Kinabukasan
Joyce's Pov
Nag lalakad na ko papuntang room sana nan dun si Bernard para may kadaldalan ako. Habang nag lalakad ako may kumuhit sakin, Sino yon?? Kase kung si Bernard yon. Hindi ganon manguhit yon.
"Oh? Hello?"
Hindi ko kilala kung sino yun kumuhit pero parang familiar sakin yun mukha nya. Oo familiar talaga
"Uhm. Hello? Pwede mag pakilala?" Luh! Pakilala agad!
"Sure"
"Darelle Sandoval nga pala.Ikaw?"
"Joyce Suarez"
Tapos ayon nag shake hand kami. shake hand! Rich kid!
"Ang cute mo pala sa malapitan" Sabi nya sabay ngumiti. Ay grabe sya ohh. Inborn na kaya to
"Ahh..Dapat ganon?"Tapos sabay kaming nag lakad medyo naiilang pa ko kaya hindi muna ako masyado nag sasalita pinapabayaan ko muna syang mag salitang mag salita tapos sinasagot ko nalang.
"Oo nga. Kase sabi nila Nathan na Baby face kadaw" Ginawa pa kong Baby! Aba! Matinde!
"Ahh. Kilala mo si Nathan?"
"Oo ka team ko kaya yon sa Basketball"
"Ah. Kaya pala Familiar yun mukha mo"
"Talaga?Ang galling!"
"Oo diba ikaw yun nadapa nung game?"
Bigla naiba aura ng mukha nya. Totoo naman kase nanadapa sya non. Ano? Speechless ka no? Yan yan! Tapos yun mga babaeng nanonod panga todo "Kuya Darelle? Okay kalang" Panay ganon naririnig ko non.
"Wow. Grabe hindi naman ako nadapa non, May tumalapid sakin don"
"Talaga lang ha. Sige dito na classroom ko bye!"
"Sige! Nextime ulit!"
Tapos ayon, Pumasok na ko sa room, Hinanap ko si Bernard at ayon nakita ko. Pero bakit ganon yun mukha nya? Mukhang hindi maipinta. Anong meron??
"Huy! Bernard! Bakit ganyan pagmumukha mo?"
"Wala!"
"Bakit nga? Eto naman oh!" Tapos hinawakan ko yun braso nya. Etong so Bernard isa to sa mga bestfriend ko. Kaya dapat wala tong tinatago sakin.
"Tsk. Sino yun kasama mo kanina?"
"Hala bakit?"
"Sino nga kase?"
"Ahh. Yun. Sya daw si Darelle, Yun nadapa nung nag game kayo"
"Yung Mokong na yon, Lage ka non tinatanong sakin eh"
"Mokong?"
"Oo mokong talaga"
"Hala" Kunwari daw affected. lol
"Basta Huwag ka nang lalapit don?"
"Bakit?"
"Basta!"
"Opo opo.Sige po."
Kailangan ko syang sundin. Bakit? Kaibigan ko sya eh.
Third Person Pov.
Habang nag lalakad si Darelle agad naman syang hinarang ni Jin. Oo si Jin hindi kayo nag kakamali.
"Oh? Jin? Bakit?" Tanong ni Darelle na halatang nagulat pa.
"Wala lang sasabay lang ako pumasok" Sagot naman ni Jin na naka pamulsa pa.
"Akala ko pa naman kung ano na."
BINABASA MO ANG
Aso't Pusa (On hold)
Short Story"Bwisit na pusa to" "Bwisit na aso to" Aso't Pusa by fyeandrei (2017)