Kabanata 15

1.6K 77 1
                                    

Two weeks. Dalawang linggo na ang nakakalipas at nagpapasalamat si Almira dahil hindi pa siya pinupuntahan ng kanyang Daddy. Hindi pa kasi siya makapagdesisyon kung pupunta siya sa lolo niya o sasabihin kay Aris ang problema niya.

Ayaw niyang madamay ang nobyo sa problema nila ng kanyang Daddy. Pero naisip niya, damay na pala si Aris nung nag-apply siya sa kompanya nito.

"Ate, what's your plan?" tanong sa kanya ni Cassy. Magkasama silang dalawa ngayon sa isang sikat na coffee shop. Nagyaya kasi itong lumabas sila.

"I don't know. Sasabihin ko ba kay Aris?" tanong niya rito. Napahinga siya ng malalim nang maalala ang galit sa mukha ng kanyang Daddy para kay Aris.

"Mabuting sabihin mo sa kanya ate. Malay mo matulungan ka niya." sagot sa kanya ni Cassy sabay inom sa kape nito.

Napatango na lamang siya sa kanyang kapatid. Pinagmasdan niya itong mabuti. Matagal niya nang napapansin na magkalayo ang hitsura nila ni Cassy. Siguro dahil nagmana ito sa Daddy nila at siya naman sa mommy nila.

Pero may bumabagabag pa rin talaga sa kanya. 

"Ate bakit?" takang tanong ni Cassy.

"Napansin ko lang, magkaiba tayo ng mukha. Wala tayong pagkakahawig." nasabi niya rito bigla. Nagtaka siya nang biglang umiwas ng tingin si Cassy.

"A-Ano ka ba ate, siyempre, nagmana ka kay M-Mommy." mas lalo siyang nagtaka nang mautal ito at parang naiilang sa kaniya.

Ngumiti na lamang siya rito at hindi na pinansin ang naging reaksiyon nito.

Alas-sais ng gabi na siya nakauwi. Bigla niyang namiss si Aris. Tatawagan na sana niya ito ng biglang lumabas sa cellphone niya ang pangalan ng nobyo.

"Hi!" masiglang bati niya kay Aris.

"Kumain ka na babe?" tanong nito sa kanya na sinagot naman niya ng oo.

Tumungo siya sa kusina para uminom ng tubig habang kausap si Aris.

"I'm sorry, hindi agad ako nakatawag. Ang dami kasing nag-apply as my secretary." sabi ni Aris sa kanya sa malamyos na boses.

"Nakauwi ka na ba? Kumain ka na?" tanong niya rito bago uminom.

"Kakauwi ko lang and busog pa ako." sagot nito sa kaniya.

Nagkwentuhan lamang silang dalawa ni Aris hanggang sa magpaalam itong maliligo muna. Tatawag na lamang daw ito mamaya pagkatapos.

Nakangiting pinatay niya ang kanyang cellphone. Akala niya ay hindi niya na maririnig ang boses nito.

Tatayo na sana siya para pumasok sa kwarto nang may biglang kumatok sa kanyang pinto.

"Pack your things, uuwi ka na." nagulat siya nang mapagbuksan ang Daddy niya.

"No." mariing tanggi niya. Napahawak siya ng mariin sa kanyang cellphone nang bigla siyang haklitin nito sa kaliwang braso.

"Almira, ayaw mo naman sigurong kaladkarin pa kita pauwi!" napatulo ang luha niya nang mas dumiin ang hawak nito sa kanya.

"Hindi ako uuwi!" sigaw niya sa kanyang Daddy.

Napaaray siya nang hawakan rin nito ang kanan niyang braso. Nanlaki ang mga mata niya sa sakit na nararamdaman.

"Almira Louise! Uuwi ka sa ayaw o sa gusto mo!" sigaw ng kanyang Daddy. Parang wala lang dito ang pag-iyak niya. Daddy niya ba talaga ito?

"Ayaw ko nga!" mas nilakasan niya ang boses dahil pakiramdam niya mababali na ang mga braso niya.

"Sige! Hindi ka uuwi, pero dito titira si Huedrex! At gaya ng sabi ko, sa ayaw niyo man o sa gusto, kami ng Daddy niya ang masusunod!" sigaw nito sabay bitaw sa kanya bago umalis. Napadapa siya sa sahig dahil doon.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon