Kabanata 17

1.4K 71 0
                                    

Pagdating sa babay ng kanyang daddy ay hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ni Almira. Ano ang mga sasabihin nito? Bakit parang hindi niya yata magugustuhan ang mga iyon.

"Hey, are you okay?" tanong sa kanya ni Aris na nasa tabi niya habang hawak ang kanan niyang kamay.

"Kinakabahan kasi ako." sagot niya rito.

"I'm here, so don't worry." sabi ni Aris na medyo nakabawas sa kabang nararamdaman niya.

Habang nasa sala sila at hinihintay ang pagbaba ng kanyang Daddy ay hindi pa rin siya mapakali.

Hindi naman nagtagal ay namataan na nila itong pababa ng hagdan. Ganoon pa rin ang awra nito. Sumisigaw ng kaistriktuhan.

"Dad..." sabi niya nang makalapit na ito sa kanila.

"Now that you two are here. Sasabihin ko na lahat." sabi ng Daddy niya. Pakiramdam niya ay parang tinatambol ang kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog niyon.

"Bakit hindi kayo pwede?" pigil ang hiningang hinintay niya ang susunod na sasabihin nito.

Maging si Aris na nasa tabi niya ay napahigpit ang hawak sa kanyang kamay.

"Dahil magkapatid kayo!" para siyang nabingi sa sinabi nito.

"No! Bawiin niyo iyong sinabi niyo Dad!" sigaw niya habang umiiyak.

"That's the truth Almira!" sigaw nito sa galit na boses.

"Hindi! Hindi kami magkapatid! Sinasabi niyo lang iyan para paghiwalayin kami! Daddy, hanggang ngayon ba naman ipipilit niyo pa rin ang gusto niyo!" sigaw niya habang puno ng luha ang mukha.

Hindi sila magkapatid. Hindi pwede. Hindi niya kakayanin.

"Paano niyo nasabing magkapatid nga kami." sabi ni Aris sa malamig na boses.

"Your mom, Alice Santillan. We had a relationship before. Mahal na mahal ko siya, kaya grabe ang galit ko nang bigla niya akong iwan. That's why, I kidnapped Almira, para gumanti." puno ng galit na sabi ng kanyang Daddy.

Hindi ba ito natatakot sa mga isinisiwalat?! Maaari nilang gamitin iyon laban dito!

"Ibig sabihin, ampon ako. Kaya ako lagi ang pinahihirapan mo dahil hindi mo ako totoong anak!" sigaw niya.

"No, hindi totoo ang sinasabi niyo! Kung ginagawa mo ito para iwan ko si Almira, at para matuloy ang kasal. Hindi ako papayag! Magkakamatayan muna tayo bago niyo magawa ang gusto niyo!" galit na sigaw ni Aris sa kanyang Daddy. Kaagad siya nito hinila paalis.

Galit na binuksan nito ang pinto ng kotse para makasakay siya. Napahawak siya ng mahigpit nang mabilis itong magdrive. Natatakot siya kay Aris. Ibang Aris ang nakikita niya ngayon.

"B-Babe, slow down." mahinang sabi niya. Pero parang bingi itong ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

"Beast! Mababangga tayo sa ginagawa mo!" sigaw niya rito.

Sumunod naman ito sa kanya at inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada.

"F*ck!" Dumagundong ang boses nito sa loob ng kotse. Galit na galit talaga si Aris.

Ilang ulit nitong pinaghahampas ang manibela, bago lumabas. Umiiyak na sinundan niya ito.

"Babe." tawag dito ni Almira. Nagulat siya nang suntukin nito ang unahan ng kotse.

"Babe, tama na please. Natatakot na ako sayo eh." Humahagulgol na sabi niya rito habang pinipigilan ito sa pagpapawala.

"Louise, naniniwala ka ba kay Leandro?!" Malamig na tanong nito. Hindi niya alam ang sasabihin. Naniniwala ba siya?

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon