Kabanata 6

1.7K 82 0
                                    

"Ayan, kagagahan at katangahan mo kasi ang pinapairal mo! So what are you going to do now?" inis na tanong sa kanya ni Cassy.

Imbes na magalit dito dahil sa sinabi nito ay mas lalo lamang siyang nanliit dahil totoo naman talaga ang mga iyon.

Naalala na naman tuloy niya ang kung paano niya tratuhin si Aris noong hindi pa niya alam na ito ang boss niya.

"Eh kasalanan din naman niya, kung sinabi niya kaagad sa akin na siya pala ang boss ko, hindi sana aabot sa ganito! Pamisteryoso pa siya, bwisit!" inis na sabi niya habang nagpapapadyak ng mga paa sa kama ni Cassy.

Wala naman pasok sa trabaho ang kapatid niya ngayon kaya nakausap niya ito. At siya naman, pinili munang 'wag pumasok, dahil sa kahihiyang ginawa niya.

"Kung sabagay, pero bakit niya ba kasi ginawa iyon?" takang tanong nito. Maging sa kanya ay palaisipan pa rin ang ginagawang pagkukulong ni Aris sa bahay nito.

"Siguro dahil sa peklat niya sa mukha?" bigla niyang nasabi out of nowhere. Yes, maybe that's the reason kung bakit ito nagkukulong.

"Peklat?" natuptop niya ang bibig dahil sa tanong ni Cassy. She promised to Aris na walang ibang makakaalam noon. But then naisip niya, ano namang masama kung malaman ni Cassy.

Hindi naman malalaman ni Cassy ang reason kung bakit may peklat ito sa mukha. Dahil wala naman siyang isasagot sa kanyang kapatid. Hindi rin naman niya alam kung saan nakuha ni Aris ang malaking peklat na iyon.

"Yes." maikling sagot na lamang niya sa kapatid.

Now going back sa naunang tanong ni Cassy. Ano nga bang gagawin niya ngayon?

"Kung magresign na kaya ako?" napangiti siya sa sinabi.

"That's not a good idea. Para mo na ring sinabi na talo ka ni Daddy. That's what he wants di ba? Ang magresign ka sa trabaho mo sa Santillan." sabi ng kapatid niya na ikinawala ng kanyang ngiti.

"If only I can turn back time." kung pwede lang nga sana. Magpapakabait talaga siya kay Aris.

"Teka nga, bakit ba namomroblema ka? Eh everytime you encountered something like this, pinagmamalditahan mo sila. What is wrong with you Ate?" napatitig siya kay Cassy.

Oo nga, ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba napakabigdeal sa kanya ang mga nangyari. Akala ba niya, siya si Almira Louise Castro?

Hindi siya nakasagot sa kanyang kapatid. Ano bang isasagot niya? Anong sasabihin niya.

"Don't tell me you like him." biglang kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito.

"What are you talking about?" awkward na tanong niya rito. Bakit naman siya magkakagusto kay Aris. Sa ugali pa lang ng isa't isa alam mo nang hindi sila magkakasundo.

"Ohh, bakit parang ang awkward ng tono mo? OMG, Almira Louise Castro is in love." naibato niya bigla kay Cassy ang nadampot na unan.

"Ewan ko nga sayo!" sabi na lamang niya sa mapang-asar na kapatid sabay labas ng kwarto nito.

In love? Duh? Nunca na magkagusto siya sa Beast na iyon.

Pagkalabas ng kwarto ni Cassy ay kaagad siyang tumungo sa kusina para kumuha ng carrot shake. Baka maibsan no'n ang init ng ulo niya dahil sa pang-aasar ni Cassy.

"Why are you here?" muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses ng Daddy niya.

Bakit naroon ito ngayon. Di ba dapat nasa trabaho ito?

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon