Kabanata 19

1.5K 68 0
                                    

"Louise?" Narinig niyang tawag ni Aris sa labas ng kanyang kwarto.

Dali-dali niyang binuksan ang pinto at mahigpit na niyakap ang nobyo.

"Saan ka ba pumunta? Kanina pa ako tawag nang tawag pero hindi mo sinasagot!" Sabi niya rito habang umiiyak. Naramdaman niya ang pagbitaw ni Aris sa kanyang yakap.

"I'm sorry."

Nagtatakang tumingin siya rito. Saan ba ito nagso-sorry? "For what?" umiiyak na tanong niya. Dahil ba sa kapatid niya ito kaya ito humihingi ng tawad?

"Unfair kay Mom and Dad kung hindi mo sila tatanggapin. Masasaktan sila Louise." Bumagsak ang kanyang balikat dahil sa sinabi nito. Sumusuko na ba si Aris?

"Akala ko ba wala kang pakialam kahit na magkapatid tayo?! B-Beast, hindi tayo maghihiwalay diba?" sabi niya sa paos na boses. Maghapon na siyang umiiyak, kaya hindi na siya magtataka kung bakit wala na siyang boses.

"Louise, sina Mommy, hindi naman pwed—."

Hindi niya ito pinatapos sa sasabihin nito. "Ibig sabihin sumusuko ka na?! Aris, ayaw mo na agad?! Akala ko ba ayaw mong magkahiwalay tayo?!" sigaw iya kay Aris habang umiiyak.

"No, kailangan lang na ma—."

"Kailangan na ano?! Na magparaya tayong dalawa para sa kanila?! Aris hindi ko kaya! Kung sumusuko ka na kaagad, then fine! Ayaw ko na rin!" sabi niya sabay tulak kay Aris.

"Louise, mali ang iniisip mo. Please, pakinggan mo muna ako." umiiyak na rin na sabi ni Aris.

"No! Get out! Ayaw na kitang makita!"

Hindi niya na alam ang gagawin. Siguro nga mas magandang maghiwalay na lang sila. Darating din naman siguro ang araw na mawawala ang sakit.

Pilit niyang itinutulak palabas si Aris pero dahil nga sa lalaki ito at malakas ay halos hindi ito matinag sa kinatatayuan nito.

"Ano ba Claudette! Hindi mo ba talaga ako pakikinggan?!" galit na sigaw ni Aris sa kanya.

"Claudette?! You called me Claudette?! Ibig sabihin tinatanggap mong kapatid mo ako?! Ha? Kuya?!" Umiiyak na sigaw niya at malakas na binayo ito sa dibdib.

"No, please, Louise naman." pakiusap ni Aris.

"Ayaw mo umalis?! Sige, ako na lang ang aalis!" Galit na sigaw niya sabay kuha ng bag sa kama at mabilis na nilisan ang condo. Alam niyang susundan siya ni Aris kaya imbes na mag-elevator ay sa hagdan siya dumaan.

Pagkarating sa kotse ay kaagad niya iyong pinasibad. Bahala na kung saan man siya makarating. Basta wag lang niyang makita si Aris.

Isang maingay na bar ang tinigilan niya. Iinom na lang siguro siya, baka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman niya.

"Hi Miss?" bati ng lalaking tumabi sa kanya sa counter ng bar.

Gwapo naman ang lalaki pero sa tingin niya ay may pagkabastos ito.

"Pwede ba kitang isayaw?" tanong nito. Hindi niya pinansin ang lalaki at muling uminom ng alak na nasa baso.

"Sungit naman, sige na Miss, mabilis lang naman." pangungulit pa nito. Dahil siguro sa tama ng alak na iniinom niya ay pinagbigyan niya ang lalaki.

Habang sumasayaw ay naramdaman niya ang pagdiin nito sa kanyang likuran. Lulong na nga siguro siya sa alak dahil hindi niya sinusuway ang paglakbay ng mga kamay nito sa kanyang katawan.

Bigla siyang natauhan ng maramdaman ang halik nito sa kanyang batok pati ang paghimas nito sa gilid ng kanyang dibdib.

Aalis na sana siya sa pagkakayakap nito sa kanyang likuran ng bigla na lang may malakas na braso ang humila sa kanya.

The Love Of A Beast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon