Kabanata 5

1.8K 90 0
                                    

"So ate, how's your job sa Santillan?" tanong sa kanya ni Cassy habang ngumunguya ng chips na sinubo nito.

"Hmm?" hindi niya alam kung anong isasagot dito. Paano kung bukas wala na siyang trabaho? Baka nagsumbong 'yung Huedrex na 'yun sa boss niya.

"Anong 'Hmm?' ?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.

"Wala." sagot niya rito at sumipsip sa milkshake na hawak.

"Wala raw, siguro gumawa ka ng kalokohan ano?" napangiwi siya sa sinabi ng kapatid.

Naalala niya bigla si Aris. Ano bang ibig nitong iparating sa huling sinabi nito?

"Eh kasi naman, yung boss ko napakamisteryoso. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang hitsura." inis na sabi niya kay Cassy.

"Tapos?" nasasabik na tanong ni Cassy at lumapit pa sa kanya.

"Pinapunta niya ako do'n sa bahay niya, eh wala naman siya. Tapos dumating 'yung best friend niya na akala ko, siya. Ayon inaway ko. Napakayabang kasi no'ng boss ko. Tapos napakasung-" naputol ang sasabihin niya nang bigla niyang maalala si Aris.

Napatitig siya sa kanyang kapatid at napatili! Maging ito ay napatili na rin kahit hindi naman nito alam ang nangyayari.

"Oh my gosh! Baka kapatid niya si Aris!" nanlalaki ang mga matang sabi niya.

"Sinong Aris?!" tanong ng kapatid niya sabay hampas sa kanya. Sapo-sapo pa nito ang dibdib dahil siguro sa pagtili nila.

"Yung kaibigan ko." sabi niya sabay subo ng napakaraming chips. Napaubo tuloy siya dahil sa ginawa.

Kaya siguro naroon ito sa building ni Kurt dahil kapatid nito ang boss niya.

Kung anu-ano pa naman ang pinagsasasabi niya rito noong nasa elevator sila. Nakakahiya talaga!

Para yatang nawala ang Almira Louise na kilala niya. Bakit parang bigla siyang nahiya, kinabahan at natakot. Hindi naman siya ganoon dati.

Kung sigaw-sigawan niya pa si Aris akala mo wala nang bukas. Pero naisip niya, kasalanan rin naman nito iyon, hindi ito nagsorry sa kanya.

Kinabukasan ay atubili pa siyang pumasok sa opisina. Paano kung tanggal na pala siya?

"Ah basta! Kung tanggalin niya ako, edi tanggalin. Maganda nga iyon, para makapagbar naman ako." mariing bulong niya sabay pasok sa building ni Kurt.

Papasok na sana siya sa elevator nang makita niya ang kung sinong laman niyon. Kaagad siyang nagtago sa halaman na nasa gilid para hindi siya makita ni Huedrex. Napamura pa siya nang mapansing mukha siyang tanga roon.

"Bakit ka nagtatago?" napasigaw siya nang marinig ang boses ni Aris. Pinanlakihan niya ng mga mata ang mga empleyadong tumingin sa gawi nila. May pagtsitsismisan na naman ang mga ito.

"Hey Aris! Mabuti naman at naisipan mong pumunta dito. Akala ko ibuburo mo na naman 'yang sarili mo sa bahay mo." napasinghap siya nang marinig ang boses ni Huedrex.

"Huedrex." nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Aris sa kausap. Tumingin naman si Huedrex sa kanya kaya napapikit siya ng mariin.

"Oh, di ba ikaw yung pumunta sa bahay ni Aris nung isang araw?" nakangising sabi nito.

"Please 'wag mo akong isusumbong sa boss ko. Hindi totoo 'yung mga sinabi ko noon. Nadala lang ako ng inis ko." mabilis na sabi niya kay Huedrex sabay ngiti ng pilit.

"Huh?" nagtatakang sabi nito. Palipat-lipat lamang ang tingin nito sa kanya at kay Aris.

"Oh okay," sabi na lamang ni Huedrex ng nakangisi bago nagpaalam.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon