Kabanata 8

1.6K 85 1
                                    

"Baka naman gusto ka ng boss mo." panunudyo sa kanya ni Cassy. Pati ito gusto niyang sakalin.

Nagkwento kasi siya sa kanyang kapatid pagkarating niya galing trabaho.

"Bwisit siya! Sige, sabihin na nating gusto niya ako. Pero, kailangan pa ba niyang gawin iyon?! Nakakainis!" nabibwisit talaga siya kay Aris. Hindi tuloy siya nakapunta sa date nila ni Lester.

"Nagseselos siguro. 'Wag mo na kasing tarayan si boss." pang-asar sa kanya ni Cassy. Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Paano na si Lester? Paano na ang naudlot kong love life?" naiiyak na sabi niya.

Mas lalo siyang nainis nang pagtawanan lamang siya ng kanyang kapatid kaya kaagad siyang lumabas at tumungo sa kanyang kwarto.

Maya-maya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Nagulat siya nang makita ang ang pangalan ng tumatawag. Big letters pa lahat 'BOSS'.

Kailan siya nagkaroon ng number nito?

Hindi niya sinagot ang tawag ni Aris. Inis siya rito kaya dapat lang na 'wag niyang sagutin iyon.

Walang tigil sa pag-ring ang kanyang cellphone kaya nilagay niya iyon sa silent mode.

Wala naman siyang pasok ngayon dahil linggo. Mangbubwisit lang siguro si Beast.

Nagulat siya sa biglang pagkatok ni Cassy sa kanyang pinto. Kaya kaagad niya iyong binuksan.

"May tawag ka sa telepono sa baba." sabi nito sa kanya.

"Sabihin mo wala ako." inis na sabi niya kay Cassy. Malamang ay si Aris ang tumatawag.

"Boss mo yung tumatawag, ayaw mo naman sigurong si Daddy ang sumagot doon di ba?" nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Kaagad siyang bumaba para sagutin ang tawag. Kahit naman papaano naaawa siya kay Beast baka pagsalitaan ito ng masama ng Daddy niya.

Nakasalubong niya pa ang Daddy niya pagkababa niya sa sala. Inirapan niya lamang ito at nagtuloy na sa kinalalagyan ng telepono.

"What?" mataray na sagot niya sa kanyang boss.

"Kanina pa ako tumatawag, hindi mo sinasagot! Napakapaimportante mo!" inis na sabi sa kanya ni Aris.

"Ano bang kailangan mo?! Wala namang pasok ngayon ah." pagsusungit niya sa kausap.

"Wala ngang pasok pero boss mo pa rin ako! Pumunta ka ngayon dito sa bahay." napaikot ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Kung makapag-utos akala mo kung sino." bulong niya na alam naman niyang narinig nito.

"Oo na, pupunta na ako!" sagot na lamang niya rito bago malakas na ibinaba ang telepono.

"Who's that?" tanong sa kanya ng Daddy niya pagkababa niya ng telepono.

"Boyfriend ko." pang-aasar niya rito.

"Boyfriend? Hindi ka pwedeng magkaboyfriend." mariing sabi nito. Heto na naman, magtatalo na naman ba sila?

Matalim niyang tiningnan ang Daddy niya. Ano na naman bang gagawin nito?

"Pinakialam niyo na 'yung buhay ko dati. I won't let you ruin it again." magaspang na sabi niya rito.

Kung may gagawin pa ito na ikasisira ulit ng medyo maayos na niyang buhay. Hindi niya na alam kung anong gagawin sa Daddy niya. Baka makalimutan niyang ama niya ito pagnagkataon.

"May mga plano ako para sayo. Its for your future." galit na sabi nito. Future? Puro na lang future niya. Bakit kaya hindi na lamang buhay nito ang pakialaman?

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon