Kabanata 20

1.6K 64 0
                                    

Masakit ang ulong bumangon si Almira sa kanyang kama. Magdamag siyang umiyak. Dahil sa ginagawa niya kay Aris. Mahal niya ito, pero dahil nga sa akala niyang hindi siya nito bibitawan ay bigla na lang siyang nawalan ng gana.

Habang nagkukulong siya sa kanyang kwarto ay bigla na lamang may kumatok sa kanyang pinto. Napakalakas niyon na para bang nagmamadali ang nasa labas.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang totoo niyang Mommy. Nabigla siya ng yakapin siya nito nang mahigpit at malakas na umiyak.

Nakaramdam siya ng awa para dito kaya nagawa niyang haplusin nang masuyo ang likod nito.

"W-Why are you c-crying?" tanong niya sa kanyang Mommy habang marahan itong iginigiya paupo sa sofa.

"I'm sorry." umiiyak na sabi nito. Kahit nagtataka ay hindi na lamang siya nagtanong. Hinayaan niya na lang na magsalita pa ito.

"I'm sorry fom what I did to you and to my son Kurt." Biglang kumirot ang puso ni Almira nang marinig ang first name ni Aris.

"Why?" Mahinang tanong ni Almira habang inaayos ang buhok ng Mommy niya.

"Dahil hinahadlangan ko kayo. Claudette, you and Kurt are my children. I want the best for the both of you. Kaya lang parang ako pa yung nakakasira ng magandang samahan na meron kayo. I'm sorry anak. You and Kurt are not siblings. He already know that." Biglang tumulo ang luha niya sa sinabi ng kanyang Mommy.

Sa lahat ng sinabi nito isa lang ang tumatak sa isip niya. Hindi sila magkapatid ni Aris.

"Paano niya nalaman?" nagtatakang tanong niya.

"He asked for another DNA test. Pero dahil alam namin ng Daddy niyo na darating at darating kami sa ganoong pagkakataon, we told him na hindi namin siya anak. We adopted him when he was eight years old." Tumulo muli ang kanyang mga luha dahil doon.

Kaya ba pilit na ipinapatanggap sa kanya ni Aris ang totoo niyang mga magulang dahil may alam na ito?

"Nasangkot ang family niya sa isang car accident noong 7 years old siya. Both of his parents, died. He suffered a lot. Kalahati lang ng utak niya ang gumagana, kaya kailangan niyang magpagamot, magpaopera." Hindi niya inaasahan ang kwentong iyon ng kanyang Mommy. Bakit hindi niya iyon alam? Pero ang malaking tanong sa kanyang isipan ay, alam ba iyon ni Aris?

"Mahirap lamang ang orphanage na pinanggalingan niya. At first we tried to find his other relatives, pero walang gustong kumuha sa kanya. Why? Because he's a son of Alejandro Fuentabella, one of the most powerful business man in Asia. Ayaw nilang mapunta kay Kurt ang kayamanang naiwan ng mga magulang niya na talaga namang sa kanya." Bigla siyang naguluhan sa sinabi ng kanyang Mommy.

Kilala nga ang mga Fuentabella. Pero hindi niya alam na mayroong itinatagong kwento ang mga ito.

"What happened next?" curious na tanong niya sa kanyang Mommy.

"Kami ang tumayong magulang ni Kurt. Dinala namin siya sa ibang bansa, para magpaopera. Bakit namin yun ginawa? Kasi nagungulila kami sa pagkawala mo." Muling bumuhos ang luha sa mga mata ng kanyang Mommy.

"A-And?" umiiyak na ring tanong niya. Gusto niya pang malaman ang lahat.

"Nawala ang ala-ala niya noong bata pa siya. Sabi ng doktor, pansamantala lang iyon, pero hindi na talaga bumalik."

Naaawa siya para kay Aris. Hindi niya alam na sa murang edad pala nito ay nawalan na ito ng mga mahal sa buhay. Tapos ngayon, pinagtatabuyan niya pa ito.

Pero, bakit kasi hindi nito sinabi sa kanya na magpapa-DNA test pala ito at ang mga magulang niya?

Bigla niyang pinagalitan ang sarili dahil sa isiping iyon. Kasalanan niya rin naman dahil hindi niya hinayaang makapagpaliwanag si Aris. Pinairal na naman kasi niya ang pagiging mabunganga.

-Aris-

"Fuentabella?" Mahinang bulong ni Aris, habang nakasandal sa hamba ng pinto ng condo ni Almira.

Ngayon niya lamang narinig ang mga sinabi ng kanyang Mommy. Hindi niya alam na may malalim na kwento pa pala ang buhay niya.

Tatawagin na sana niya si Almira nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Tiningnan niya lamang iyon at muling isinilid sa bulsa. Pero muli na naman iyong nag-vibrate kaya he has no choice. He answered the call kahit na inis na inis na siya.

"What?!" tanong niya habang papalayo sa condo ni Almira.

"Sir, si Sir Huedrex po kasi pumunta rito, kailangan niya raw po ang tulong niyo." Nagtaka siya sa sinabi ng kanyang sekretarya.

"Okay, I'll call him." sagot niya rito at mabilis na pinatay ang tawag.

Bakit kailangan ni Huedrex ng tulong? Sa lahat ng kaibigan niya ito lamang ang malimit na mangailangan ng tulong.

"Hey, Huedrex?" tanong niya sa kabilang linya habang nasa elevator siya.

"She left, Aris. Ikaw lang ang alam kong makakapagpabalik sa kanya." Malungkot na sabi ng kaibigan niya. Sinong umalis?

"Si Veron ba?" tanong niya sa kaibigan. Hindi man nito sabihin kung sino ay malakas na ang pakiramdam niyang si Veron iyon.

"Yes, Aris please, I really need your help." Napangisi siya nang wala sa oras dahil sa sinagot nito.

"Sige, I'll help you, kakausapin ko muna si Louise." sabi niya rito habang nasa lobby siya.

"No, Aris, ngayon ko kailangan ng tulong. I know that you really need to talk to her, pero kaligayahan nating apat ang nakasalalay dito." bigla siyang natigilan sa sinabi ni Huedrex.

Anong ibig nitong sabihin?

"What do you mean?" Napatiim-bagang siya habang nakatingin sa labas ng building.

"You told me na hindi totoong anak ni Tito Leo si Almira. Sinabi ko iyon kay Daddy, baka sakaling magbago ang isip niya. But they still wants us to get married. Next week na ang engagement party." Para siyang nanghina nang marinig ang sinabi nito.

Bakit itutuloy?! Wala naman nang karapatan si Leo kay Almira! Ano bang gusto nitong mangyari?!

"Bakit kailangan mo si Veron?" takang tanong niya kay Huedrex.

"Because I love her. Ihaharap ko siya kay Daddy para hindi matuloy ang kasal!" Galit na sabi nito. Pati siya ay nagagalit sa posibleng mangyari kapag hindi niya tinulungan ang kaibigan.

"Where is she? Pupuntahan ko siya!" tanong niya kay Huedrex. Kailangan niyang makausap si Veron. Dahil sabi nga ni Huedrex, nakasalalay dito ang kaligayahan nilang apat.

"I don't know. I already asked Zerine, pero ayaw niyang sabihin." sabi ni Huedrex

"Alright, I'll go ask Zerine o kaya kay Chrome. Hahanapin ko si Veron, don't worry dude." sabi niya at ibinaba ang cellphone.

Bakit ba ayaw sabihin ni Zerine kung nasaan si Veron?! Bakit ba pinapairal ng mga ito ang pride sa sitwasyon nila ngayon?!

Nang makarating sa sasakyan ay mabilis niya iyong pinaandar papunta sa bahay ni Chrome.

Saka na lamang niya kakausapin si Almira, kapag naayos na niya ang mga dapat ayusin.

Hahanapin na muna niya si Veron. Hindi siya papayag na matuloy ang kasal na dapat ay hindi na mangyari dahil hindi naman talaga anak ni Leandro si Almira.

Siya ang dapat na maikasal kay Almira, hindi si Huedrex o kung sino pa man.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon