Kabanata 7

1.6K 94 0
                                    

"Good morning Maam Mira!" bati sa kanya ng guard pagdating niya sa trabaho. Nasanay na siyang tinatawag ng ganoon nito. Masyado raw kasing mahaba para rito ang Almira.

Ngiti at tango lamang ang isinagot niya sa security guard at kaagad ng dumiretso sa elevator.

Papasok na sana siya sa loob nang may humila sa kanya. Nagulat man ay hindi niya na ipinahalata. Baka may masabi na naman sa kanya ang lalaki.

Ganoon na naman ang ayos nito. Purong itim na damit. Hoodie at itim na sombrero.

Madilim ang mukha ni Aris habang hila siya papasok sa private elevator nito.

Marami siyang kasalanan sa lalaki kaya hindi na siya umangal kahit masakit ang pagkakahila ni Aris sa kanya. Hahayaan na lang muna niya ito sa mga gusto nitong gawin. At kapag alam niyang nakabawi na ito saka lamang siya gaganti.

"Bakit hindi ka pumasok kahapon?" malamig na tanong ni Aris. Hindi niya alam kung may kapangyarihan ba ito dahil sa bawat buka ng bibig nito ay parang nagyeyelo ang paligid.

"Hindi mo ako sasagutin?" napatirik ang kanyang mata sa tanong ni Aris. Para yatang gusto niyang bawiin ang sinabing hahayaan si Aris sa lahat ng gustong gawin nito.

"Paano kita sasagutin, eh hindi ka naman nanliligaw." mataray na sabi niya rito. Gusto niyang matawa sa hitsura ni Aris. Parang noon lang ito nakarinig ng biro.

"Wag kang magbibiro sa akin ng ganyan." seryosong sabi nito.

"Bakit? Naaapektuhan ka? May gusto ka siguro sa akin noh?" pang-aasar niya pa rito.

Napaatras siya nang maglakad ito palapit sa kanya. Halos gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.

Parang matutunaw si Almira sa klase ng tinging ibinibigay ni Aris.

"Shut your mouth kung ayaw mong matanggalan ng trabaho." sa sinabi nito ay para siyang natauhan. Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Pagtatawanan siya ng Daddy niya.

Mamaliitin siya ng kanyang Daddy at ipangangalandakang tama ang mga sinabi nito. Ayaw niyang mangyari iyon. Hindi pwedeng manalo ang Daddy niya sa larong ikinasira ng buhay niya.

"I'm sorry." mahinang sabi niya kay Aris at nauna nang lumabas nang bumukas ang elevator.

Naramdaman niya ang pag-init ng gilid ng kanyang mga mata. Hindi siya pwedeng umiyak. Baka pagtawanan siya ni Aris. Hindi nito pwedeng makita sa ganoong sitwasyon si Almira Louise Castro.

Kaagad siyang pumasok sa banyo nang tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha.

Pagdating talaga sa mga taong mahalaga sa kanya na inilayo ng Daddy niya ay hindi niya maiwasang maging mahina. 'Yun ang totoong siya. Si Almira na mahina, iyakin at sunod-sunuran sa kanyang Daddy, dati.

Dahil sa kanyang Daddy kaya pinilit niyang magbago. Nagrebelde siya, gumawa siya ng mga kalokohang ikasisira ng pangalan ng kanyang Daddy. Pero dahil nga sa mayaman sila at maimpluwensiya ito, nagagawa nitong pagtakpan iyon.

Ilang beses na rin niyang nasubukan ang maglaslas. Pero lagi lamang siyang nagigising na nasa ospital na.

"Louise, are you okay?" tanong ni Aris mula sa labas ng banyo. Nakita siguro nito ang pagpasok niya. Medyo matagal na nga siyang nasa loob kaya siguro kumatok na ito.

Kaagad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at sinipat ang sarili sa salamin. Nang maayos na niya ang sarili ay agad niyang binuksan ang pinto.

"Are you okay?" seryosong tanong ni Aris sa kanya.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon