balakang, maliit ang bewang at tama lamang ang laki ng hinaharap. Sa tingin niya'y sakto lamang iyon sa kanyang mga kamay.

"Damn!" mahinang sabi niya bago nilakasan ang buhos ng tubig. Bakit ba niya iniisip yun. Para na ring wala siyang pinagkaiba sa mga bastos na tambay sa mga kanto.

Nang medyo nawala na ang init na nararamdaman ay kaagad siyang humarap sa salamin para tingnan ang kanyang hitsura.

Muli na namang sumidhi ang galit niya kay Bryan nang makita ang malaking pilat sa kanyang mukha.

Nasa mental hospital na ang lalaki. At sinisiguro nila ni Shunichi na hindi na ito makakalabas roon. Napakalaki ng kasalanan nito sa kanya lalo na kay Rian at Shunichi.

Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang mahabang peklat.

Naalala niyang muli si Louise. Bakit? Bakit hindi man lang ito natitinag ng pagsusuplado niya? Bakit hindi ito natatakot sa kanya? Bakit normal pa rin ang turing nito sa kanya? Samantalang ang iba niyang empleyado ay parang halimaw siya sa paningin ng mga ito. At bakit napapadalas na ang pagpasok niya sa opisina?

Bakit ang tapang nito sa kanya pero kapag sa iba ang hina-hina nito. Gaya kanina, gusto niya itong aluin nang makita ang pag-iyak nito pagkatapos na makausap si Leandro.

Ano bang meron? Ano bang problema ni Louise at ng Daddy nito?

Pagkatapos magbihis ay kaagad siyang bumaba para ipagluto ang sarili. Gaya nang sinabi niya kay Louise ay wala ang kanyang mga katulong. Day off ng mga ito tuwing linggo.

Bigla siyang napangisi nang maalala ang pagsabunot ni Louise sa kanya kanina. Ipagluluto naman sana niya si Louise kung hindi siya nito sinugod at pinaghahampas.

"Sadista talaga. Ako pa tinatawag niyang Beast eh akmang-akma naman iyon sa kanya." naiiling na sabi niya habang nagluluto ng pasta.

"Sinong kausap mo?" napatingin siya bigla kay Veron. Hindi niya napansin ang paglapit nito kaya muntik na siyang mapasigaw.

"Where is she?" tanong pa nito.

"Umuwi na." sagot niya sabay kuha ng tubig at saka uminom.

"I'm really sorry. Nakaistorbo yata ako kanina." muntik na siyang masamid sa sinabi nito. Medyo nakakalimutan niya na, ipinaalala pa ni Veron.

"Bakit nandito ka pa?" kunot-noong tanong niya kay Veron.

Sinimangutan lamang siya ng kaibigan. Alam niyang kaya ito ganoon ay dahil sa hindi na nito nakakasama si Zerine.

Kapapanganak lamang kasi ni Zerine na asawa ng kuya nito na kaibigan din nila.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon