Kabanata 13

1.6K 84 1
                                    

Alas dose na ng gabi ay hindi pa rin siya makatulog dahil naaalala niya pa rin ang mga nangyari noong isang araw. Dalawang araw na siyang hindi dinadapuan ng antok kapag naiisip niya iyon.

Si Veron at Huedrex, magkaaway dahil kay Tyle daw na boyfriend ni Veron. Sa tingin niya ay hindi iyon away bilang magkaibigan, there's something more than that.

Napabalikwas siya ng bangon nang tumunog ang kanyang cellphone.

Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita kung sino ang tumatawag. Bakit ito tumatawag?

Siguro dahil sa hindi sila nagkita kanina sa opisina.Tumikhim muna siya ng ilang beses bago iyon sinagot.

"Hello?" sagot niya kay Aris sa tonong parang bagong gising.

"I'm sorry, nagising yata kita." paos ang boses na sabi nito.

Para siyang tanga nang marinig niya ang boses ni Aris. Kinikilig siya sa isiping, bakit ito tumawag sa kanya?

"No, it's okay kakapikit ko pa lang naman no'ng tumawag ka." pigil ang hiningang sabi niya rito. Para siyang teenager na tinawagan ng crush niya kung makangiti siya.

Tinamaan na nga siguro siya kay Aris.

"I can't sleep, kaya naisipan kong tawagan ka." sabi nito. Inilayo niya muna ang cellphone bago sumigaw habang nakabaon ang mukha sa kanyang unan.

"B-Bakit naman?" tanong niyang abot hanggang tenga ang ngiti.

"I just want to." nawala nang bahagya ang ngiti niya. Akala pa naman niya kikiligin siya sa isasagot nito.

"Can you open the door? I'm outside." nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nasa labas ito ng bahay niya?

"O-Okay." mabilis niyang tinungo ang malaki niyang salamin para tingnan ang kanyang mukha. Pagkatapos ay kaagad siyang lumabas ng kwarto para pagbuksan ito.

"Hi." bati sa kanya ni Aris pagkabukas niya ng pinto. Namula siya nang suyurin nito ng tingin ang katawan niya. Nakita niya ang paglunok nito at pagpikit ng mariin.

"Why are you not wearing anything under your shirt?" napalaki ang mata niya sa sinabi nito. Shit! Wala nga pala siyang bra. Napakanipis pa naman ng suot niyang t-shirt.

Mabilis siyang tumakbo para magpalit ng damit at magsuot ng pang-ilalim.

Malapit na siya sa pinto ng kanyang kwarto nang mapatid siya sa paa ng mesang kinapapatungan ng mga libro. Kaya ang nangyari, nadapa siya. Napaigik siya dahil sa sakit ng mga braso, tuhod at paa.

"Dahan-dahan lang klase. Saan ang masakit?" nag-aalalang tanong ni Aris habang inaalalayan siyang makatayo.

Nahiling niya na sana ay lamunin na lamang siya ng lupa dahil sa kahihiyan. Hindi siya makapaniwalang nakita siya nitong parang tangang nakadapa sa sahig.

"Bakit kasi kailangan mo pang tumakbo? Akin na nga iyang paa mo." sabi nito sabay abot sa paa niyang tumama sa mesa.

Hindi siya makapagsalita dahil nahihiya siya rito. Napakatanga kasi niya.

"Magbihis ka na muna bago ko lagyan ng yelo ang paa mo." utos nito sa kanya. Namumulang tumango lamang siya rito.

Naiiyak na siya dahil sa kahihiyan!

"And, magpalit ka na rin ng pang-ibaba. Masyadong maiksi ang suot mo. Halos makita ko na lahat no'ng nadapa ka!" sabi nito sabay ngisi. Naibato na lamang niya rito ang unan na nadampot niya sa couch.

"Pervert!" sigaw niya rito bago pumasok sa kanyang kwarto.

"Shit! Nakakahiya ka Almira!! Bakit ang tanga-tanga mo? Bakit kung kelan nandiyan siya tsaka mo pinairal ang pagiging clumsy mo. Nakakaiyak!" ngawa niya sabay tapon ng sarili sa kama at nagpapadyak-padyak.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon