Wakas

3.2K 108 8
                                    

"Mr. Kurt Aris Fuentabella?" Nagtatakang ulit ng babae. Sabay-sabay ang pagsinghap ng mga taong naroon.

Iyon ba? Iyon ba ang plano ni Aris at Huedrex?

Hindi kaagad nakakilos si Almira sa kaniyang kinatatayuan. Malakas na kabog ng kaniyang dibdib ang tangi niyang naririnig.

Lilingon na sana siya para makita si Aris ng bigla na lamang may pumigil sa kaniyang braso.

Si Leandro.

"Is this your plan?!" galit na tanong nito sa kaniya.

Napadaing siya sa higpit nang pagkakahawak nito sa kaniyang braso.

"Yes! Kaya bitawan mo ako!" madiing sagot niya.

Mas lalo lamang humigpit ang pagkakahawak ni Leandro sa kaniya. Gusto niyang kumawala rito, para kasing mapuputol ang kaniyang braso sa klase ng paghawak nito.

"No!" Sigaw ni Leandro na ikinatingin sa kanila ng mga bisita. Sasampalin na sana siya nito ng may brasong sumangga sa kamay nitong papalapit sa kaniyang pisngi.

"Hurt her, and I'll kill you!" sabi ng malamig na boses na nagpatindig nang kaniyang balahibo.

Sa ilang araw niyang hindi ito nakita, parang nag-iba ang aura ni Aris. Mas naging istrikto ang tono ng boses nito.

Dahan-dahan niyang nilingon ang binata sa kaniyang tabi. He's wearing a black suit, napakagwapo nito sa ganoong ayos.

Bigla na lang tumulo ang luha niya ng mapadako ang kaniyang mga mata sa mukha nito.

Nasaan na iyon?

Magtatanong na sana siya ng makarinig siya ng pagkabasag ng baso.

Ibinato pala ni Leandro ang basong nahawakan nito sa malapit na table.

"Ikaw! Bakit ba lahat ng plano ko binabangga mo?!" Bakit? Bakit galit na naman ito?! Akala niya ba noong sinabi nitong hindi siya nito anak, maayos na itong makitungo sa kanila?!

Ano pa bang gustong mangyari ni Leandro?!

"Dahil lahat ng plano mo, salungat sa gustong mangyari ni Louise!" galit na sabi ni Aris.

Napansin niya ang pag-alis ng ibang taong naroon.

"At anong gusto niyo?! Ang kayong dalawa ang magkatuluyan?! Nahihibang na ba kay--."

"Hindi kami magkapatid kung iyon ang iniisip mo! I am not a Santillan! Kaya mangyayari ang gusto namin sa ayaw o sa gusto niyo!" Nakaramdam ng takot si Almira dahil sa tono ng boses ni Aris. Ramdam niya rin ang sobrang galit nito para kay Leandro.

"Ano pa bang gusto mo?! Inilayo mo na nga si Louise sa totoo niyang pamilya tapos ikaw pa ang may ganang magpatakbo ng buhay niya?! Ikaw ang nahihibang!" Muling tumulo ang luha ni Almira dahil sa sinabi ni Aris.

Sino bang hindi mapapaiyak dahil doon. Ipinagtatanggol siya nito kay Leandro na ang tanging alam lamang ay pakialaman ang kaligayahan niya.

"You want money?! Gustong mong yumaman pa?! Then fine! Ibibigay ko sayo ang pera ko at ang kompanya ko! Lubayan mo lang si Almira!" natigilan siya sa sinabi ni Aris.

Gagawin nito iyon?

"Aris..." halos pabulong na tawag niya rito.

"Hindi mo alam—."

"Enough Leandro! Tama na ang ginawa mo sa pamilya ko, hindi na ako makakapayag na maulit uli ang mga kahayupan mo!" Galit na sigaw ng Mommy niya

"Alice?" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Leandro ng makita ang Mommy niya.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon